=Epilouge=

8 0 0
                                    

I have died everyday, waiting for you. Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more~

(Lucas & Caine's Theme Song: A Thousand Years)

"Gosh!"

Nagmamadaling tumakbo papalapit si Lia sa'kin, tumatawa pa ang gaga.

"Tulungan mo nalang ako!" Inis na sabi ko.

Tinulungan n'ya akong tumayo. Pinagpag ko ang damit ko bago pumunta sa backyard, nandoon iba naming kasamahan.

"Shanira Aelie!" Tawag ni Sariah sa anak n'ya.

"Tita doktora!" Niyakap ni Shanelie ang mga binti ko.

Narinig ko ang tawa ni Lia. Umupo ako para magkalebel na kami ni Shanelie. Ginulo gulo ko ang buhok n'ya kaya napa-pout s'ya.

"Shanelie, you should listen to your mommy, okay? Para maging good din si mommy mo tapos bibilhan ka n'ya ng maraming toy cars!" I pinched her nose.

Sa murang edad palang ay mahilig na sa mga panlalaking laruan si Shanelie. Naimpluwensyahan ni Allen at ng anak ko. Speaking of..

"Layton Cian Guzman Pangilinan! Sa'n ka na naman nanggaling?!" Pinunasan ko ang likod ng anak kong panganay na pawis na pawis na.

"Nagtago po s'ya sa likod ng mga bush!" Turo ni Shanelie sa anak ko.

"Tony!" Sinamaan ko ng tingin ang anak ko.

"Sorry, mom." Tumungo si Tony at niyakap ako.

Nginitian ko lang s'ya at hinayaan na silang maglaro.

Narinig ko pa ang bulong ni Tony kay Shanelie.

"Sumbongera!"

"Psh!"

"Nagiingay ka na naman, hayaan mo nalang 'yung mga bata." Hinalikan ni Lucas ang noo ko.

"Baka kasi magkasipon." Umirap ako.

"Sorry na, mommy!" Ginaya n'ya ang boses ni Tony.

Natawa ako at hinalikan ang labi n'ya.

"Caine, Lucas, halika na kayo rito!" Tawag sa'min ng mga kaibigan namin.

Sumunod naman kami at nakita kong naghahain na sila ng mga pagkain.

"Mmh~! Mukhang masarap!" Masayang tiningnan ni Lia ang mga nakahandang pagkain.

"Mas yummy 'yang fiancèe mo." Biro ni Athena.

"True." Sagot ng fiancèe ni Lia.

"Eww!" Tinulak papalayo ni Lia ang mukha ng fiancèe n'ya.

"Honey, tawagin mo na si Shanelie." Malambing na sabi ni Allen kay Sariah.

"Tss. No need to sugar coat it, honey." Umirap si Sariah.

Tinawag n'ya sila Shanelie at Tony na kanina pa naghahabulan. Ang mga bata nga naman.

"Alenna, Athena, ano na? May balak pa ba kayong magkaanak?" Nangaasar na sabi ni Lia.

"Waw, nagsalita ang wala pang asawa!" Umirap si Athena.

"Soon, bishe!" Pinakita ni Lia ang engagement ring n'ya.

Una kaming ikinasal ni Lucas pero naunang magkaanak sila Allen. May matanda ng tatlong buwan si Shanelie kay Tony.

"Si Caine, may balak pa 'yan na baby number three!" Tumawa ng malakas si Allen.

"Ulol! Wala pa ngang number two, eh." Binato ko s'ya ng tissue.

"Hoy! Umayos nga kayo!" Tinakpan ni Alenna ang tenga ni Shanelie.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now