=02=

17 0 0
                                    

Nagising ako bigla ng marinig ko ang selpon ko na tumutunog. Agad kong iminulat ang mata ko at kinuha iyon.

"Hello?" Humihikab pa ako ng sinagot ko 'yon.

"Doktora Guzman, buti naman at sinagot mo na ang 15th call ko sayo."

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang pangalan ng caller.

Monster

Napasapo ako sa noo ko at kinagat ang labi. Sobrang pagod ako kagabi dahil may inoperahan kami na inatake sa puso.

"Lolo..."

Legit yung kaba ko ngayon. Bakit kaya ako tinawagan ni lolo?

"My office. Now." May halong authoridad and boses nya.

Sinuot ko ang gown ko at pinuyod ang buhok ko. Sa sobrang pagmamadali kong lumabas ay nakalimutan kong itali ang sintas ng sapatos ko.

"Shit!" Mura ko ng makabangga ako ng tao.

"Tsk. Watch where you're going." Sabi ng taong nabangga ko.

"Sorry naman, ah?" Nagiinit na ang ulo ko at hinayaan nalang sya 'dun.

Bwiset talaga! Grr.

Inayos ko muna ang buhok ko bago ako kumatok sa pintuan ng opisina ni lolo. Sana buhay pa ako pagkalabas ko.

May babaeng lumabas 'dun at narinig ko pa ang sinasabi nya.

"I'll bring updates, Chairman."

Huminga ako ng malalim. Buti nalang wala akong sakit sa puso, kundi inatake na ako dito kanina pa.

Usually kalmado ako at mukhang walang pakialam pero, pag si lolo na ang kaharap ko, hindi ako makapakali na ewan.

"Doktora Guzman." Nagbow sa'kin 'yung babae at umalis.

Pagkatapos noon ay dahan-dahan akong pumasok sa opisina ni lolo. May tinitingnan sya na mga papeles.

"Good Morning, Chairman." Bati ko.

Tiningnan nya lang ako ng panandalian bago binalik ag tingin sa mga papel. Pumasok ako at umupo sa upuan sa harap ng desk ni lolo.

Tahimik na inayos ni lolo ang mga papel at humarap sa'kin. Matagal na 'rin simula ng huli naming usap ni lolo.

"You'll be working with a new doctor here. You will visit our hospital in Paris." Sambit ni lolo habang nakatitig sa'kin.

Shit.

"Who will I be working with?" Tanong ko.

"You know him well, don't worry. I'm sure you'll get along." Parang may halong ibang ibig sabihin 'yun.

"Oh, he's here. Good Morning, Dr. Pangilinan." Tumayo ang lolo ko at nakipag-kamay.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Feeling ko ay nanlalambot ang tuhod ko.

"Dra. Guzman, this is your partner, Dr. Pangilinan." Tinapik pa ni lolo ang balikat ko.

"Good morning, Dra." Bati sa'kin nung lalaki.

Ayoko lumingon. Paalisin n'yo 'yang taong 'yan dito, please.

Bumulong sa'kin si lolo na humarap ako dahil nakakahiya. Kung 'di ko lang talaga 'to lolo, baka kung ano nang nagawa ko sakanya. Joke lang, hehe.

Dahan-dahan akong humarap sa kanila. Nagtama ng paningin namin ng panandalian.

Shit. Shit. Shit.

"Good morning, Dr. Pangilinan." Kinalma ko ang boses ko.

Hindi ko dapat ipahalata na naiilang ako. Mukha s'yang walang pakialam. Kinuyom ko ang kamao ko.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now