=07=

6 0 0
                                    

"Welcome back, Doktora!" Masayang bati ni Allen sa akin.

Nakatambay sya ngayon sa condo ni Lia. Ang clingy talaga nitong lalaking ito.

Naisipan kong dito muna magstay dahil mas malapit ito sa hospital at pagod pa ako.

Nag-ring ang selpon ni Allen kaya sinagot nya kaagad ito.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Allen sa kausap.

"P-party?! Aba, hindi naman ako nainform." Dinedepansa nya ang kanyang sarili.

"Nasa condo ng friend ko." Naiinis na sya ngayon.

"H-hoy! Sunget! Argh!!!" Tinapon ni Allen ang selpon nya sa sofa.

"Lq AHAHAHA!" Tumawa si Lia mula sa kusina.

"Shut up. Aalis na ako." Dali-daling tumayo si Allen at binuksan ang pinto.

"Geh, have fun, lover boy!!" Pangaasar pa ni Lia.

Miniddle finger ni Allen si Lia at saka malakas na sinara ang pinto. Umiling ako at umupo sa sofa. Nahihilo ako.

"'Wag mo sabihing buntis ka na." Taas kilay na tanong ni Lia.

The fuck? Boyfriend nga wala, anak pa kaya.

"Crazy girl." Bulong ko sa sarili pero narinig nya kaya tinapunan nya ako ng unan.

Nanonood kami ng 'Me before You'. Tsk. Iiyakan nanaman ako nito.

"Waahhhh!!! 'Wag, Will! Kawawa naman si Lou!! Huhuhu! My heart!!" Pagwawala ni Lia.

See? Tsk.

Nang matapos ang pelikula ay nanood nalang kami ng mga teleserye.

"A-alam mo ba ang ibig sabihin ng 'Falling out of love'?" Tanong ko.

Napataas ang kilay nya. Sa aming 6, sya ang pinakamalas sa love life. Ewan ko ba, parati yang broken.

Amerikano pa more.

"Hmm.." Napaisip sya.

"Bakit? Naexperience mo na ba? 'Wag mo sabihing nafo-fall ka nanaman kay Lucas! Kaya ka naninigurado na---"

"I was just asking." I played it cool.

Kahit sa loob loob ko ay kinakabahan na ako. Namamawis na nga ang palad ko, eh.

"Falling out of love means.. you don't love the person anymore. He could've broken your trust, you don't care about him anymore, you don't have time for each other. You feel hopeless. You don't think that there will still be an 'us' in the future." Sabi nya pagkatapos magisip ng seryoso.

"Sabi ni Lucas, we fell out of love." Kibit-balikat na sabi ko.

"Taray, first name basis." Nakangising sabi ni Lia.

"Hay, nako. Magseryoso ka nga. Kaya di ka sineseryoso ng mga dine-date mo, eh."

"Awts! Walang ganyan, girl." Hinawakan nya ang dibdib nya at umaktong nasasaktan.

"Pero, seryoso, I think what he said was true. I saw how unhappy you were with your relationship. Your grades were failing, but all he did was argue with you. Though, it was also your fault. Nung mawala ang lola mo, he didn't even know. He broke up with you when you needed him. Hindi ko naman sinasabi na lahat kasalanan nya dahil may mga kasalanan ka rin naman. Walang relasyon na perpekto. I'm trying to look at both sides like Alenna. Siguro, hindi pa talaga yun yung tamang time para magsama kayo." Hinahaplos ni Lia ang likod ko habang sinasabi iyon.

"I know. I was just... confused." Bumuntong hininga ako.

"Don't lock yourself up in the past, tingnan mo, ang ganda na ng buhay mo ngayon. You've reached your dreams, doctor ka na! Kung hindi ka nya pinakawalan, aba, baka nasa kang kungan kayong dalawa ngayon. De, joke lang. Ang sinasabi ko lang naman is, i-appreciate mo kung ano yung nasa hinaharap. Speaking of, kelan na ba ang kasal nyo ni Peter? Aba, gusto ko na maging tita." Natawa ako sa huling linya nya.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now