=18=

4 0 0
                                    

"Nak, 'wag kang magpapapawis masyado, ah? Tsaka pagnawawala ka, i-Google maps mo nalang. O kaya mag-waze ka! Kahit di ka naman sasakyan, okay lang 'yun!"

Naririndi na ako sa boses ni Lia. May pa 'anak' pa sya.

"Oo na, oo na. Mabibingi na si Caine, eh!" Sigaw ni Athena.

Nag-peace sign lang si Lia at sinamahan na nila ako papunta sa airport.

Nang makarating sa airport ay nagpaalam na ako.

"Pasalubong, ah?!" Sigaw ni Allen.

"Ramihan mo!" Pahabol ba nito.

I chuckled. Papasalubungan ko nalang ng pagkain. 'Yun lang naman ang habol nun.

After I boarded the plane, natulog na ako kaagad. Pagkagising ko ay nandoon na kami.

Tumango ako sa mga flight attendant na bumabati sa'kin. Pagkarating ko sa labas ay nakita ko na ang magsusundo sa'kin.

May hotel dito sila Allen kaya naka-libre ako. Sakto at merong beach roon. Makakapag-relax ako.

"Thank you, kuya." Sabi ko doon sa driver.

"Welcome, ma'am. Sakay na po kayo. Medyo malayo-layo pa po ang resort. Mga isang oras pa po." Sabi ng driver.

Baka naman nasa pinakasulok na ng Batanes ang resort nila.

Binuksan ko ang cp ko at nakitang tinext ako ni Lia, nagpapaalala nanaman sa mga dapat kong gawin.

I replied 'k' before drifting off to sleep again. Ngayon nalang ako nakatulog ng gan'to kahaba, it feels relaxing.

Nagising ako bigla dahil may bump sa road. Tumingin ako sa labas.

"Wow.."

We were on a hill, siguro ay nasa other side na yung resort.

"Kuya, can you stop the car for a while? I wanna take a picture." Sabi ko.

Tumango yung driver at pinark sa tabi ang kotse. Walang ibang sasakyan sa daan kaya nagposing ako sa gitna ng kalsada.

Yung driver yung pinagpicture ko.

"3,2,1!" Sigaw ni kuya driver.

Umupo rin ako sa kalsada para masya. Nagposing ulit ako at todo pindot naman si kuya, natawa tuloy ako.

"Ang ganda po ma'am! Ang ganda ng shot na 'yon!" Natutuwang sabi ng driver.

Nahawa ako sa kakulitan ni kuya kaya natawa ulit ako. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami sa pagbyahe.

Tinignan ko ang mga litrato. Maganda nga ang mga shot ni kuya na tumatawa ako. Nag-delete ako ng ilan dahil sobrang dami talaga ng litrato.

"Andito na po tayo, ma'am." Sabi ni kuya.

Huminto kami sa harap ng isang malaking resort. Yayamanin!

May halo sya ng rocks and modern designs. Maganda ang pagkakagawa ng structure nito.

May mga bumati na mga staff sa entrance at ngumiti ako sakanila. Si kuya driver naman ay nilagay sa isang cart or something yung mga bagahe ko. May isang lalaking staff na tumutulak nito.

Kinuha ko ang susi ng kwarto ko sa isang staff.

"Oh, Caine, ija!" Nagulat ako ng biglang may magyakap sa'kin.

"T-tita?"

"Yes, ija! Kasama mo ba sila Vance?" Tanong ni tita Yvonne.

"Hindi po." Sagot ko.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now