CHAPSKY #31

1.5K 52 1
                                    

IVY POV

"Baby kooo gising ka na nandito na tayo"

Putek pati sa panaginip ko pa naman nandito siya?!!

" Baby kooo naghihintay na sila satin!"

Huh?! tekaaa parang hindi panaginip to ah! Minulat ko na ang aking mga mata at doon ko nakita yung kamukha ni Red na nakangiti sakin😑

" KUNG ISA KA LANG ILLUSYON PWES UMALIS KA NA! PAMBIHIRA KAHIT ILLUSYON GWAPO PA RIN!"

" Ayieee gwapo pala ako baby ko? Pakiss nga hahaha"

Tekaa----TANG*NAAAA NANDITO NGA SIYAAA!!

" BAKIT KA NANDITO?!!" Tanong ko sakanya habang hawak ko leeg niya

" A-aray baby koo t-teka pakawalan mo muna leeg ko"  sabi niya kaya tinanggal ko na kamay ko sa leeg niya at tumingin sa kanya ng masama. Nakarating na pala kami sa resort nila Violet pero nandito pa rin kami sa kotse.

" Your violent baby i like it rawr!"

" WAG KA NG MAGMURA BAKA MABUGBUG TALAGA KITA!"

" eto naman hindi mabiro! Ininvite din kaya ako ni tito sa resort nila. Ayaw ko sana pero nalaman kong kasama kita kaya pumayag ako hihihi bumaba na tayo baby ko naghihintay na sila satin"

Hayss akala ko makakarelax na ako dito pero parang magiging magulo ang bakasyon ko na ito🤦 Bumaba na si Red at pumunta sa likod ng kotse. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya ang nagbitbit ng mga gamit ko kasi baliw yan! Bumaba na rin ako at sumunod sakanya tutal parang nakapunta na rin siya diti kaya isa lang masasabi ko, SANA ALL!

Mag enjoy ka nalang Ivy! Wag mo ng pansinin yung unggoy na yan!

VIOLET POV

" DAD WHY DID YOU INVITE RED? YOU SAID YOU WILL ONLY INVITE IVY!"

" Baby what's wrong? Lagi naman natin sinasama si red dba? Para na rin may kasama kuya mo rito"

Ngayon ko lang kasi nalaman na ininvite rin niya si Red. Alam ko kasi na baka mainis lang si ivy dahil nandito siya. For sure mag-aaway yun habang bumabyahe.

" You should have told me that yesterday so that i can inform my friend."

" Baby V, patawarin mo na si daddy. Ako naman nagsabi sa kanya na pasamahin si Red para may kalaro ako dito at syempre maghahanap kami ng chix hahaha."  sabi ni kuya habang naka-akbay sakin

" CHIX?! PINAGSASABI MO? EH TAYO LANG ANG TAO DITO? AND FOR YOUR INFORMATION, I THINK RED HAS FEEL---------OMYGASHH BEZ!!! NANDITO KA NAAA!!!"

Napatakbo naman ako patungo sa direksyon nila habang nakangiti. Nakita kong si red ang nagbitbit ng mga gamit nila kaya palihim akong natawa.

" OYY BEZ GRABE ANG BONGGA NG RESORT NIYO! MAY PERSONAL ASSISTANT PA AKO DITO----DBA RED??"

Hahahaha Baliw talaga😂 Tinulungan ko na si Ivy na lumakad kasi di pa masyadong magaling sugat niya. Di ko na rin pinansin si Red tsk! Bahala siya jan!

" Bez, sorry kung hindi ko nasabi na kasama si red ha. Ngayon ko lang din nalaman mula kay dad eh"

" Oks lang bez, hayaan mo na lulunurin nalang natin siya sa dagat para masaya hahaha"

" Hahaha game ako jan!"

Nang nakarating na kami sa tapat ng rest house namin ay nagulat kaming lahat ng biglang lumapit si dad ni ivy at yinakap siya

" Uhmm Tito? Hihihi di tayo talo ha, may asawa kana kaya wag kang mainlab sakin hihihi" sabi ni ivy at narinig kong tumawa si dad. After 3 minutes ay bumitaw na siya tumitig sa mukha ni ivy.

" Y-your back....you really are back! Thank you Lord!"

Huh? Anong pinagsasabi ni Dad?

" Tito....mawalang galang lang po ha, pero wag niyo akong murahan naku child abuse na yan tito"

Hindi pinansin ni dad yung sinabi ni Ivy at akmang yayakapin na sana niya ulit yung kaibigan ko ng pumagitna si red sa kanila

" Tito nagseselos na ako...wag mong yakapin baby ko! Doon ka kay tita yumakap"

OMG! Si Red ba talaga ito?! Nakita kong binatukan ni Ivy si Red sa ulo kaya napa aray siya sa sakit.

" Pasensya na iha, may kamukha ka kasi, anyways pasok na tayo baka naghihintay na yung mommy niyo"

" Bez, may hinanda ba si tita na magugustuhan ko?" Rinig kong bulong ni ivy kaya napatawa naman ako. Kahit kailan talaga ang addict nito sa milo😂

" Yup! Marami siyang hinandang Milo desserts bez!"

" TALAGA?!!! AYYY MAUNA NA AKO BEZ HAAAA" Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papasok sa rest house namin at nakita kong nalagpasan din niya si dad kaya lahat kami biglang napatawa sa kilos niya😂

Si Red naman ay agad sumunod kay bez kaya napailing nalang ako. Tignan lang natin Red kung sasama ka pa kay kuya na maghahanap ng chix😑

IVY POV

"TITA!!! MYGASHH ANG SARAP!! THE BEST KA TALAGA!"

Grabe guyss ang laki ng table nila pero karamihan sa nakikita kong pagkain ay yung milo desserts na ginawa ni tita kaya bigla akong napatalon sa tuwa.

" Nandito ka na pala ivy! Umupo ka na alam kong nagutom ka sa byahe😊"

Ang bait talaga ni tita sobra! Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hinintay muna namin ang iba na makapasok sa loob. Pagkarating nila, si Violet umupo sa may right side ko tapos si red umupo sa left side ko😑 Kainis lang tsk!

Habang kumakain kami, sila lang ang laging nag-uusap kasi busy ako sa mga desserts ko. Buti nga hindi nila ako inisturbo except dito sa unggoy na to😑

" Baby kooo uminom ka ng tubig. Oh yung bibig mo punasan mo. Naku baby ko talaga ang kalat kumain"

SEE?!! SINO BANG HINDI MAIINIS JAN?!

Dahil sa ginawa niya, lahat sila natigilan at biglang napatingin sa pwesto namin.

" Bro! Wag mong sabihin nahulog ka na jan sa kaibigan ni Baby V?!" kuya niya

" Nagbibinata ka na iho!" daddy ni violet

" Awhh yung dugyot naming baby red nag bibinata na" -mom ni violet

" Shut the fuck up red tsk!" YANN!! GO BEZ! MURAHAN MO YAN!

" Naman!! Siya na ang baby ko!" Wow! Maghanap ka jan ng iba bwisit!

" Pag hindi ka tumahimik jan, uuwi ako ngayon bwiset ka!"

"hihihi sorry po eto na tatahimik na"

Mabuti naman at tumahimik yung unggoy na yon kaya bumalik na ang atensyon ko sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami ni Bez sa kwarto niya kasi doon ako matutulog. Kahit kailan talaga violet pa rin ang kulay ng kwarto niya🤦

Dumiretso ako sa kama at humiga at naramdaman kong tumabi rin si Violet sa akin

" Bez, ngayong Saturday birthday ko na pala. Ayaw ko sanang mag celebrate kasi yun din ang araw ng death aniversary ng kambal ko pero kinakailangan kasi mag 18 na ako kaya gusto ko nandun ka rin." sabi ni violet kaya napatigil ako

Saturday? Hmmm....ngayon ko lang din natandaan na yun din pala ang araw na nahanap ako ni drak so parang bday ko na rin yan. Sabay pala kami ni Violet mag bday pero kapag dumadaan kasi ang araw na yan, gusto ko lang mapag-isa pero dahil bday ni violet baka pupunta ako.

" Sge bez, pupunta ako sa bday mo😊 Matutulog muna ako bez ha kasi inaantok na ako" Sabi ko at agad pinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong hindi rin kumilos si violet kaya siguro natulog na rin hays


THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now