CHAPSKY #28

1.7K 48 3
                                    

RED POV

Maaga akong nakarating sa school and hindi na ako nagulat dahil marami na ang bantay sa loob at sa labas ng campus. Alam namin na si Violet ang target nila kaya pinadalhan ng halos isang daan na tauhan ng pamilya nina violet para magbantay sakanya pero alam kong ayaw niya ito kasi ayaw niyang may nagbabantay sakanya.

She is the Queen after all pero nag-iingat lang din naman ang mga pamilya niya. Bad mood kahapon si Violet dahil sa mga nangyayari kaya wala kahit sino sa amin ang lumapit sa kanya kahapon nung nagtitipon kami sa bahay nila.

Hanggang ngayon bad mood din siya kasi nagpumilit ang pamilya niya na maglalagay sila ng bantay dito.

Hayss namimiss ko ng asarin si ivy😭 Sheyt nababakla na talaga ako!! Kapag nalaman ito ni Dad for sure pagtatawanan niya ako. Pero natatakot ako kasi Im not an ordinary person cuz im a gangster and takot akong madamay siya sa magulong mundo ko.
Hindi din siguro ito nasabi sa inyo ni Blake anu? Parang sideline lang sakin yung pagiging gangster ko but i am also a heir in our Mafia pero sabi ni Dad wag ko daw muna ipagkalat na isa akong heir for my own safety kaya ganster lang muna ang title ko ngayon.

Pumunta na ako ngayon sa room namin and to my surprise, nandun si ivy natutukog sa desk niya. Siya ang pinakaunang tao na nandito.

Bakit ang aga mo ngayon ivy?

Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagising pero hindi yung baliw na ivy ang nakikita ko ngayon. Ang seryoso ng mukha niya tapos halatang wala siya sa mood mag biruan. Tinignan lang niya ako at bumalik na sa pagtulog niya.

Hinayaan ko nalang siya at umupo na rin sa upuan ko. After how many minutes ay unti unti na ring dumadating yung mga kaklase namin and yung pang huli na dumating ay si Violet wearing her cold expression.

Curious ako ngayon kung anong gagawin ng dalawang magkaibigan na ito. Napanga-nga lang ako dahil nung umupo na si violet sa upuan niya, tumango lang siya kay ivy tapos ganun rin ginawa ni ivy sa kanya. Sabay din silang nakayuko sa desk nila at natulog.

Like what the heck is happening? Sabay silang wala sa mood ngayon? Seriously? Walang duda na magkaibigan nga sila hayss di ko nalang sila pinansin kasi para akong tanga na nakatitig sa kanila.

Nagsimula na ang klase and natatakot ako para sa teacher namin kasi napansin niya na sila lang dalawa ang natutulog sa subject niya. Si Violet kasi kapag bad mood, ayaw niyang iniisturbo siya baka doon niya ipalabas ang galit sayo nakuu nakakatakot ewan ko na rin dito kay ivy kung anong irereact niya.

Nabigla ako ng kumuha si mam ng dalawang eraser at agad pinalipad sa direksyon ng dalawa pero dahil hindi magaling mag target yung guro namin, tanging si ivy lang talaga ang natamaan sa ulo at si violet naman ay sa tenga lang natamaan.

Biglang tumahimik ang lahat dahil sa nangyari. Galit na galit na ngayon si maam kasi ayaw niyang hindi kami nakikinig sa klase niya pero bad timing talaga siya ngayon!

Nakita naming sabay inangat nina violet at ivy ang ulo nila at tumingin din sila sa isa't isa. Walang bakas na emosyon ang mga mukha nila ngayon. Ang tahimik ng room at tanging mga tibok lang ng puso namin ang naririnig dahil sa kaba.

" Okay ka lang bez?" Yan ang unang narinig namin na mula kay violet. Seryoso niyang tinignan at sinuri si ivy kung okay lang ba siya. Tumango naman si ivy sa tanong niya.

Tatayo na sana si Ivy ng bigla siyang pinigilan ni Violet at sinabihan na umupo lang siya. Halata sa mukha ni Ivy na nahihilo siya. Yung eraser kasi namin ay hindi plastik, sosyal ang school na to kaya parang gawa sa bakal yung eraser namin. Hula ko nga hindi siya kumain ng breakfast kagaya kahapon.

THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon