CHAPSKY #33

1.5K 59 1
                                    

RED POV

Ugh shit ang sakit ng ulo ko! Anong nangyari kahapon? Bakit wala akong maalala? TEKAAA NASAAN BA AKO??

"Gising ka na pala bro" Nilingon ko naman si blake na nakaupo sa upuan na katabi ko lang. Tumango lang ako sakanya at nilibot ang mga mata ko sa paligid.

Bakit parang na sa Hospital ako? Naaksidente ba ako?

" Bro may nangyari ba kahapon na di ko maalala? Naaksidente ba ako? Bakit nasa Hospital ako?"

" Wala naman masyadong nangyari, pero nay nagsabi sakin na nilagay mo raw ang cellphone mo sa blender para gumawa ng apple juice then tumawag ka ng pulis kasi marami raw patay sa sementeryo, nag 'i do father' ka sa harap ni ivy tapos hmmm anu pa yon? Ahh! Umiyak ka raw sa harapan niya and hinalikan mo siya. I think yun lang yun...Ayy correction pala bro, hindi ito hospital, nasa MENTAL HOSPITAL ka ngayon! Tang*na tinawagan ako ng nurse kasi nandito ka raw! "

H-HUH? MENTAL HOSPITAL? TEKA GINAWA KO BA TALAGA YUN KAHAPON?!!!

" BRO!!! BAKIT AKO NANDITO SA MENTAL?! HINDI NAMAN AKO BALIW!"

" Kausapin mo yung baby mo! Pagkatapos mo siyang hinalikan, hinatid ka niya dito tapos sinabihan niya ang nurse na tawagin ako!"

Sh*t yung baby koo😭 Kailangan ko na siyang makita ngayon para humingi ng tawad! Ikaw naman kasi red eh! Bakit ka ba kasi naglasing ehh alam mo namang magiging baliw ka kapag naglasing ka ughh!!!

" Ayos ka na bro? Tara umuwi na tayo...si Ivy pala uhm goodluck kapag nagkita kayo ha kasi parang galit na galit tapos hindi na nagsasalita. Hayss nandun pa rin sila sa resthouse kaya dalian natin"

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at umalis na kami roon. Binayaran na ni Blake ang lahat kaya madali lang kami nakaalis.

After 30minutes nakarating na kami. Agad akong bumaba at pumunta sa loob ng rest house. Nadatnan ko silang kumakain ng almusal kaya dahan dahan akong pumunta roon habang nakayuko.

" Oh nandito ka na pala iho, maupo ka muna dito" Rinig kong sabi ni tita uupo na sana ako ng marinig ko ang boses niya.

" Tapos na po ako tita at tito, pupunta lang po ako sa kwarto" pipigilan ko sana si ivy pero biglang nagsalita si violet

" Dont you freaking dare Red, you don't know what you did to my friend. Because of you, she isn't her usual self right now" cold na sabi niya at sumunod kay ivy papunta sa kwarto

Hayss...di ko naman kasi sinadya eh😞
Naramdaman ko naman ang kamay ni tita sa balikat.

" Give her time, hindi lang siya sanay red" Mabuti pa si tita😭

" Red, dalhin mo kaya ng milo yun? Baka mawala yung galit niya sayo"

Rinig kong sabi ni Blake. Nakapasok na pala siya dito, di ko man lang napansin. Hmm..milo? Ma try nga

Pumunta ako sa kusina nila at kinuha lahat ng milo. Okay lang daw sabi ni tita kasi para naman daw yun lahat kay ivy.

Pumunta na ako ngayon sa kwarto nila. Kumatok ako pero hindi parin nila binuksan. Hinawakan ko yung door knob at naramdaman kong hindi yun lock kaya dahan dahan ko yun binuksan.


" Uhmm Ivy may dala ako mi-------SHIT!! STOP IT!! GUYS WHY ARE YOU FIGHTING?!!!"

Pagbukas ko pa lang ng pinto, nakita kong nag-aaway yung dalawang magkaibigan kaya dali dali akong nagpagitna sa kanila.

" HINDI PWEDE IVY! HINDI AKO PAPAYAG NA AALIS KA! "
sigaw ni violet

" GUSTO KONG MAPAG-ISA NGAYON VIOLET! AALIS AKO SA AYAW AT GUSTO MO!"

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now