=20=

4 0 0
                                    

Nakakainis! Hinawakan ko ang pisngi ko. Ang init ng mga ito. Lucas Dave Pangilinan, you're dead!

Napapikit ako ng mariin para itago ang inis ko. Pauwi na kami sa hotel para magpahinga. Marami pa kaming oras para maglibot. Tutal, isang linggo rin naman kami dito.

"May bonfire po mamaya, ma'am, baka gusto nyo pong pumunta?" Tanong ng staff sa'kin.

"Okay. I'll attend." Sabi ko.

I just wish na wala doon si Simon.

"Madam, are you okay?" Mataray na tanong ni Lucas.

Nadapa ako dahil sa pagmamadali ko. Napairap kaagad ako.

"Slave, ano na?! Titingin ka lang d'yan? Tulungan mo ako!"

"Yes, madam." I heard his chuckle.

Ang sarap nyang itapon sa dagat! Grr.

Tinulungan nya akong tumayo. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. May problema ba ang puso ko?

Agad akong umiwas at tumikhim ng makatayo. "T-tara na!"

Sinara ko nang malakas ang pintuan ng kuwarto ko. Napasabunot ako sa sarili ko sa inis. Nakakailan na sya, ah!

Bakit ba ang bait ko sakanya bigla ngayon?!

Sa sobrang pagiisip ay nakatulog ako. Pagkagising ko ay naligo ako at nagbihis. Puro shorts ata ang dinala ko. Nagsuot ako ng black shorts at tinernuhan ko ito ng puting crop top. Nagpabango ako at nagsuot ng white sandals. Nakakatamad mag-make up.

Si Athena lang ang mahilig sa mga make-up. Si Lia ay napipilitan pero kahit walang make up ay maganda pa rin. Sa Alenna? Ewan ko doon. Lip balm at baby powder lang ata gamit no'n.

Sunset na kaya lumabas na ako. Nagdala lang ako ng maliit na sling bag para sa wallet at cp ko.

"Madam!"

Napapikit ako sa inis. Eto nanaman tayo.

"Get me my dinner." Sabi ko at hindi sya nilingon.

"Dinner? Anong gusto mo?" Tanong nya.

Napataas ang kilay ko. Tiningnan ko sya ng matalas.

"...madam! Anong po ang gusto nyo MADAM?" Diniinan n'ya 'yung madam.

Napasapo ako sa noo ko. Ang galing n'yang kausap.

"Dapat alam mo kung anong gusto ko, YAYA."

Tinalikuran ko na sya and I heard him mocking my voice!

Bakit ba tumataas ang blood pressure ko?

Pumunta ako sa mga upuan sa labas, kung saan may mga table na naka-set up sa sand.

Iniwan ko na sya para mag-order. Minamasahe ko ang ulo ko. Dapat nagpapakasaya ako pero nandito ako at naiistress sa kasama ko.

Maybe making him my slave is a bad idea. Hindi ko nga alam kung bakit ko 'to naisip, it was more like a thing Athena or Lia would do.

I decided to post my photos in my social media accounts. Hindi ko sinabi kung nasaan ako, syempre.

'Reset your mind', that was the caption.

Nagulat ako ng may mag-pop up na notif. Tiningnan ko agad iyon. Nag-comment si Lia.

Liana Tori: Saya, ah? Kasama si X, eh.

Napairap ako. Lahat yata ng balita ay nasasagap agad nitong babaeng ito.

Caine Guzman: Ah, galeng.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now