CHAPSKY #18

1.7K 64 6
                                    

Pag-uwi namin sa mansyon sinabihan ko si drak na pumunta sa sala kasi mag-uusap pa kami. Tumango naman siya at tumungo sa sala na nakayuko. Alam niya kasi kapag galit ako, seryoso ako.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at ginising si skyvee na ngayon nakahiga lang sa kama ko.

" Baby, nandito na si mommy...Gutom ka na ba??" tanong ko sa kanya at dahan dahan siyang tumango kaya kinarga ko na siya at tumungo sa kusina.

Nilagay ko na si skyvee sa sahig at nilagay sa harap niya ang kanyang pagkain. Nang makita kong maayos lang na kumain si skyvee ay umalis na ako at pumunta sa sala. Nakita ko roon si drak na nakaupo sa isang sofa at kumakain ng ice cream...hayss isip bata talaga ang isang to

" Drak! Tama na nga yan! Mag-usap na tayo"

" Ehhh gutom na ako ivy, ilang araw ako nandun kaya hayaan mo akong kumain ng ice cream pleaseeee"

Napagbuntong hininga nalang ako at hinayaan siya sa ginagawa niya

" Hayss, ano ba kasi ang nasa kwintas na yan?" tanong ko kay drak

" Etong kwintas na to ay pinagawa ko para sayo. Hindi yan isang ordinaryong kwintas ivy, hindi ko pa kayang i explain ang functions niya kasi naiwan ko ang notebook kung saan nakalagay ang information about sa kwintas na yan sa Germany. Dapat nga surprise ko yan sayo kasi malapit na birthday mo pero paepal yung unggoy na yun hayss"

Malapit na pala birthday ko. Hindi ako sure kung yun ba talaga bday ko kasi yun ang araw kung kailan nakita ako ni drak sa basurahan.

" Drak naman nag-abala ka pa tapos ikaw pa itong nakidnap....Seryoso ka ba jan na para sa akin yan? Ang corny mo naman drak hahahaha"

Alam kong isip bata si drak pero minsan napaka-over corny niya especially sa akin hayss.

" Hihihihi nahiya ka pa hahaha pero di ko pa to ibibigay sayo kaya dapat mag pretend ka na hindi mo ito alam kasi di pa naman ito finish eh, may konting adjustments lang then keribells na yan 😁" sabi niya sabay lagay sa ice cream na pinagkainan niya sa lamesa.

"Drak, paano yung treatment mo para sa sakit mo?"

" Okay na ako ivy, may binigay lang silang vitamins sa akin kaya agad akong nakauwi sa Pilipinas----- HALAAAAA ANO YAN IVYYY?!! BA'T MAY UNICORN DITO?!!"

Huh? Unicorn? Ahhhh si skyvee pala hayss kawawa naman baby ko, pinagkamalan pang unicorn.Lumapit si skyvee sa pwesto ko at si drak naman ay na sa shock mode pa hahaha

" Baliw ka drak hahaha di yan unicorn! Aso kaya yan!! Unique lang ang kulay niya kaya ganyan. Skyvee pala name niya and nakuha ko siya na walang perang ginasto hahahaha"

" ANG GANDAAA NIYA IVY!!!" sabi ni drak

" ARF! ARF! ARF!"

" NAKUU YOUR WELCOME SKYVEE!"

huh?!! naintindihan niya?!!

" DRAK, GETS MO ANG SINASABI NI SKYVEE?" tanong ko

" Oo naman! Ang dali lang kaya niyang i-understand"

niceee!! hindi ko na pala kailangan yung app na yun hahaha may dog translator na ako dito!!

Kinarga naman ni drak si skyvee at hinalikan pa sa ulo nito. Kawawa na talaga baby ko, na dog abuse na siyaaaa!!!! Kwinento ko na kay drak ang nangyari sa school at tuwang tuwa siya dahil sa wakas may kaibigan na raw ako. 

Ang sabi niya, sasama siya sakin bukas sa school para kamustahin yung mga staffs niya and para makilala na niya ang friend ko tsk! edi wow!

After namin mag-usap ay kinuha ko na mula sakanya si skyvee at pumunta na sa kwarto namin para matulog. Good luck nalang bukas hayss..... Ayyy weyt, nasa akin pa pala yung wallet ni Red hahaha di ko pa yun nagasto kasi busy ako charr😂😂 Oks lang, di naman kami magkikita eh kaya for sure di niya yun hahanapin hihihi

~~~KINABUKASAN~~~

Nagising ako ng maaga dahil sa sigaw ni Drak kaya ang aga kong nabadtrip! Sino ba kasing hindi mababadtrip kung may speaker sa harapan mo tapos ang maririnig mo boses ni drak na kumakanta ng wrecking ball?! BALIWWW TALAGAAAA!!! Si skyvee nga nagalit din sakanya kaya snob siya ngayon kay drak!

Kasalukuyan kaming naka-upo sa kotse ni drak. Pina-drive niya yung driver niya kaya na sa likuran kami dalawa. Hindi ko siya pinapansin kahit inaalog na niya ulo ko pero sheytt nahihilo na ako pero hindi ko yun pinahalata kasi badtrip ako ngayon.

" IVY NAMAN EHHHH!! SORRY NA KASI!! GUSTO KO LANG NAMAN IPAGMALAKI YUNG GOLDEN VOICE KO KAHIT MATANDA NA AKO!!"

Tsk! bahala ka jan! Anong golden voice pinagsasabi nito?! Ehh nakakasira kaya sa eardrums yung boses niya promise! Tapos Napipiyok pa siya kapag kinanta niya ang matataas na nota.

" AYYY!! ALAM KO NA!! MANONG, I-HINTO  NIYO PO ANG KOTSE SA MALL NA YAN" sabi ni drak sa driver

Napatingin naman ako sa labas ng bintana at tama nga siya dahil may mall dito. Ano namang gagawin niya dito sa mall?!!! haysss alam mo ghurl, hayaan mo na yang gurang na yan..mas mabuti pang matulog nalang tayo gorabells!

Nakita kong lumabas si drak sa kotse at pumasok sa mall. Ako naman, pinikit ko lang ang mga mata ko.

After 10 minutes naramdaman kong pumasok na si drak sa kotse pero nanatili pa ring sirado ang mata ko. Wala akong paki kung anong trip niya sa mall!

" Ivy!! gising may binili ako para sayo!!"

blah! blah! blah! bahala ka jan!

" Sge naaaaa ayaw mo ba ng panty? hihihi"

SHEYTT!!! ANUDAW?!! PANTY?!! DAHIL SA SINABI NIYA AGAD NA MINULAT KO ANG AKING MGA MATA AT TUMINGIN SA KANYA.

"HIHIHI SUPRISEEEE!!!!!" sabi niya sabay taas ng dalawang bagay na hinahawakan niya

😲OMGGGGGG!!!!!!!!!!!! AKALA KO TALAGA PANTY PERO GOSHH!!!

IT'S MY MILO!!!!! DALAWANG PACK NA MILO ANG BINILI NIYA😍😍😍

Agag ko naman kinuha iyon kay drak at hinagkan. Omygashh!! may snack na ako mamaya!!

" BATI NA TAYO IVY HAAA...PEACE NA TAYO ☺️"

" Oo na! para kang bata jan! Kuya alis na po tayo, malalate na kami ng batang gurang na kasama ko"

Pagkasabi ko nun ay nagsimula nang i-andar ni kuyang driver ang kotse at si drak naman ay naka ngiting tagumpay.
Sinabihan ko na siya before kami umalis sa bahay na wag niya akong ipakilala sa mga estudyante roon. And once na makarating na kami sa school ay ako muna ang unang lalabas para hindi halata. Wala naman siyang magawa kaya sumang-ayon na lamang siya.

After 15 minutes ay nakarating na kami sa school at doon ko nakita ang taong hindi ko gusto makita😭😭 bakit nanjan siyaaaa😭😭

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now