=26=

6 0 0
                                    

Two weeks.. two weeks nang wala si Lucas. Sa loob ng dalawang linggo ay hindi ako makakain, makatulog, o makapagisip ng maayos.

I felt so guilty. Pumunta dito ang mga kaibigan n'ya, kahit sila ay walang alam. I sighed, this is so stressful.

I knocked softly on the door.

"Oh, doc!" Gulat na sabi ni Allen.

Nabugbog s'ya ng mga lalaki nung isang gabi. Nakainom s'ya at hindi rin alam kung anong ginagawa n'ya.

"Hi." Bati sa'kin nung babae sa tabi n'ya.

Nilagay ko sa bulsa ko ang mga kamay ko. Malamig sa kwarto n'ya, eh. Humihilom na ang mga pasa n'ya sa mukha.

"Ah!" Sigaw ni Allen.

Nilalagyan nung babae ng ice pack ang pasa n'ya sa pisngi.

"Tss. 'Wag ka nang maarte, ikaw na nga ang tinutulungan dito." Umirap 'yung babae.

"Yabang, ah!" Sumimangot si Allen.

Natawa ako. Para silang aso't pusa. I forgot the name of the girl again, tsk.

Nakipag-kwentuhan lang ako kay Allen bago ako lumabas. They need privacy.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Peter sa kabilang dulo ng hallway. Hayy. Iniwas n'ya ang tingin n'ya at kinausap ang katabi nyang nurse.

Two weeks na rin kaming hindi nagpapansinan ni Peter. Napabuntong hininga ako.

"Aga-aga, stressed agad? Hahaha. Oh, eto, nalipat sayo 'yung ibang pasyente ni Lucas." Inabot ni Nancy, cardiologist din, ang isang papel.

Tiningnan ko iyon, may mga dinagdag nga sa listahan ko. Napamasahe ako sa sintido ko.

"Good luck!" Tinapik ni Nancy ang balikat ko bago umalis.

Nagrounds na ako at nagopera ng dalawang pasyente kaya late na akong nakapag-lunch.

Pumunta ako sa vending machine at bumili ng tatlong yakult. Pagkatapos ay pumila na ako para sa pagkain.

Dala-dala ko ang tray ko at naglilibot ako sa canteen. Parang marami yata ang tao ngayon?

Nakita ko si Peter na mag-isa sa lamesa. I bit my lower lip. May grupo ng mga babae na pini-picturan s'ya.

Kunwari ay umubo ako kaya nakuha ko ang atensyon nila. Tumabi kaagad sila para padaanin ako. Umupo ako sa harap ni Peter.

Inangat n'ya ang tingin n'ya sa'kin. Agad syang nagulat at nagtaka kung bakit nandito ako.

"Wala na kasing ibang bakanteng lamesa." I pointed at the tables behind me.

Tumango lang s'ya at kumain na ulit. Nagulat ulit s'ya ng ilapag ko ang yakult sa harap n'ya.

Tinitigan n'ya ng matagal 'yung yakult. Pinanood ko syang mag-isip. Mas gumagwapo s'ya kapag seryoso. Kaya naman pala ang dami nyang fan girls.

Tiningnan ko ang mga babae na nagpipicture sa kanya. Napailing ako. Maraming magiging kaagaw ang magiging girlfriend nito.

"Sa sobrang dami ng fan girls mo, ba't di ka nalang pumili ng isa sa kanila?" Tanong ko.

Tumingin s'ya sa'kin ng panandalian bago umiwas ng tingin.

"It's not that easy." Umiling s'ya.

"Wala namang madali. Lahat pinaghihirapan." I shrugged, totoo naman, eh.

"Kahit nasasaktan ka na?" He asked.

"Oo naman. It's a part of the process. It helps you grow." Binuksan ko ang yakult ko at uminom nito.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now