=08=

7 0 0
                                    

"Dr. Pangilinan, are you free today?"

Nagulat ako sa biglaang pagtawag ng lolo ni Caine. Hindi ko ito inaasahan.

"Yes, sir." Sagot ko.

"Good, would you mind joining our dinner?"

"Y-yes. Um, what time, sir?"

"Around 7." Sagot nya at binaba na ang tawag.

Napalunok ako at nagbihis na. Magsi-six na kaya binilisan ko.

Pagdating ko sa bahay nila ay sinalubong ako agad ng guard doon. Sinabi ko na bisita ako ni Dr. Guzman kaya pinapasok ako.

"Good evening, Dr. Pangilinan." Bati sa akin ni chairman.

Binati ko rin sya pabalik at sumunod sa kanya papasok. Walang masyadong nagbago sa itsura nito. Andito pa rin ang mga nagkikinang na mga chandalier, mga naglalakihang sofa at mga antikong kagamitan.

"Hahahaha! Ginagawa mo? Umayos ka nga! Baka marinig ka ni lolo." Narinig ko ang boses ni Caine.

Ngayon ko lang sya ulit narinig na tumawa ng ganon.

Umayos sila ng tayo ni Peter ng mapansin nila kami. May ibang mga doktor din silang kasama.

Doctor's party amp.

"Ladies and gentlemen, this is Dr. Pangilinan." Pormal na pagpapakilala ng chairman sa'kin.

Lahat sila ay bumati at nagpakilala rin. They were warm and welcoming.

Nagusap-usap lang kami tungkol sa trabaho, nothing personal.

Nandito na kami sa garden upang uminom ng wine. It's fine as long as onti lang. Wala naman akong balak magpaka-lasing.

I can see Peter and Caine laughing together through the corner of my eyes. Iniwas ko agad ang tingin ko ng muntik na akong mahuli.

"Pangilinan! Aba, ang tahimik mo naman yata?" Tawag sa'kin ng isang matandang doktor.

Ngumiti ako ng onti at ininom ang natitirang wine sa baso. Nang maubos ko iyon ay agad akong tumayo at nagpaalam nang aalis na ako.

"Thank you for the wonderful dinner, Chairman." Nagbow ako sa harap nya.

"No worries." Tinapik nya ang balikat ko at umalis na ako.

I saw Peter leaning for a kiss. Something about that made my heart crumple. I saw how Caine enjoyed it. I guess she's really happy with someone else now.

I smiled bitterly. It was my choice to leave, I have to pay the consequences.



















"Lucas!!" Masayang tumili si Hannah at niyakap ako.

Natawa ako ng bahagya at nakita si John sa likod. Hindi ko alam na nakauwi na sila.

"Baka mawalan na ng ere si Lucas." Biro ni John at tinapik ang braso ko.

"Kadadating lang natin ng Pinas, baka mamaya, mangbabae ka na agad, ah." Bawi ni Hannah.

"Si Kyla?" Tanong ko.

"Hmph." Agad na sumimangot si Hannah.

"Nag-away." John mouthed kaya natawa ako.

"Oh, sige. Ililibre ko nalang kayo ng lunch." Panguuto ko sa dalawa.

Lumiwanag agad ang mga mata ng dalawa. Tss. Bagay talaga sila, parehas patay gutom.

Masaya akong hinatak ni Hannah papasok sa mall.

"Mmmhhhh~~!! Seafooooddddd!!" Masayang tinitigan ni Hannah ang pagkain.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon