CHAPSKY #41

1.4K 44 1
                                    

JOSHUA POV

yowww guys!!! My name is joshua and totoo yung sinabi ko kay ivy na bakla ako hahaha nasasayangan nga siya sakin kasi ang gwapo ko raw tapos bakla lang.....well ewan ko nalang din kung bakit ako bakla pero di ko yun inamin sa pamilya ko.

Pero feel ko alam na ni dad yun kaya lumayo yung loob niya sakin hayss


Nandito kami ngayon sa clinic. Si Red nakahiga sa isang kama habang ako katabing nakaupo kay ivy. Yung Dora umalis daw muna kasi tinawag siya ng kuya niya.

" Ano palang sinabi ni red sayo kanina josh at bakit ka niya sinuntok?"


Isa pa to eh!! Nakakastress tong babae na to kasi halatang manhid hahaysss kahit sabihin ko ang dahilan, slow pa rin yan tignan niyo ha

" Nagseselos yun kasi close tayo and ayaw niyang lumalapit ako sayo"



1............2...........3





" Anong connect Josh?🤨"



dba? Di niya getz haysss

" Ewan ko sayo josh ang layo naman ng pinagsasabi mo sa tanong ko tsk! Nga pala kaloka kayo ba't kayo nag-aaway ng bestfriend ko? Baka magkatuluyan pa kayo haaaa ayiee baka bigla ka nalang maging Macho jan bwahaha"


" Ako?? maiinlab sa Dora na yun?! Ghurl Barbie to bawal mainlab sa kapwang babae yakk"

" Ayieee Dora and Barbie sitting on the tree.....K.I.S.S.I.N.G😆😆😆"


"Kaloka ka ivy nababaliw ka na!"


Ang lakas mang-asar pero hindi pa rin mawawala na manhid siya tsk tsk tsk


" Tsk....yan nanaman kayo!!! Baby kooo wag mo siyang kausapin!!!"

hahaha gising na pala si red

" Tigil tigilan mo ako jan sa baby baby na yan ha!! Pake mo ba kung mag-uusap kami ha? Gusto mong ikaw ang hindi ko kakausapin?!"

Putekk hahahaha kay ivy lang pala to under ehhh😂😂

" baby ko naman ehhh😞 eto na tatahimik na😭 pero huhuhu ang sakit ng pisngi ko"

Hayss tutal kapatid ko naman yan and boto rin ako kay ivy para kay red may gagawin ako hehehe

" Halaaa ka ivy...tignan mo ohh namamaga na pisngi ni red. Sabi ng doktor ko noon kisspirin ang kailangan jan para mawala"


May utang ka sakin bro kapag nahulog to sa patibong ko hahahaha. Nakita ko naman yung mga mata ni Red na kumikinang hahaha

" Malay ko ba jan! tsk!"

" di na ako makakain ng maayos nito baby ko huhuhu"

" WAG MO AKONG PA KONSENYAHIN UNGGOY KA!"

" kisspirin lang naman hinihingi ghurl!" sabi ko tapos tinignan niya ako na nagtataka

" Ano ba kasi yung kisspirin na yan?!! Bushet ka unggoy kung ano nalang pinaggagawa mo sakin!"


" Kiss yun sa pisngi sis!" sagot ko kaya napa nganga siya

" HUH?? KAILANGAN BA YUN?!" hahaha konti nalng laptrip na to😂

" Ayaw mo nun? Sige si ate nurse nalang ang gagawa tutal nurse siya dba?"

Kunwaring tatawag ako ng nurse ng bigla niya akong binatukan

THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon