CHAPSKY #11

1.9K 61 2
                                    

IVY POV

(Next Day)

*KRIINGGGGGGGGGGGG

ugh ang ingayyyy!!!!!

*KRIINGGGGGGGGGGGG

ano ba yan?!!!!!

Bigla akong nagising dahil sa ingay na galing sa phone ko. Muntik ko na ngang itapon pero kawawa naman ako pag ganun.

Pagdilat ko, ang pangalan ng matandang huklaban ang unang kong nakita sa phone ko

"ANO BA DRAK!!!!! NATUTULOG YUNG TAO EHHHHH ANG AGA AGA MONG TUMAWAG SIGURADUHIN MO LANG MAY SENSE YANG SASABIHIN MO!"

" NAGISING BA KITA? HAHAHHA SARREH NAMEN IVY HIHIHI GUSTO KO LANG IPAALALA SAYO YUNG KASUNDUAN NATIN"

"ANONG KASUNDUAN ANG PINAGSASABI MO JAN?"

" DIBA PUMAYAG KA NG MAG-ARAL? AND TODAY IS YOUR FIRST DAY IVY"

" SO GINISING MO AKO NGAYON PARA SABIHIN SA AKIN NA MAG-AARAL NA AK------------ WHAT THE HECK?!!!! ANONG PINAGSASABI MO JAN?!!"

"WAG MONG SABIHIN KINALIMUTAN MO NA ANG KASUNDUAN NATIN??? WAHHHHHH??! BAD KA IVY DI NA AKO MAGPAPAGAMOT😭😭"

Ayyyy sheytt Oo nga pala🤦 Hayyyss ito kasing si skyvee ehh ang daming arte kagabi, kailangan mo pa siyang basahin ng mga stories para makatulog kasi kung hindi, mag-iingay yan buong aras😑

" Sorry Drak naalala ko na, ngayon yung first day of school? Naka ready na ba lahat ng requirements ko doon?"

"Yup! its all ready and wala ka bang tiwala sa akin? Ako ang may-ari ng school na papasukan mo kaya you don't need to worry pero----"

Parang may nasesense akong hindi maganda ha

"Pero ano???"

" Hihihihi may suprise ako sayo mamaya pagdating mo sa school hihihi babyee!! maligo ka na kasi malalate ka na!"

WOW! DI BA NIYA ALAM NA AYAW KO NG SUPRISES? HAYSS OKAY LANG YAN IVY!

Pag-aaral lang naman yan eh.........UGHHHH!!!!! YUN NA NGA ANG PROBLEMA KASI PAG-AARAL YUN!! DI NAMAN AKO NAG-AARAL SINCE BIRTH PERO MAY BRAIN CELLS PA RIN NAMAN AKO.

Ewan ko lang kung expired na ba mygashh. Bahala na nga si Lastik Man! Napagdesisyonan ko na maligo na lang kasi di naman ako na inform na 8:00 am pala dapat pumasok pero ginising ako ni Drak mga 7:35am🤦

After 10 minutes naka ready na ako pero hindi ako magsusuot ng school uniform bahala sila jan tsk!

" SKYVEE!!!! COME HERE BABY!!"

Nga pala guys, nagtataka na ako jan sa aso na yan kasi parang mas mature pa yan kaysa sakin. Alam niyo ba kung bakit? Ganito yung nangyari kagabi...

~~~~~~~~FLASHBACK~~~~~~

Pagdating namin sa bahay ay nabigla ako dahil biglang bumaba si skyvee sa pagkakarga ko sakanya tapos huminto siya sa gitna ng bahay. Tinitignan niya ang loob ng bahay ko---i mean ang mansyon pala ni Drak kasi sabi niya na pansamantala muna ako titira dito kaya ganun.

Nilapitan ko siya at pagtingin ko sakanya ay nakatutok pala siya sa kusina🤦

"Skyvee, gutom ka na? Sorry baby pero wala pa akong dog food eh....pero mayroon pa namang fish food dito kung gusto mo?"

Pumunta kami sa kusina at binuksan ko ang isang lalagyan ng mga fish food tapos pinakita sa kanya

" ARFF ARFF ARFF ARFF!!!"

ayy anu ba yan! Di ko naman gets yung pinagsasabi niya eh---teka!!! may dinownload pala akong app dito na dog language translator😍😍😍 mygashh idol ko talaga yung gumawa ng app na ito!! Binuksan ko ang app tapos pinindot ang start

"TEKA BABY!------PAKI-ULIT NGA YUNG SINABI MO"

Ewan ko lang ha pero parang nag roll eyes siya sakin?🤨

"ARFF ARFF ARFF ARFF"

Ayunnn!!!! Nag process pa yung app hanggang natapos na ang pag translate

" HINDI AKO ISDA WAG KANG SHUNGA SIS!"

yan ang nakalagay sa translator

tekaaa--sinabihan niya ba akong shunga?

" SKYVEE NAMAN HINDI AKO SHUNGA! MALAY KO BANG AYAW MO PALA JAN!

Teka, may kanin pa ako jan gusto mo yun na lang kakainin mo? Wag ka ng maarte jan kung hindi kakainin mo itong fish food na toh!"

Tumango naman siya tapos kinuha ko ang mga left overs ko tapos pinakain sa kanya. Habang kumakain si skyvee ay nag salita ako.

" Skyvee, aalis pala ako ngayon kasi mag-aaral ako so you just have to stay here and wait for me okay?"

Tumango naman siya at tinignan ko ulit ang relo ko at ngayon 7:50am na kaya tumayo na ako at nagpaalam na kay skyvee.  

Well goodluck sa akin😪

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now