CHAPSKY #30

1.6K 52 2
                                    

VIOLET POV

Kasalukuyan kaming nandito sa isang resort namin. Wala ako sa mood ngayon para magsaya kasi dapat kasama ko ngayon si Ivy pero nagpumilit yung daddy ko kasi minsan na nga lang daw siya umuwi sa amin.

" Baby V kamusta pala yung pag-aaral mo?" tanong ni dad

" It's fine" sagot ko


Sa kanilang tatlo nina mommy at kuya blake, si dad lang ang hindi nasanay sa pakikitungo ko sa kanila kasi minsan nga lang siya nandito sa amin. Hindi naman sa wala na akong paki kay dad, hindi ko alam kung anong business niya sa ibang bansa or kung ano ang pinag-aabalahan niya roon.


Kaming dalawa lang pala dalawa ngayon ni Dad sa tabing dagat. Nakaupo kami sa buhangin ngayon.


" Nalaman ko pala mula sa mommy mo na may bago kang kaibigan. Pwede ko ba siyang makilala dito bukas Baby V? Sabi kasi nila sakin na tumatawa ka kapag kasama mo siya"


Napalingon ako sa gawi ni dad at binigyan siya ng seryoso-ka-ba-look kasi hindi naman siya nag iinvite ng sinumang tao sa resort or bahay namin . Super strict niya kasi kaya si Red lang ang tanging makapasok sa bahay namin kapag nandiyan siya. Nakakamiss na rin si Ivy hayss


" Alam mo ba dad, siya ang nagligtas sakin mula sa taong bumaril sakin. Sinalo niya ang bala na para sana sa akin." Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Hindi pa rin kasi ako nakaget over sa nangyari kay Ivy.


Alam kong nagulat si Dad kasi ngayon lang ako umiyak sa harap niya pero mas nagulat ako kasi bigla niya akong yinakap. Ngayon ko lang narealize na its been so long since i recieved a warm hug by my father because he was always not around.


" Dad, can i ask you a question?"

" What is it baby?"

" Ano po ang pinag-aabalahan mo sa ibang bansa?"


Naramdaman ko namang lumuwag ang yakap niya sa akin


" May hinahanap lang akong Baby V and kaya ako nakauwi ngayon kasi sa wakas malapit ko na rin siyang mahanap."


" Sino yan dad?"

" Balang araw baby, makikilala mo rin siya and for sure matutuwa ka"


Tumango nalang ako kasi wala rin naman akong paki. Nagpaalam na sakin si Dad kasi tutulungan pa niya si mom sa paghahanda ng pagkain namin. Si kuya nandun lang sa kwarto niya naglalaro na parang bata hayss.

Napag-isipan ko nalang na i-video call si Ivy napangiti naman ako dahil sinagot niya agad ito.


" UYY BEZ!! KAMUSTA KA? NAKS DAGAT BA YAN SA LIKURAN MO?" -ivy

" Hahaha Oo bez, sorry kung hindi ako nakasama jan kasi yung daddy ko gustong makipag bonding sa amin"

" Nakuu oks lang yun! Nakauwi na pala kami ngayon sa amin and alam mo ba na nandito si-------PUTEK RED WAG MONG KAININ YUNG MILO CAKE KO! SKYVEE ATTACK!"


Hahahaha grabe si Ivy lang talaga ang taong nagpapatawa sa akin. Alam kong may pagtingin na si Red sa kaibigan ko kaya hindi na ako nagtaka kung nandiyan siya ngayon. Okay lang ako kay Red kasi alam kong mabait siya pero sana alam niya ang consequences kapag naging sila.

THE LOST HEIRESS Where stories live. Discover now