CHAPSKY #39

1.4K 50 0
                                    

AUTHOR POV

SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAG UPDATE GUYS KASI BUSY LANG TALAGA AKO....BABAWI AKO PROMISE MUAH MUAH LABYOUUU ENJOY

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

IVYY POV

isang linggo na rin ang nakalipas at salamat sa Diyos dahil nakalabas na si violet sa hospital. Pero malas lang kasi balik school nanaman kami hayss.

Kasalukuyan kaming nagdedebate ngayon patungkol sa pag-ibig amp!
Kakampi kami ni Violet tapos si Red sa kabilang grupo.

" Hindi kami sumasang-ayon na paulit ulit nalang tayo maging tanga dahil mahal natin yung tao! Hindi mo ba alam yung salitang limitasyon? Maawa ka naman sa sarili mo" kagrupo ko yung nagsalita. Yung pinaglalaban namin is about sasang-ayon ka ba or hindi na maging tanga para sa taong mahal mo? Tsk! Ang layo ng topic namin guys promise. Sino ba naman kasing mag-aakala na Aralin panlipunan yung subject pero putek pag-ibig ang e dedebate namin ngayon?

Kaming dalawa ni violet nandito lang sa likod kasi wala naman kaming paki sa pinag-uusapan nila. Mga pa bibo kasi yung nasa harap akala mo naman may jowa tsk!

" Sasang-ayon kami na maging tanga sa taong mahal mo kasi kapag pumasok ka sa relasyon na yan, dapat alam mong kailangan mong maging tanga minsan para hindi masira ang relasyon niyo. Walang masama sa pagiging tanga kasi takot tayo na mawala sila ng tuluyan sa atin."

Edi wow tanga pa more hayss nagugutom na ako. Patuloy lang sila nag sisigawan sa harap tapos itong Red na to nakikisabay na rin amputek hahaha natatawa ako sa reaction niya kasi masyadong seryoso😂

" Ms. Violet? Its your turn. Individual ang pag grade ko dito" sabi ni mam kaya napalingon ako kay violet na ngayon ay nakasimangot na tsk tsk pwede bang ireport to kay drak? Mukhang naka drugs yata yung guro namin eh

" Wala akong alam jan sa pag-ibig na yan pero di rin ako sasang-ayon na maging tanga ka lang palagi. Gusto mong magtagal kayo kaya nagpapakatanga ka? Yun ba ibig niyong sabihin? Eh paano kung sabihin kong di ka niya mahal? Magpapakatanga ka pa rin? Kung mahal mo siya pero napakalaking gago niya, tama na...wag ka ng magpakatanga kung alam mong ikaw lang ang nahihirapan. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Isipin mo muna kung worth it ba siyang ipaglaban bago ka maging tanga sa kanya"

Luhhh grabe ang haba ng sinabi violet. Lahat kami nakatangin lang sakanya kasi habang sinasabi niya yun, nakatutok lang siya sa labas ng bintana.

" WOAHHH!!! KA GRUPO NAMIN YAN! TALO NA KAYO!!" sigaw ng kagrupo namin kaya napailing nalang ako. Hayss ako nalang pala isa ang hindi nakapagsalita kaloka naman!

" Very well said Ms.Violet" Pagkatapos ni violet, may sumagot din sa kabilang grupo kaya habang busy sila sa debate na yan, pasimple kong kinain yung baon ko kasi kanina pa ako nagugutom.

" Okay may point yung kalaban niyo, now for the final round....Ivy ikaw na" sabi ng guro

Pumunta na ako sa harap at tumingin sa guro namin. Siya ang itatarget ko kasi feel ko naghihingi lang to ng advice samin jusmeyo makikita mo ang advice na hinahanap mo. Aralin Panlipunan tapos pag-ibig ang topic? Halata na masyado si mam hahayss

" Tsk! Hindi na ako magpapaligoy pa mam, putek sana pumunta ka nalang sa guidance para humingi ng advice tungkol jan! Dinamay mo pa subject mo!Hindi ako sumasang-ayon sa tanga tangahan na yan. Kung pinagpatuloy mong maging tanga para sa kanya goodluck sayo kasi ikaw lang ang talo. Tandaan mo to mam and sa mga madlang people jan, ONCE is okay...TWICE is a second chance...pero THIRD? Putangina mali na yan! Hindi ginawa yung salitang "chance" para sa mga tanga. Ginawa yun para malaman mo yung limit...second chance lang dapat kasi kapag inulit niya pa yun, may mali na. Tandaan mo, huwag mong pilitin kung ayaw niya kasi wala tayong magagawa. Nagmumukha lang kayong aso tanga sa kakahabol sa taong may hinahabol ding iba."

THE LOST HEIRESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon