CHAPSKY #65

2.2K 67 3
                                    

READ FIRST!

GUYSS MGA MOMENTS NALANG TO NG MGA LOVETEAMS!! HOPE YOU ENJOY IT! LABYOUUU

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

( REVY LOVETEAM) 👉red💜ivy

IVY POV

Nakarating na kami sa first destination namin at maghihiwalay daw muna kami para may alone time kami pero ang tawag dito ni josh 'landi time' with your bebeloves hahaha gago talaga

Pumunta kaming dalawa ni unggoy sa isang Garden dito. Yung pinuntahan kasi namin may garden tapos may falls sa bandang dulo. May sikat rin na parang bahay kubo doon kasi sabi nila yung bahay kubo na yun ay nanjan na for 70years so parang naging museum type siya na ewan

" Baby ko, dun tayo maupo sa parang swing" sabi niya kaya tumango ako bilang sagot. Lumapit kami sa dalawang swing na nandun at umupo. Ineenjoy lang namin yung view ng mga bulaklak at yung fresh air

" Alam mo ba baby ko, di ko inaakalang dadating tayo sa punto na masaya na tayo at wala ng mga paepal sa buhay natin hahaha. Marami na rin tayong pinagdaanan lalo na yung first month mo as a Mafia Queen, sobra akong kinabahan para sayo pero pinatunayan mo na kaya mo lahat kaya im so proud of you.

Alam kong marami pa tayong haharapin na mga pagsubok sa buhay natin pero pangako ng unggoy mo na poprotektahan kita at di ko hahayaan na mag break tayo hahaha bawal yun baby kooo"

Hahaha siraulo talaga😂 Ang drama ni unggoy ngayon putek makiride nalang ako sa trip niya hahaha

" Alam mo ba unggoy kung bakit kita sinagot?" tanong ko sakanya habang nakatingin lang sa mga rosas na nasa harapan lang namin

" Kasi inlove ka sakin? ayieee hahaha alam ko na yun! Ako pa!"

" Pfft hahaha aside dun sira! Sinagot kita kasi sayo ko naramdaman ang pakiramdam ng tunay na pagmamahal. Alam mo naman noon na hindi ako naniniwala jan dba? Kasi hindi ako lumaki na may nagbibigay sakin ng pagmamahal? Kahit nakita mo na ang bad side ko tsaka yung baliw side ko....hindi mo ako iniwan.

Na realize ko kasi na hindi ko makikita ang future ko kung walang unggoy na tatawag sakin ng 'baby ko' at walang unggoy na magpaparamdam sakin ng pagmamahal."

Pagpaliwanag ko sakanya habang nakangiti pero nakarinig lang ako ng iyak kaya nilingon ko siya at nabigla ako kasi ang unggoy umiiyak na putek anong ginawa ko?!

" Hoy tangina bakit ka umiiyak jan?! Putek naman unggoy magsalita ka! Para kang baklang inagawan ng jowa hahaha"

" Huhuhu kasi naman baby ko, ang sweet mo ngayon😭 Once in a life time ka lang sweet kaya nakakatouch yung mga sinabi mo huhuhu😭 Ganyan ka na ba talagang ka inlove sakin? Mygash huhuhu ang gwapo ko talaga huhuhu"

" Bwesit! Nagiging mayabang ka na unggoy ha! Tangina tahan na nga! Baka sabihin nilang pinapaiyak kita nakuu iuuwi talaga kita sa zoo!" pananakot ko sakanya at agad naman siyang tumahan. Nagtaka ako kasi bigla siyang tumayo at kumuha ng tatlong rosas at tsaka pumunta sa harap ko at ngumiti ng matamis sa akin at bigla nalang kumanta

" Itong awiting ito ay alay sayo sintunado man tong mga pangako sayo
ang gusto ko lamang, kasama kang tumanda. Patatawanin kita pag hindi ka masaya, bubuhatin kita pag nirayuma ka na...O kay sarap isipin kasama kang tumanda😉"

Tangina unggoy wag mo naman akong pakiligin ng bongga putek huhuhu. Nalipitan niya ako at binigay niya sakin yung rosas na kinuha niya at tinanggap ko naman iyon na may ngiti sa labi ko

"Ibibili ng balot pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin...Kasama kang tumanda... Sasamahan kahit kailanman
humigit kumulang di mabilang, tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one😘"

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now