CHAPSKY #44

1.3K 41 0
                                    

VIOLET'S DAD POV

" Dad? Mom? Totoo ba lahat ng narinig ko? Totoo bang k-kapatid namin si Ivy?"

F*uck this is not the right time.....

" S-son? kanina ka pa?" Parang nawawasak yung puso ko ngayon nang makita namin siyang lumuhod sa harapan namin

" Dad....please sabihin mo sakin ang totoo! Totoo ba l-lahat ng narinig ko? Totoo bang si ivy yung kambal ni Violet? Dad please umamin kayo....kapatid ko rin siya----bunso ko rin siya dad"

Lumapit kami sakanya at tinulungang tumayo tsaka hinagkan. Siguro may karapatan din siyang malaman agad ang totoo kaya pinakalma muna namin siya at sinabi yung lahat.

Gaya ng reaction ng aking asawa, nagulat din siya pero at the same time nagalit sa taong puno't dulo ng pangyayaring ito. Sinabihan na namin siya na wala munang makakaalam bukod sa aming tatlo about kay ivy.

Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba yung celebration ng kaarawan nila this coming two days kasi nabalitaan kong nasa pilipinas na yung taong sumira sa buhay namin....natatakot ako na baka may gagawin nanaman yun. Kaya i think i momove ko nalang yung date

I hope mapatawad kami ni Ivy......sana matanggap niya kami😞


IVY POV

" DRAK!!!! NASAN NA BA KASI SI SKYVEE? "

Kanina pa ako dito nag-iikot sa bahay kasi nawawala yung aso ko. Baliw din naman kasi tong si Drak! Inuutasan yung aso kala niya tao to! Yan tuloy baka naglayas yun bwesit!

" Ivy naman...sinabihan ko lang yun na kunin yung mga sampay sa labas kasi baka uulan tapos paglabas ko sa kwarto di ko na siya nakita"

UGHHH!!!! AKALA KO BA AKO LANG ANG BOBO DITO?!! TAENA DRAK ASO YUNG INUTUSAN MOOOOO!!!

" Pag may nangyaring masama kay skyvee, lagot ka saking matanda ka!!"

Kinuha ko na ang susi sa kotse ko at umalis na sa bahay. Putek sorry skyvee iniwan kita sa matandang yun😭 Ngayon ko lang narealize na mas matalino pa ako sa drakulang yun!

Habang nagmamaneho ako, biglang nagring yung phone ko kaya agad ko yun tinignan. Si violet lang pala yung tumawag kaya agad pinindot ko na yung accept

" Hello Bes?" tanong ko

" Sabi nga pala sakin kanina ni dad bes na imomove raw yung date ng celebration"

Ahh yung bday niya? Hmm bakit kaya imomove? Well oks na rin yun kasi busy na rin kami ngayon sa school

" Okiee bes, yun kang ba sasabihin mo? "

" Yup, sge bes ibaba ko na ha....may pupuntahan pa rin kasi ako babyee"

Nagpaalam na rin ako kay Violet at binaba na yung phone. Napatigil ako sa pagmamaneho ng may nakita akong tao na nagtitipon sa isang lugar na l-lagi namin pinupuntahan ni skyvee. Ito yung lugar kung saan inaya ko siyang maglakad lakad and ito rin yung lugar na nagkita kami ni red nung nagdala siya ng gitara.

Nasunog kasi yung puno at nagkalat yung apoy. Baka may naglalaro ng apoy dito. Bumaba na ako at nilapitan yung mga tao

" Mama kawawa yung tuta😭"

" Nakuu sino ba yung amo ng aso na yan! Bakit niya pinabayaan yung aso na makalabas!"

Rinig kong sabi ng mga tao dito...bigla akong kinabahan k-kasi parang aso ko yung tinutukoy nila. Lagi kasi kaming pumupunta ni skyvee dito kapag may oras ako


THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon