CHAPSKY #25

1.7K 61 0
                                    

"p-pinagsasabi mo jan?! Lasing ka ba haa?!" Sigaw ko sakanya tapos umatras na ako ng konti kasi ang awkward ng posisyon namin. 

Narinig ko naman na tumawa siya at biglang umupo sa damo at kinuha ang gitara na nakasabit sa likod niya. Hindi ko napansin na nagdala pala siya ng gitara. Bakit ibang Red ang nakikita ko ngayon? Parang hindi siya yung Red na palaging may dalaw.  

Napatingin naman ako sa aso ko na  tumabi sa pwesto ni Red -_- 

Ang kapal talaga hayss...dahil wala na rin akong  nagawa, umupo nalang ako sa tapat niya.

" Anong trip mo Red at nagdala ka ng gitara dito?" tanong ko

" Bakit? Masama bang mag gitara sa park? Ang ganda kaya ng gabi kaya napag-isipan kong pumasyal dito"

HIndi nalang ako nag-ingay at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit parang may bumubulong sakin na huwag muna akong umalis at samahan si Red dito. Ang weird, never kaming nagkasama ni Red na walang awayan pero ngayon parang iba. Nagulat ako ng bigla siyang tumugtug at kumanta.

(NOW PLAYING: "WALANG IBA")

 "Ilang beses ng nag-away, hanggang sa magkasakitan na 'di alam ang pinagmulan. Pati maliliit na bagay na napag-uusapan bigla na lang pinag-aawayan, ngunit kahit na ganito madalas na 'di tayo magkasundo, ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko"

O-kay? Anong nangyayari? Bakit ang weird niyaaa?!! Habang kumakanta siya ba't tumititig siya sakin?! Kailan pa siya ganito?

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano,ikaw pa rin ang gusto ko. Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo. Ikaw pa rin walang iba, ang gusto kong makasama. Walang iba, walang iba....."

Bakit ang ganda ng boses niya?! Ako lang ba ang nakapansin na mas lalong naging gwapo siya kumakanta?Mygashh Ivy nababaliw ka na!!

RED POV

Actually, I didnt expect to see Ivy here. Pero ilang araw na akong nalilito at nababaliw sa tuwing nakikita ko siya kaya napag-isipan kong kumanta sa harap niya. Di ko nga inakalang uupo siya sa harap ko. Well to tell you one thing, I know its too early or impossible but i think i like this crazy and weird girl infront of me.

 Ewan...nagising nalang ako isang araw na nakangiti dahil sa babaeng yan. Siguro tama nga yung sinabi nila na the only way para mapansin ka niya ay yung lagi kayong nag-aaway para makuha ang atensyon niya.  

"Nagsimula sa mga asaran hanggang sa magkainitan. Isang eksenang bangayan na naman ba't ba kase pinagpipilitan ang hindi maintindihan. Di naman kinakailangan ngunit kahit na ganito madalas na di tayo magkasundo, ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko...."

Alam kong nagtataka na siya sa kinikilos ko pero bahala na....alam kong slow ang babae na to pagdating sa mga bagay na yan hahaha. Napatawa nalang ako kasi kumakain nanaman siya ng milo habang nakikinig sakin. First time kong magkagusto sa isang tao kaya hindi ko alam kung paano ko ipapakita sakanya na gusto ko siya.

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano,ikaw pa rin ang gusto ko. Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo. Ikaw pa rin walang iba, ang gusto kong makasama. Walang iba, walang iba....."

Natapos na ang kanta ko at tinitigan ko siya muli. 

"B-bakit? May dumi ba mukha ko?" Hindi ako nakatingin sa mukha niya, nakatingin ako sa mata niya kasi parang kakaiba kapag nasisinagan ito sa buwan. Hindi ko namalayan na pinitik ako ni Ivy kaya napahawak ako sa noo ko. Tsk! Amazona talaga kahit kailan!

" Ewan ko sayo Red! Pero infairness ha, ang galing mo kumanta nakakabilib hahaha" Hindi ko naiwasan na ngumiti sa sinabi niya. Normal bang killigin ang isang lalaki?

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now