=13=

6 0 0
                                    

"May bumisita sayo." Masayang bulong ni Peter.

Kumunot ang noo ko. Sino naman ang bibisita sa'kin? Halatang hindi ko siya ka-tropa dahil mukhang excited si Peter.

"Long time no see, ah."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Markkkkk!!" Tumakbo ako at niyakap sya.

Narinig ko ang mahina nyang tawa at hinaplos ang buhok ko.

"Kailan ka pa nakabalik? At ikaw Peter, ba't di ka man lang nagsasalita?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Sorry naman, boss." Napakamot sa ulo nya si Peter.

"Arte naman, doc. Kadadating ko lang, hehe. Nagpapagawa ako ng resto. Pumunta ka dun, ah? Iiyakan ko talaga si tita pag di ka nagpakita sa opening." Naka-pout na sabi nito.

Umirap ako at inaya na sila sa loob ng canteen. Daldalero pa rin.

"Wow! Ang laki naman dito!" Namamanghang sabi ni Mark.

"Bigla-bigla ka nalang umalis, eh. Alam mo bang umiyak si Alenna nung umalis ka?" Pang-aasar ko.

"Si panget? Iiyak? Sus, wag mo kong lokohin. Sigurado akong nakahinga yun ng maluwag nung umalis na ako!" Sabi nya pagkatapos uminom ng tubig.

Bully pa rin.

Napailing ako. Parang magkaka-world war three pag nagkita ulit silang dalawa.

"Maganda na si Alenna ngayon." Sabi ni Peter.

"Maniwala!" Suminghap si Mark.

Hinayaan ko nalang sya. Panget talaga ang tawag nya kay Alenna.

Hindi naman sa panget si Alenna, pero sa aming apat na babae, sya yung pinka.. normal? I honestly don't know.

Si Lia ang pinakamaganda. Flawless ang skin, walang kapores-pores, maputi, elegante, kaso di matangkad.

Natawa ako sa iniisip ko.

Si Athena ang pangalawa, matangkad, maputi, kaso mataray. Hehe.

Tumigil na ako sa pagku-kumpara dahil nawi-wirdohan na ako sa sarili ko.

"Si Allen?" Tanong ni Mark.

"Pwet mo." Barumbadong sagot ni Peter.

"Ah, galeng. Parang utak mo, nasa pwet mo rin." Umirap si Mark.

Nang matapos kami kumain ay hinatid ko na si Mark. Si Peter kasi ay may importante pang gagawin.

"Oh! Ayaw mo pa maniwala, eh." Pinakita ko kay Mark ang profile ni Alenna sa Insta.

Naka-bikini si Alenna tapos hanggang baba ng bewang nya ang tubig mula sa dagat kaya kita ang kurba ng katawan nya. Hawak nya ang buhok nya at nakangiti sa camera. In short, maganda sya sa picture.

Napaawang ang bibig ni Mark at napatitig sa litrato. Napangiti ako ng matagumpay. Agad kong binawi ang selpon ko at umiwas ng tingin si Mark.

"Tss. P-panget pa rin naman, ah!" Naunang maglakad si Mark.

"Sus, pinsan mo ako, hoy! Kilala kita, Mark. In denial ka pa rin, ahhh.." Pang-aasar ko pa.

Ginaya nya ang boses ko at umirap. Natawa naman ako sa ginawa nya. Isip bata pa rin. Bagay silang tatlo nila Allen at Tom.

"Isusumbong mo ba ako kay tita, baby Marky??" Hindi ko sya tinigilan.

"Tsk. Isip-bata." Inis na sabi nito.

Pikon!

"Wow, hiyang-hiya!"

Sabay kaming tumawa. Hindi kami nagtatanim ng masamang loob sa isa't-isa, ganoon kami ka-close. Tsaka, ang childish ng mga pinagaawayan namin. Madalas ay pikunan lang ang nangyayari.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now