CHAPSKY #24

1.6K 63 0
                                    

Malapit na turn ko pero wala pa rin akong idea kung anong ibubuga kong sagot😭 At ito pa mga besh!!! ENGLISH DAPAT ANG LANGUAGE😭

Yung sinabi lang ni bez ang naremember ko putek huhuhu😭

" THANK YOU MISS DAVIS, NOW FOR OUR NEXT CONTESTANT,  MISS IVY!"

WAHHHHH AKO NAAAA!!! KERIBELLS LANG TO!!

" Good morning ms. ivy, you really have a good voice a while ago. So are you ready?"

Mygashh ivy smile ka lang kahit minumurahan ka na

" For your question, define true friends for you?"

Shit nakasalaaly na dito ang milo ko😭 Wala akong nagets promise.....kakapalan ko na ang mukha ko

" Uhmm pwede po bang mag call a friend para mag translate? hihihi?"

Napatalon naman ako sa tuwa dahil pumayag sila. Hindi ko nakita kung saan nakaupo si violet. Si Red nalang siguro kasi na sa harapan siya nakaupo.

" Red, hali ka rito! Classmate tayo kaya tulungan mo ako! Damay damay na ito hihihi"

Alam kong nagulat si Red pero wala na siyang choice kasi ginamit ko ang microphone para tawagin siya hahahaha. Halatang inis na inis siya sa nangyayari ngayon hahaha. Tumayo na siya at tumabi sa akin sabay kuha ng microphone.

"Para sayo ano ang tunay na kaibigan?" sabi niya kaya napatango nalang ako

"Pasensya na po mga judges kung magtatagalog ako kasi loyal ako sa ating wika hahaha charot pero eto po ang sagot ko-------Ang tunay na kaibigan, mahirap silang makita at makilala. Hindi mo alam kung sino ang mananatili sa tabi mo. Siguro para sa akin ang tunay na kaibigan, yun ang taong tanggap ka kung ano at sino ka. Sila yung taong hindi mo inaasahan na maging kaibigan mo sila.

Ako  po, hindi ko pa nararanasan na magkaroon ng kaibigan ever since but hindi ko inaakalang makikilala ko ang una kong kaibigan na tanggap ang pagkabaliw ko. Ako  kasi naniniwala ako na hindi man natin sila ineexpect na dumating sa buhay natin, pero inexpect mo na na aalis din sila sa tabi mo. Yan ang  paniniwala ko pero binago iyon ng bestfriend ko kaya salamat bez ha and yun lang po salamat!"

Akala ko tapos na hahaha pero kailangan pa pala itranslate yun ni Red kasi majority sa mga judges ay englishero. Pagkatapos mag translate  ni Red bumulong ako ng 'thank you' pero inirapan lang niya ako tsk! Parang bakla blehh!

Bumalik na siya sa upuan at sumunod naman ay yung awarding na. Ang bongga ang bilis ng event na to, di ko na inexpect na manalo ako pero keribells lang hahaha.

Nag announce na sa 3rd to 1st runner up pero  wala  pa rin ang pangalan ko, tsk edi wow! Nabobored na talaga ako sa kakatayo kaya kinuha ko sa heelss ko ang milo sachet na tinago ko incase of emergency hihihi ang sharep!!

Kumakain lang ako nun ng biglang sumigaw ang lahat ng tao. Mga baliw yung audience namin ngayon hayss ewan ko na sa kanila wala na talaga akong paki kasi nagmumurahan lang sila doon. Buti pa ako chill at nageenjoy lang sa milo ko. Napatigil ako sa pagkain ng milo ng may narinig akong ingay sa tabi ko.

"psst!" huh? san galing yun?

"Tawag ka raw" napalingon naman ako sa katabi ko na kalaban ko sa pageant

"Huh? sino?" tanong ko

" Yung emcee tawag ka" sabi niya kaya nilapitan ko ang emcee sa harap

"Bakit? May problema po ba?" tanong ko sa emcee na nag announce ng winners habang nakahawak sa milo ko

"HHAHAHAHA MS. IVY IKAW ANG CHAMPION!"

Nakatitig lang ako sakanya for five second hanggang nag sink in sakin ang lahat...

THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon