CHAPSKY # 22

1.6K 53 0
                                    

IVY POV

Last day na ito ng practice namin and mygashh mga besh!! Ang hirap promise!
Nagsisisi na ako na pumayag ako😭 Ang nagets ko lang sa pinagsasabi sa nagtuturo samin ay may talent show daw tapos question and answer tapos rampa rampa na....Minsan nga lang ako sumasali sa practice kasi laging nagmumura yung instructor namin

Bukas na ang contest kaya busy kami--este sila ngayon hihihi tumakas kasi ako kaya ngayon kasama ko na si violet.

" Basta bez kapag may tinanong sila sayo, ang sasabihin mo 'thank you for that wonderful question' Tapos i analyze mo ng mabuti ha....about naman sa talent show, anong gagawin mo?"

tanong ni violet sakin. Talent show? wala akong talent pero marunong din naman akong kumanta kaya yun nalang siguro

" kakanta nalang siguro ako bez" sagot ko

" KAKANTA KA BEZ?!! ANONG KAKANTAHIN MO?"

" Lupang Hinirang hihihihi😁😁 Charot lang bez, ewan maghahanap pa ako mamaya"

" PAGING PAGING IVY, PLEASE GO TO THE GYM RIGHT NOW!"

Nabigla ako ng biglang may nagsalita sa speaker dito sa canteen. Sa gym kasi kami nagpractice hayss baka nahuli ako na wala doon.

" Bez, hinahanap na ako....Kitakits nalang ha"  pagpapaalam ko kay violet at dumiretso na  sa gym. Ang excuse ko kasi ay tatae ako pero hihihi 2hrs na akong wala malay ko bang hahanapin pala ako nila ng matagal

"Mygoodness Ivy! Kaloka ka dai, ang tagal mong tumae!" bakla kasi yung nagturo samin kaya ganun sya mag salita

" Sorry na po, natraffic lang sa loob ng tiyan ko kaya ganern!"

Umiling nalang ang bakla and nagsimula na ang aming practice.

Mga 5pm siguro kami natapos sa practice namin. Nabigla nga ako dahil paglabas ko ng gate, nakatayo doon si violet.

" BEZ!! NANJAN KA NA PALA! SABI NI MOMMY DOON KA NA MAG DINNER SAMIN."

Naks! ang bait ng mama niya sanaol may mama😂 Sumang-ayon nalang ako kasi pagod na rin ako and gutom. Kapag umuwi ako ngayon samin, baka matulog lang ako kaya mas mabuti pang sumama nalang.

Nagpasalamat na ako kay violet sa paghintay niya sakin. Dumiretso na kami sa kanilang bahay pero di ko naman inakalang ang kuya niya pala ang nagdadrive yan tuloy na tawag ko pa siyang manong kanina kasi tumawag sakin ang kalikasan kaya pinatabi ko muna. Doon na ako sa puno umihi, wala akong paki kung may makakita sakin dito ngayon kasi ang importante maipalabas ko to!

Pagdating namin sa bahay nila, agad kong naamoy ang masarap na pagkain kaya agad akong pumunta sa kusina nila. Ang kapal na ng mukha ko hahaha pero wala akong paki kasi gutom na talaga ako.

Hindi ko pa nakita ang mommy niya pero may isang babae doon na nakatalikod. Hmm baka mommy niya ito.

" Magandang Gabi po tita, ako po pala si ivy, salamat po sa pag invite sakin dito ngayon" sabi ko

Lumingon naman yung babae na nakatalikod and sheyttt ANG GANDA!!!!!

" Tita artista ba kayo? mygashh ang ganda niyo🤩"

Promise guys ang ganda ng mommy nila and kamukhang kamukha niya si violet. Tumawa lang siya sa sinabi ko at sinabihan niya ako na umupo na raw sa table nila. Sinunod ko naman ang sinabi niya at doon ko nakita na nakaupo na pala sila violet doon.

Tumabi ako kay Violet at yung mommy nila tumabi sa kuya niya.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan rin kami. Pero yung dalawang magkapatid ang tatahimik.

Nagtanong ako kay tita kung nasaan yung asawa niya. Sabi niya busy lang daw kaya ganern. Natapos na yung dalawang magkapatid kaya nauna na silang umalis sa table so kami nalang ni tita ang natira.

" Tita, bakit nga pala namatay yung kambal ni violet?" pagkatanong ko nun ay bigla siyang natigilan.

" Sabi ng doctor, namatay siya nung pinanganak ko siya pero buti nalang nakuhanan pa siya ng larawan ng asawa ko bago namatay kaya nakita ko pa ang mukha niya. Hindi ko na alam ang nangyari kasi nahimatay ako bigla. Nalaman ko nalang wala na yung isang anak ko."

Naalarma naman ako ng biglang umiyak si tita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para ma comfort siya kasi hindi ko pa ito naranasan pero nagulat nalang ako ng bigla akong tumayo at pumunta sa pwesto niya ay hinagkan siya.

Ewan, parang nafefeel ko lang na kailangan niya ito ngayon. Ang sarap ng pakiramdam na may kayakap kang ina, pero yung nga lang, hindi ko siya ina.

" Salamat iha ha, ikaw? kamusta ka na? Nasaan pala magulang mo?"

Nabigla ako kasi tinatong niya ako tungkol sa mga magulang ko. Hindi ko alam ang isasagot kasi wala naman akong maisagot.

" Okay lang iha, sabihin mo sakin"
Haysss siguro wala namang masama maging mahina for once dba?

"Tita, hindi ko po alam ang isasagot ko sa tanong mo. Wala po akong magulang. Tinapon ako at nakita lang ako sa taong kumopkup sakin ngayon. Hindi ko po sila hinahanap kasi galit ako sakanila at wala akong paki. Hindi po ako pumayag na amponin ako sa taong kumopkup sakin kaya hanggang ngayon wala pa akong surname. "

Yup, plano sanang amponin ako ni drak pero ayaw ko. Sapat na sakin na binigyan ako ni drak ng pangalan. Siya ang nagbigay sakin ng pangalan na Ivy.

Nabigla ako ng hinila ako ng tita at yinakap ng mahigpit.

" Okay lang ba na simula ngayon, ituring mo na akong mama mo? Tutal, ikaw lang naman ang kaibigan ni violet and nagkakasundo kayo kaya welcome ka sa family namin." Sabi niya at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko kasi hindi ako sanay. Wala akong experience na maging isang anak.

Fudge! para akong baliw dito na umiiyak.

" MOMMY!!! UNFAIR!! SALI AKOOOO!"
napalingon kaming dalawa ni tita kay violet na ngayon tumatakbo palapit samin at bigla kaming yinakap.

Ang saya pala na magkaroon ka ng ganitong feeling anu? Yung kahit hindi kayo magkadugo pero nararamdaman mong isa kayong pamilya.

Natapos na ang yakapan moments namin at nag request si tita na dito na ako matutulog kasi ang lakas ng ulan sa labas. Pumayag na rin ako kasi makulit silang mag-ina promise hayss... tinawagan ko na si drak at pumayag naman siya.

Magkatabi kami ni violet sa bed niya. Natutulog na ngayon si violet pero gising pa diwa ko. Napagdesisyonan kong lumabas muna tutal wala ng ulan kaya pumunta ako sa swimming pool nila. Sosyal talaga ng bahay nila sanaol hahaha.

Umupo ako sa may side ng pool at nilagay ko ang mga paa ko sa tubig.

Napatawa nalang ako kasi pati yung pool nila, kulay violet😂

Bukas na pala ang contest, hmmm ano kaya ang kakantahin ko? Aishh bahala na bukas, on the spot na ganern!

Gusto ko sanang maligo sa pool pero parang ang lamig kaya wag nalang hayss. Tatayo na sana ako ng may biglang sumigaw

" BULAGA!!!"

sheytt!!! biglang nadulas ang paa ko at nahulog sa pool. Narinig ko nalang na may tumalon sa pool at sinagip ako.



THE LOST HEIRESS Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz