CHAPSKY #43

1.4K 40 5
                                    

VIOLET POV

Papalapit na sana kami sa Clinic ng sinabihan ako ni Ivy na pupunta raw muna siya sa Cr kaya ako nalang mag-isa ang nakikinig sa mga pinagsasabi nila sa loob

Di ko inaakalang parehas pala kami ng kaarawan ni Ivy and at the same time, ganun pala kalala yung dinadamdam niya. Bestfriend niya ako pero di ko man lang yun napansin. Si Bakla pa yung nakakita sa ganung side ni Ivy hayss.

" D-Dora?? anong ginagawa mo dito? kanina ka pa jan?"

Nakakabwesit na yung Dora dora na yan ha!


" Oo obvious ba? Pero totoo ba yung mga pinagsasabi mo? And totoo bang magkaparehas kami ng kaarawan ni Ivy?"

" Sheyt lagot ako ni Ivy nito kapag nalaman niyang may pinagsabihan ako about dun huhuhu😭 Hoy dora wag kang maingay ha!! Ba't ka pa kasi nakikinig sa may usapan!"

Tinignan ko lang siya ng masama at dun ko lang narealize na kailangan kong bumawi sa mga magagandang ginawa niya para sa akin. Tutal magcecelebrate ako ulit kaya might as well i celebrate rin
sakanya. Atleast now, may rason na ako kung bakit ko icecelebrate yung bday ko.


" Kayong dalawa makinig kayo sakin ng mabuti" seryosong sabi ko sakanila. May plano akong e suprise si Ivy sa araw ng kaarawan namin part 2. Buti nalang talaga at pumunta yun sa Cr


Siguro tama nga si Bakla, mahilig siyang magtago ng dinadamdam niya. Ayaw niyang sabihin yung mga problema niya kasi mas u-unahin niya pa ang kapakanan ng taong importante sa kanya kaysa sa sarili


Sinabihan ko na sila sa plano ko and im really glad na nagkakasundo kami dito. This is for Ivy and we hope na masuprise siya.

" yowww people! anong ganap dito? UYYY JOSHH BAKIT PARANG PUMANGIT KA NGAYON? MALALA BA YUNG PAGSUNTOK NAMIN?"

Nabigla kaming tatlo ng pumasok si Ivy sa kwarto. Agad naman kaming umayos

" G-grabe to!! pangit agad? Eto kasing si Red may bonus pang suntok kaya ganito itsura ko ngayon" sagot ni Josh tapos tinignan lang ni Ivy si Red ng masama hahaha

" Halika ka nga dito unggoy! Suntok gusto mo ha?!"

" Hindi baby ko, kisspirin gusto ko muahhh---AHHH!!!!!! SHEYT TAMA NAAA!!!"

HAYSS NAKAKABALIW TONG DALAWANG TO🤦

Pagkatapos ng suntukan moments nila ay may sinabi si ivy samin

" Nga pala guys, sabi ni maam tatlo raw yung parang theme sa singing contest natin. About Friendships, Love, and anu nga yung isa? hmmm ahhh about loneliness? So parang sa friendships girl&girl so tayo dalawa jan bes, sa love naman boy&girl so partner partner tayo jan------"

" PARTNER TAYO BABY KO HAAAA!!!"

" SHATTAP RED DI PA AKO TAPOS! EHEMMM TAPOS SA LONELINESS BA YUN? PARANG ISA LANG ATA YUNG KAKANTA.... BWESIT KA JOSH DAGDAG STRESS NANAMAN TO!"

Hmmm sa tingin ko mas bagay pa kay bes yung loneliness kaya siya nalang siguro yung kakanta jan

" Bes ikaw nalang yung sa loneliness tutal maganda naman boses mo hehehe dba guys?" pag su-suggest ko and tumango naman yung mga boys kaya no choice ni Ivy.

" Okeh okeh next week tayo mag start ng prac natin"

Tumango nalang kami at umalis na sa clinic. Okay na rin si josh kaya nakalabas na rin siya. Hayss i hope everything will be at peace now. Mas prefer ko pa yung busy sa school kaysa sa laging may namamatay at nadadamay. I really hope wala ng kalaban na susulpot nalang kahit saan.

Para na rin namin tong bakasyon kasi busy yung mga isip namin sa mga mangyayari sa school and iwas gulo na rin






VIOLET'S DAD

Plano kong sabihin na sa asawa ko yung totoo kaya sinabihan ko siya na mag-uusap kami ngayon. Naghihintay na lamang ako sakanya sa kwarto ngayon.

Napatayo naman ako bigla mula sa pagkaupo ko sa kama namin ng pumasok siya na may dalang kape. Binigay niya sakin yung isa at tsaka umupo sa tabi ko

"Hon? anong pag-uusapan natin ngayon?"

Huminga muna ako ng malalim at pinakita sakanya yung mga ebidensya ko na matagal ko ng hinanda para sa araw na to. Kasali na yung mga dna test ko kay Ivy and about dun sa doctor na pinsan niya na incharge nung araw ng panganganak niya sa kambal namin.

Marami rami na rin akong na gather na information and hopefully maintindihan yun ng asawa ko. Balak ko talagang ulitin yung kaarawan nila para masabi ko na rin yung totoo. Hindi ko pinapaulit yun para tungkol sa Mafia business. Its all about our family business muna.

After niyang mabasa lahat, nakita kong
nakayukom yung mga kamay niya kaya agad ko yun hinawakan.

" Totoo ba lahat ng to?" Seryosong sabi niya pero umiiyakna siya

" Yeah...the reason kung bakit lagi akong wala ay para malaman ko na rin yung totoo. Hindi ako naniniwala na wala na yung isang anak natin kaya hinahanap ko siya lagi and finally, nahanap ko na rin siya and im so thankful na magkaibigan sila ni Violet."

" So totoo ngang a-anak ko si Ivy? And siya yung kambal ni violet?"

Tumango lang ako at yinakap siya ng mahigpit

" Magbabayad siya sa ginawa niya sa anak natin😡 Sinira niya ang buhay natin at buhay ni Ivy......D-di ko alam kung paano natin to sasabihin sa mga bata😭"

Sinabi ko sakanya na lalabas lahat ng katotohanan sa kaarawan nila na uulitin namin. Sumang-ayon naman siya sa plano ko

" Hon, natatakot ako na baka----baka di tayo matanggap ni ivy😞 Galit siya sa mga magulang niya which is us😭 Baka di niya tayo mapapatawad"

Yan din ang iniisip ko, may malaking posibilidad na magagalit si ivy sa katotohanan and baka di siya maniwala

" Lets just trust God okay? Alam kong di niya hahayaan na tuluyan ng mawala satin si Ivy. Kailangan natin magtiwala na magiging okay din ang lahat. Pero, di ko maiiwasan maisip na maaaring hindi pa tapos yung gulo, baka babalik yung taong may gawa nito sa pamilya natin."


" Di ko na hahayaan pang mauto tayo ulit ng taong iyon. Pinagkatiwalaan ko siya tapos ganito yung igaganti niya? Di niya alam kung sino yung kinakalaban niya. I may be a mother to my children and your wife but i can become a killer just for my family and for those bullshits who tried to ruin our family."

Eto na rin yung iniisip ko na baka mawala sa kontrol yung asawa ko. Di birong magalit ang isang to hayss. Sakanya nagmana yung kambal eh

Parehas kaming nagulat dalawa ng biglang bumukas yung pinto at pumasok sa kwarto yung isa sa mga anak namin

" Dad? Mom? Totoo ba lahat ng narinig ko? Totoo bang k-kapatid namin si Ivy?"



THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon