=17=

5 0 0
                                    

"Welcome back, Doktora!" Masayang bati ng mga intern.

Napakarami nang bumati sa'kin. Tss.

'Di naman ako na-infrom na famous na ako.

"Caineeeeeeee!!" Niyakap ako ng mahigpit ni Alenna.

Siguro ay binisita nya ang tatay ni Tom. Papalit-palit lang sila ni Allen dahil umalis ang mag-bff.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Oks lang!" Nag-thumbs up sya.

Sabay na kaming pumunta sa canteen. Kumakain sya ng chicken galing sa fast food na binilhan nya.

"Ba't di ka nalang mag-lunch dun sa pinagtra-trabahuhan mo?" Tanong ko.

"Ayaw ko! Mababad trip lang ako!" Nakasimangot na sagot nya.

Natawa ako at hinayaan na sya. Magkaka-uban na yata 'to sa i-stress sa boss nya.

"Aba, aba! Hahayaan mo nalang talagang magutom ang kambal mo?!" Umupo si Allen sa tabi ko.

Ngumiti lang si Allen sa'kin.

"Oo!" Sagot ni Alenna.

"Bawal kang makisakay sa kotse ko mamaya." Sabi ni Allen.

"Tss. Amoy babae na nga 'yung kotse mo, eh!" Umirap ang kambal nya.

"Malamang! Hatid sundo ko 'yung sunget na 'yun." Nakangusong sagot ni Allen.

Sana all nalang may love life. Mukhang kaming dalawa ni Lia ang napagiiwanan.

Nagpatuloy lang sa pagaasaran ang kambal. Hinayaan ko nalang.

Pagkatapos kumain ay nagkahiwa-hiwalay na kami ng pupuntahan.

Nasa-ICU ang pinsan ni Peter. Masyado nang kritikal ang kondisyon nya.

Naabutan ko si Peter na nakatitig lang sa pinsan nya.

"Pete.." Hinawakan ko ang balikat nya.

"Hmm?" Tumingin sya sa'kin at ngumiti.

"Ayos ka lang?" Hinaplos ko ang likod nya.

Tumango sya at kinagat ang labi. Tuluyan nang tumulo ang mga luha nya.

"Napakabata pa nya. She doesn't deserve this." Pinunasan agad nya ang mga luha nya.

"Shh. It's okay." I whispered words of comfort in his ears.

Naalala ko tuloy si lola. Agad na nanghina ang mga tuhod ko.

Pagod na akong umiyak. Ganto ba talaga kapag nasasaktan?

Nawala ang atensyon ko sa trabaho. I was pre-occupied the whole day.

Umuwi ako ng pagod. Umiyak ako nang umiyak. Parang 'yun nalang ang kaya kong gawin. My mind and body weren't cooperating.

"Doc!" Napatili ang mga nurse.

Nagising ako bigla. Tinignan ko ang paligid. Where am I?

"You're awake." Napatingin ako sa nagsalita.

Si lolo. He was sitting on a sofa. I figured out that I was in a hospital bed.

"Paano po ako napunta dito?" Tanong ko.

"You collapsed. You've been unconcious for five days."

Napaawang ang bibig ko. What?! Ano nanaman bang nangyari sa'kin? Napasabunot ako sa sarili ko.

"Uhm.."

I was speechless! I didn't know what to say. Hiyang-hiya na ako kay lolo. I'm being such a headache!

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon