CHAPSKY #20

1.7K 53 2
                                    

Natapos na ang aming oral recitation at ngayon pinapunta kami lahat sa Gym para raw i-welcome yung gurang na yun. Muntik ko na nga nakalimutan na sumama pala siya sakin tsk!

" Bez, kilala mo ba ang nagmamay-ari ng school na to? Alam mo bang hinahanap niya yung nawawalang anak niya? I mean, it's been 35 years ago pero hindi pa rin siya sumusuko. For sure, may pamilya na yung anak niya. Nalaman ko rin na nagkaroon ng amnesia yung anak niya dahil sa isang trahedya kaya impossibleng maalala niya pa ang ama niya." sabi ni violet

Never kong naimagine na may ganyang problema pala si drak. Hindi niya sinabi sakin na may nawawalang anak siya. Lagi siyang masiyahin tapos minsan baliw pero ngayon ko lang nalaman na may pinagdadaanan pala siya.

"Bez, saan mo nalaman yan?" tanong ko kay violet. Nakaupo na kami ngayon sa aming assigned seat kada section. Naghihintay lang kami ngayon kung kailan magsisimula

" Narinig ko lang bez sa mga chikadora dito and nag search din ako ng konti. Nakakaawa nga eh pero palangiti pa rin siya."

Hindi pala kami magkatulad ni Drak kasi wala na akong paki kung sino ang mga magulang ko pero si Drak, hinahanap niya ang kanyang nawawalang anak for almost 35 years na.

" HELLO STUDENTS!!!! KAMUSTA NA KAYO?" napalingon kaming lahat kay drak na nagsalita sa harap. Wala akong plano na makinig sa kanya kasi wala akong naintindihan. Nagmumura lang siya sa harap namin parang baliw. Tapos nabigla nalang ako ng biglanh sumigaw ng konti si Violet sa tabi ko

"BEZ!! NARINIG MO YUN?! MAGKAKAROON NG EVENT SA SCHOOL NATIN!! MAY BEAUTY PAGEANT DAW TAPOS MGA SPORTS!" sabi niya pero wala naman akong paki sa mga events churva na yan. Sabi niya pa, each section magkakaroon ng representative edi wow. Sure naman ako na hindi ako yun kaya no stress ako bwahahaha

After how many hours, natapos na rin si Drak sa pinagsasabi niya. May 30 minutes kaming break tapos balik agad sa room. Sinabihan ko na si Violet na mauna na sa Canteen kasi pupunta muna ako sa CR pero nagulat ako nang may nagtakip sa bibig ko at hinila ako papunta sa isang sulok na walang dumadaan. Kinagat ko naman iyon kaya nabitawan niya ang bibig ko.

" HOYYY RAPIST KANG SHUTANG INA KAAA!!!!!"  sigaw ko tapos sinuntok ko siya sa tiyan niya kaya napa sigaw siya. Hindi ko pa nakita ang mukha niya kasi nakayuko siya pero nang tinaas niya ang kaniyang mukha , bigla akong napaatras.

" hehehehe wazzup Red! Muzta na tol?"

" SHUT UP! SHIT ANG SAKIT MAGKAIBIGAN NGA KAYO NI VIOLET! HOY! SAAN NA YUNG WALLET KO!!" sigaw niya tapos lumapit siya sa pwesto ko tapos ako naman napa-atras.

" A-anong wallet pinagsasabi mo?" Sheytt ang lapit na ng mukha namin

" Alam kong na sayo ang wallet ko kaya ibigay mo na! Kung hindi mo ibibigay, ipapakulong kita!!" Gusto ko sanang sabihin na talsik laway na siya pero mukhang inis na inis na eh..huhuhu

" AISHHH OO NA!! PARA KANG BAKLA JAN!! NANDUN SA BAG KO ANG WALLET MO KAYA KUNG GUSTO MONG MAKUHA YUN LUMAYO KA SAKIN!"

Hindi na ako naghintay pa kung anong sunod na gagawin niya kasi agad akong tumalikod at nagsimulang umalis. Sayang hindi ko pa naman nagastos yun huhuhu😭  Naramdaman kong sumunod siya sakin papunta sa room namin. Pagkadating namin ay agad kong kinuha ang wallet niya pero biglang may sumagi sa isip ko hihihi.....Dapat may remembrance ako dito😁

Bago pa niya maabot ang wallet niya ay agad akong tumakbo palabas patungo sa canteen para bumili ng maraming foods gamit ang money niya bwahahaha. Lumingon ako sa likod at nakita kong galit na galit ang mukha niya kaya natawa naman ako hahaha akala mo ganun nalang yun tsk! manigas ka dyan!

Finally! Nandito na ako ngayon sa canteen at nakita ko si Violet na mag-isa nakaupo sa gilid kaya doon na ako pumunta pero sheytttt!! ang bilis  tumakbo ni red kaya full speed ang ginawa ko at pumunta sa likod ni violet.

" BEZZZ!! MAY HUMAHABOL SAKIN NA UNGGOY!!" pagsumbong ko kay violet na nagulat sa biglang pagsulpot ko

" GOSH BEZZ!! NAGULAT AKO DUN HA! SINO BA YUNG TINUTUKOY MO??"
sabi niya at agad ko naman tinuro si red na ngayon nakatayo sa harapan namin.

" Anong ginawa mo sa kanya red?!"
lagot ka ngayon!! Alam kong takot si red kay violet hahaha kaya ngumisi ako ng palihim at alam kong nakita ni red yun kaya inis na inis na siya. Palihim kong tinaas ang wallet niya   at kumaway hahaha

" Na sa kanya yung wallet ko V kaya kinuha ko lang pero bigla siyang tumakbo dito kaya hinabol ko siya!"

sagot niya kaya lumingon si violet sakin at ngumiti lang ako ng matamis hihihi sareh namen

" Ehh bez naman kasalanan ko bang hindi niya binigyan ng halaga yung wallet niya? Kung mahalaga ito para sakanya, sana hindi niya ito kinalimutan. Sana nag-ingat siya. Dahil nang nawala ang atensyon niya dito, hindi niya namamalayan na nakuha na pala ito sa iba."

" Haysss hugotera ka pala bez ehh, sige na bez ibigay mo na yung wallet niya, huwag kang mag-alala nagpagawa ako kay mommy ng milo cake kaya iwan mo na yan jan" OMYGASHHH MILO CAKE😍😍😍

Nilabas niya ang milo cake mula sa bag niya at nilagay sa mesa. Tinapon ko naman yung wallet ni red sa mukha niya at nasalo naman niya ito.

" Leave now Red." Kawawa naman si red minurahan ni violet bwahaha

Nakita ko na umalis na si Red kaya agad kong kinain yung cake na dinala niya ang wowwww masarap siya promise!! Plano kong magpasalamat sa mommy niya kaya sinabihan ko siya na tumawag sa mommy niya  nagpapasalamat ako na sinagot iyon ng mommy niya. Binigay naman sakin ni violet ang phone niya.

" Hello tita? salamat po pala sa cake na ginawa mo sobrang sarap po" sabi ko

" Oh, are you the friend that my daughter told me? Your welcome dear, besides im more thankful to you" 

Nilayo ko naman ang phone sa tenga ko at tumingin kay violet

" Bez... mukhang galit sakin yung mommy mo, minurahan niya ako sheytt"
pagkasabi ko nun ay agad tumawa si violet at kinuha niya ang phone niya mula sakin at nilagay sa gitna ng mesa at pinindot ang loud speaker

"Mom, magtagalog po kayo kasi yung kaibigan ko akala niya minumurahan mo siya kasi nag english ka hahaha" Narinig ko naman sa kabilang linya na tumawa rin ang mommy niya sa sinabi ni violet

" Hahaha pasensya na iha, walang anuman basta para sa kaibigan ng anak ko" ahhh yun lang naman pala eh....hinayaan ko na silang mag-ina na mag-usap. Natigil lang yun ng biglang nag bell na hudyat na tapos na ang break time kaya dumiretso na kami sa room namin.

Pagdating naman, nandun na yumg teacher kaya pumunta na kami sa upuan namin.

" Okay class, just like what the owner said awhile ago, there would be a contest and we need to choose one representative. We will start the voting right now."

Hindi ko na naintindihan ang pinagsasabi ng guro na ito kaya sumandal nalang ako sa balikat ni violet at natulog.


THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now