CHAPSKY #46

1.4K 44 2
                                    

VIOLET POV

Nakauwi na kami sa bahay namin at plano kong pumunta sa bahay nila ivy kasi di ko pa siya ma contact.

Nag-alala ako baka kung ano na nangyari sa kanya hayss. Sinama ko na rin si Red kasi miss na miss niya na daw yung baby niya yakk ang corny masyado ni red pfft

Pagkarating namin sa bahay nila, agad kaming nakapasok sa loob kasi kilala na nila kami. Nakapagtataka lang kasi ang tahimik masyado. Minsan kasi kapag pumupunta kami dito, nakikita namin si Ivy na kumakain sa table nila or nanunuod ng tv pero ngayon parang walang ka tao tao.


" Nanjan pala kayo iha at iho, pasensya na kung masyadong tahimik ang bahay na to....si Ivy kasi haysss, mas mabuti pa na puntahan niyo muna siya sa kwarto niya. Kahapon pa yun walang kain"

Napalingon kaming dalawa ni Red sa likod at nakita namin doon si Mr.Smith pero sabi niya tito drak nalang daw ang itawag namin sakanya.

Magtatanong sana kami kung anong problema pero agad siyang umalis. Dumiretso nalang kami sa kwarto ni bes. Kakatok na sana ako ng may marinig akong iyak.....dahan dahan ko binuksan yung pinto at doon ko nakita si ivy na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Nilapitan ko kaagad siya at yinakap ng mihigpit.


Anong nangyari? Bakit nagkaganito si Ivy?

" B-bes.....W-wala na siya😭😭😭" sabi niya

" Sinong tinutukoy--------?"

Napahinto ako ng mapansin ko yung litrato ni skyvee na nakadikit sa isang lalagyan tapos may kandila sa tabi


" Bes si skyvee😭😭😭 Wala ng asong sinusungitan ako💔 wala ng asong sinasamahan ako sa cr kapag tumatae ako *sob bes iniwan na ako ni skyvee"

Totoo ba to? Wala na ba talaga si skyvee? Napaiyak nalang din ako kasi kung tutuusin naging close ko na yung aso na yun.

" Ilabas mo lang yan bes shhh nandito lang ako....sge umiyak ka lang pero dapat maging matatag ka ha? Gusto mo bang magtampo sayo si skyvee ha? Ayaw niyang nagkakaganito ka.....Gusto ka niyang maging masaya okay? Di ka naman iniwan ni skyvee ehh,  babantayan ka niya mula sa itaas"

Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko hanggang nakatulog siya. Tinulungan ako ni Red na kargahin si ivy papunta sa kama niya. Nakakaawang tignan si Ivy ngayon.....Namamaga pa yung mga mata tapos ramdam mo yung lungkot.

Skyvee naman ehh....bakit mo kasi iniwan ang baliw mong amo😭

" Siguro mas mabuti pang bigyan muna natin siya ng space..... gusto niya munang mapag-isa" napalingon ako ng biglang nagsalita si Red na ngayon hinahaplos ang buhok ni Ivy

Alam kong nasasaktan siya sa sitwasyon ngayon ni Ivy pero kailangan naming maging matatag para sa kanya. Siguro tama siya...kailangan niya ng space pero hindi ibig sabihin nun na iiwan ko siya na mag-isa lang.



Umalis na kami sa bahay nila ng masigurado namin na nakatulog na ng maayos si Ivy. Hindi ko maiwasan na maging malungkot din hays.....siguro mas masakit pang mawalan ng aso na mahal na mahal mo kaysa na jowang iniwan ka.

Yung pet kasi natin, sila yung walang kaalam alam kung anong problema natin pero sa simpleng pagkilos nila, di nila namamalayan na gumagaan na pakiramdam mo. Sila yung stress reliever natin pero ngayon na nawalan si Ivy ng ganung klaseng alaga, alam kong masakit na masakit yun.

IVY POV

Paggising ko gabi na pala kaya bumaba agad ako para uminom ng tubig. Ang sakit ng mga mata ko sa kakaiyak haysss.....nakaalis na pala sila violet, nagpapasalamat ako kasi pumunta sila rito atleast gumaan pakiramdam ko.

Nakita ko si Drak na kumakain kaya umupo na rin ako sa tabi niya. Gutom na gutom na ako tapos parang sinadya ni Drak na magluto ng mga paborito kong pagkain kaya hindi ako nakatanggi.

" Buti naman at kumain ka na ivy, nag-alala na ako sayo baka magkasakit ka nyan hayss"

Tumango lang ako at nag focus lang sa pagkain. Putek hindi ako sanay na walang nag-iingay na skyvee:(

Tinapos ko na rin yung pagkain ko at dumiretso na sa kwarto. Balak ko munang magpahangin para gumaan yung pakiramdam ko kaya naligo na ako at nag nagbihis. Inayos ko muna yung kwarto ko at--yung litrato ni skyvee bago umalis ng bahay.

Plano kong pumunta sa seaside at umupo lang sa buhangin hanggang magdamag kaya agad kong pinaandar yung kotse at dumiretso na sa lugar na yun. Konti lang ang bumibisita sa lugar na to kasi medyo nakatago eh kaya napakatahimik ng lugar.

May nabasa kasi ako sa libro na 'silence can also comfort you'

Pagkarating ko ay agad akong umupo sa buhangin. Ramdam ko yung hangin na humahaplos sa aking mga balat. Pinikit ko ang mga mata ko at nakinig lang sa bawat paghampas ng mga alon


Skyvee...kung nasan ka man ngayon, sana magpakita ka para mabatukan kitang makulit na nilalang ka...grabe ka sakin😭 Ikaw lang ang pinakaunang hayop na inaalagaan ko tapos mawawala pa sa buhay ko. Lintek na gate na yan😭 wag kang mag-alala next time di na ako magpapatayo ng gate huhuhu ay putek!! Tignan mo naging bobo nanaman ako😭😭😭


" Ehemm" napasimangot nalang ako ng may marinig akong boses. Tsk akala mo ako lang mag-isa dto

Ang bastos naman ng tao na to,  di ba niya nakikitang nag eemote ako dito?!
 

" Ehemmm!"

Dinilat ko na yung mga mata ko sa inis at hinarap yung walang hiyang taong nag isturbo sa kin

" R-red? Bakit ka nandito?"

Paano napadpad ang unggoy na to dito?

" Uhm pwede bang maki-upo?" Tumango nalang ako at nakita ko siyang umupo sa tabi ko

" Bakit ka pala nandito? Pano mo nalaman ang lugar nato?" tanong ko sakanya

" Dito din kasi ako minsan pumupunta kapag nalulungkot ako kaya alam ko ang lugar nato. Pumunta ako sa bahay niyo pero sinabi ni tito drak na umalis ka raw....hinanap kita kahit saan and finally nahanap na rin kita"

Okay?

" Condolence pala Ivy....kinalulungkot ko yung nangyari kay skyvee:("

Ngumiti lang ako at tumingin na sa dagat.

" Hindi ko alam k-kung magugustuhan mo to....pero uhmm" Napalingon ako sa gawi niya at parang may kinuha siya sa likod niya

Napaiyak ako ng makita ko yung dala niya. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak ng malakas sa mga balikat ni Red.

Dala dala niya ang isang stuff toy na kaparehas ni skyvee.....Yung kulay ng balahibo niya at yung mga mata niya parehas lang.

" R-red salamat😭 Thank you sa effort mo dito😭 Sh*t parang si skyvee yung stuff toy😭"

Humiwalay na ako sa yakap at agad kinuha mula sa kanya yung stuff toy na bigay niya. Hinagkan ko yun ng mahigpit kasi miss na miss ko na si skyvee💔😭

" Mabuti naman at nagustuhan mo....di ko kasi alam kung anong gagawin ko para gumaan man lang ang pakiramdam mo. Naisip ko lang na magpagawa ng stuff toy na kaparehas ni skyvee para maramdaman mong nanjan lang siya😊"

"Thank you red at nang dahil sayo, gumaan lalo yung pakiramdam ko. Namimiss ko na kasi si skyvee at nababaliw na ako sa kakaisip na di ko na siya mahawakan. Thank you sa stuff toy nato😊"

Ang cute ng stuff toy promise😭 parang si skyvee lang😭 Sa wakas may ginawang normal ang unggoy na to.....and inaamin ko na medyo kakaiba yung nararamdaman ko kapag lagi siyang nanjan sa tabi ko



Salamat ng malaki Unggoy! Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya dahil sa effort na ginawa mo☺️

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now