=21=

5 0 0
                                    

"Ang bilis ng mga araw, 'no? Uuwi na tayo bukas!"

Nag-strech ako ng mga kamay ko. Kakagaling palang namin dun sa huling island na pinuntahan namin. Ang saya at ang ganda ng mga tanawin! Lalo na 'yung mga lighthouse, para kang binabalik sa nakaraan.

"Yup." Tumango si Lucas.

Medyo naging awkward kami nung sinabi kong 'friends' na kami. Atleast, di na ako maiilang pag kasama namin s'ya.

Biglang may tumawag sa akin kaya lumayo muna ako kay Lucas para sagutin iyon.

"Oh?"

"Ay, walang pa-good morning?" Tanong ni Lia.

"Wala. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Miss lang kita. Hayy, naiistress na ako dito." Humikab pa s'ya.

Pinagiipunan n'ya kasi ang pangpaggawa ng sarili n'yang shop. Nahihiya naman s'yang humingi ng pera sa magulang n'ya.

"Try mo kasi matulog, girl." Ginaya ko ang boses n'ya.

Natawa s'ya at sinabing may customer na daw s'ya. Binaba n'ya na rin ang tawag.

Napabuntong hininga ako. Napapansin ko na ang pag-payat ni Lia. Hindi na tama ang ginagawa n'ya.

"Okay ka lang?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat. Hinawakan ko ang dibdib ko. Kala ko multo, goodness.

"Aatakihin ako sayo, eh!" Hinampas ko ang braso n'ya.

Nakarating na kami sa hotel at naghahanda na ng gamit. Bigla bigla nalang pumasok 'tong lalaking 'to.

"Sorry!" He chuckled.

Sorry mo mukha mo! Grr.

Nag-impake na ako ng tahimik. Pagkatapos ay bumaba na kami para sa dinner. Onti lang ang kinain ko dahil busog pa ako. Ayokong magkasuka sa sobrang busog.

May souvenir shop sila sa loob kaya nagtingin tingin muna ako.

Binilhan ko nalang ang mga kaibigan ko ng key chain na may naka-lagay na 'Batanes' at may mga designs. Binilhan ko si lolo ng shirt at key chain.

"Ate, paki lagyan po ng mga pangalan." Sabi ko doon sa nagtitinda.

Sinulat n'ya ang mga pangalan ng mga kaibigan ko at ni lolo.

"Thank you po." Nag-bayad na ako at kinuha ang mga binili ko.

Humarap ako kay Lucas na nakabili na rin ng para sa mga kaibigan at pamilya n'ya. Hindi na ako pumunta sa bar dahil ayoko ng hang-over.

Dire-diretso na ako sa kuwarto ko.

"Uhm, Lucas.." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tiningnan n'ya ako.

Nakabukas na ang pinto ng kuwarto n'ya at hinihintay n'ya nalang ang sasabihin ko.

"G-Good night!" Agad kong sinara ang pintuan ko.

Narinig ko ang tawa n'ya at ang tunog ng pagsara n'ya ng pintuan.

Hinawakan ko ang dibdib ko, para itong tinatambol. Tinakpan ko ang mata ko. Ano bang nangyayari sa'kin?!

Sinampal sampal ko ang mukha ko at nag-shower. Hindi talaga ako nagsi-skin care dahil wala akong panahon. Triny ko ang mask na binigay sa'kin ni Lia.

Nilagay ko ito sa mukha ko bago nahiga sa kama at nagscroll sa fb.

Puro memes lang ang nakikita ko dahil minu-minutong nagse-share si Allen.

Lucas Dave sent you a friend request.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now