=10=

7 0 0
                                    

"Shuta." Kunot-noong nakatingin sa selpon nya si Athena.

"Sya nga yung babaeng 'yun!" Gulat na sigaw ni Athena.

"Sige, isigaw mo pa." Sarkastikong sabi ni Alenna.

Nagpustahan sila kung sino yung babaeng pumasok kanina. Sya yung babaeng dine-date daw ni Allen.

Umirap lang si Athena at hindi na nagsalita pa. Nandito kami ngayon sa restaurant na pinatra-trabahuhan ni Alenna. Naka-leave sya dahil may party daw syang aattend-an sa biyernes.

"Ikaw, Caine Stella, ah! Hindi mo kami ininform na nililigawan ka na pala ni Peter." Kinilig na sabi ni Athena.

"Sa'n mo naman 'yan napulot?" Tanong ko.

"Sa bunganga ni Liana. Sa'n pa ba?" Mataray na sabi nito.

Napailing ako at si Alenna naman ay busy sa pagoorder. Nang matapos ay nagchikahan nanaman sila.

"Hello, po! Ikaw po ba si Athena Pascual?" May lumapit na grupo ng babae sa table namin.

"Yes. Why?" Nakangiting tanong ni Athena.

Mabait 'yan sa fans nyan. Ang dami na nyang natulungan na mga tao. Soft-hearted talaga sya, natatakpan lang ng kaartehan.

"Kasama nyo po ba si Miss Liana?" Tanong nung babae.

"Ah, sorry. She's not here. Baka nasa office nya o kaya lumalandi ng Americano." Nakangiting sagot ni Athena.

Laglagan na this.

Mukhang nagulat ang mga babae pero agad ding umalis. Natawa ng malakas si Athena habang umiiling si Alenna.

"Demonyita." Mahinang sabi ni Alenna.

"I know, bishe." Naghair-flip pa ang gaga.

Dumating na ang order at kumain na kami. Ang daming tumatawag kay Athena dahil sa cutomers nila. Ang hirap maging sikat.

"Balita ko may gf na si Lucas." Kunot-noong sabi ni Alenna.

"At saan mo naman nakuha 'yan?" Nakataas ang kilay ni Athena.

"Basta. Yun ang chismis." Kibit-balikat na sagot ni Alenna.

"Kylie? Kyra? Basta parang ganoon ang pangalan nya." Dadag pa nito.

"Kyla." Uminom ako ng shake.

"Ay, alam na alam ni ex. Spill the juice, teh." Excited makinig sa chismis 'tong si Athena.

"Hindi ba spill the tea 'yun?" Natatawang tanong ni Alenna.

"Para mas sosyal." Umirap si Athena.

Umiling ako at ikinuwento ang encounter ko kay Kyla sa Paris. Hindi ko naman alam na gf pala nya 'yun.

"Masakit ba?" Hinimas ni Athena ang dibdib nya na parang nasasaktan.

"Paano ko malalaman? Dibdib ko ba 'yan?" Pambabara ko.

Natawa si Alenna at suplada akong inirapan ni Athena.

"Mas masakit yung na-fall ka sa bff mo." Pinipigilan ni Alenna ang tawa nya.

Nagiba ang timpla ng mukha ni Athena. Sapul. Inlove pa rin ata 'to kay Tom. Hahaha.

"Tss. Nahiya naman ako sayo, na-fall ka lang naman sa nambu-bully sayo." Umirap si Athena.

Tumawa lang si Alenna at umiling.

"Atleast naka-move on na ako. Can you say the same?" Nanghahamon na sabi ni Alenna.

"B-bakit ba napunta sa'kin ang usapan? Tsaka, crush lang 'yun, 'no! Fall fall ka dyan." Namumula na ang mukha ni Athena.

"Hule, zerr!!" Natutuwang sabi ni Alenna.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now