CHAPSKY #37

1.4K 43 1
                                    

IVY POV

"Ivy, maghanda ka na papunta na yung mga tauhan niya dito." sabi ni Josh sa akin. Nandito kami ngayon sa isang lugar kung saan pinapalibutan namin yung last target ko. Halos isang buwan na akong walang pahinga para lang mapatay ko yung mga walang kwentang tao na nagbabanta sa buhay ni Violet.

Nga pala, si josh yung lalaking nakilala ko sa rooftop nung nakidnap si Violet. Hindi ko naman inaasahan na isa rin pala siyang mafia kaya tinutulungan niya ako ngayon

~~~~~~~FLASHBACK~~~~~~~

Matapos kung lagpasan si skyvee ay didirestso na sana ako sa kotse ko pero napahinto ako nung may nakita akong nakatayo sa harap ng kotse ko.

Hindi ko muna siya pinansin at nilagay yung mga dinala kong mga armas sa likod ng kotse. Pagkatapos ay nilapitan ko na siya at tinutukan ng baril

" Sino ka? Umalis ka jan sa tinatayuan mo" malamig kong sabi sa lalaki.

" Tutulungan kita" sagot niya kaya napataas ang kilay ko

" Share mo lang? Tsk! Wala na akong oras para sayo kaya umalis ka na dyan kundi babarilin kita"

" Hindi mo ba ako natatandaan? Ako yung lalaki kanina sa rooftop....balak ko sanang magpasalamat sayo dahil hindi ko itinuloy yung plano kung magpakamatay."

" Tanga ka ba? Hindi kita tinulungan, nagtanong lang ako sayo kanina!"

" Alam ko ang balak mo, kaya gusto kitang tulungan......hindi ka magtatagumpay kapag wala kang kasama"

Weirdo ba to? Putek! sinasayang lang talaga nito ang oras ko!

" Paano mo naman ako matutulungan kung ang kakalabanin ko ay mga maf-----"

"Nakalimutan ko palang sabihin sayo na isa rin akong mafia. Pwede akong humingi sa dad ko ng mga tauhan para matulungan tayo."

" Bakit mo ako tinutulungan? Hindi mo pa ako kilala"

" Kasi gusto kita" Sagot niya kaya napa nga-nga. Tinignan ko siya ng masama at agad kinasa yung baril ko

" Huwag mo akong pagtripan ngayon kasi wala ako sa mood. Kaya kung maaari ay umalis ka na jan"

" Mali ang iniisip mo.....huwag assuming ghurl and besides im a freaking gay! Bakla ako kaya di mangyayari ang nasa isip mo. Gusto lang kitang tulungan para rin ma prove ko sa Dad ko na kaya kong lumaban"

Putek! Ang gwapo sana pero bakla?! Ano ba ivy! Wala ka ng panahon sa mga ganyang bagay! Tumango nalang ako sakanya at binigyan ko siya ng number ko. Bukas ko nalang siya kakausapin ng matino. Tutal may point din naman siya na kailangan ko ng kasama kasi malakas yung mafia na kakalabanin ko.

Sumakay na ako sa kotse at agad umalis. Pupunta ako ngayon sa isang bahay na pinagawa ko noon pa pero di ko lang yun binibisita kasi busy ako. Naka locate yung bahay ko sa gitna ng gubat para hindi ako matagpuan ng mga tao.

~~~~~~END OF FLASHBACK~~~~~~

After nun nagkita kami ulit pagka-umaga and di ko akalain na maging close kami. Di ko pa kilala ang dad niya pero sabi niya isang mafia boss ang dad niya and may kapatid siya na lalaki. Di ko maintindihan ang family history niya bahala na yan tsk!

Kaya pala tumutulong sa akin si Josh ay para maipakita niya sa dad niya na kaya niyang maging isang leader kahit bakla siya and kaya niyang makipaglaban.

About naman kay violet, di ko pa siya napupuntahan pero pinangako ko sa sarili ko na ngayong araw na to ay tatapusin ko na ang lahat para makabalik na ako sa kanila.

" Ivy, what are we waiting for? Let the game begin" sabi sakin ni josh kaya tinignan ko siya ng masama

" Nasa mood ako ngayon josh, wag mo akong minumura putek ka!"

THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon