=23=

6 0 0
                                    

Nakakagat ako sa labi ko. Date?! Hindi ko pa rin s'ya binibigyan ng sagot. Wala rito sa ospital si Peter dahil may important errand na pinagawa si lolo.

"No... hindi pwede."

Inis kong tinadyakan 'yung bato sa harapan ko. Nagugulo ang isipan ko.

"Arghh!!" Inis kong ginulo ang buhok ko.

Kinailangan ko tuloy itali ulit ang buhok ko. Baka akalain ng iba, nababaliw na ako. Totoo naman, eh, nababaliw na ako dahil kay Lucas!

"Ano ba naman kasing bibig 'to!" Pinalo ko ang bibig ko.

"Ayos ka lang?" Napaayos ako ng tayo ng biglang may lumapit sa'kin.

"Y-yes.."

Nasa labas ako ng ospital at nagpapahangin lang ng saglit. Naiistress ako, eh.

Ngumiti sa'kin ang babae.

"I'm Hannah." Inabot n'ya ang kamay n'ya.

"Caine." Tinangap ko ang kamay n'ya.

"Friend ako ni Lucas. You probably don't remember, pero.. may atraso ako sayo dati." She gave me an apologetic smile.

Nginitian ko s'ya. Hindi ko nalang sinabi na natatandaan ko. Baka mailang s'ya bigla. She seems nice. I know there was a reason kung bakit n'ya 'yun nagawa.

"S'okay. Forgive and forget."

"Thanks."

Nakita ko kung gaano s'ya kasinsin. I gave her a tap on her shoulder.

"You look troubled. I'm a great listener." Ngumiti s'ya.

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko maldita rin s'ya, katulad ni Kyla.

"It's okay. Kailangan ko lang ng time."

Tumango s'ya. Pinaglaruan n'ya ang kwintas n'ya kaya napatingin din ako doon.

JHN

Napakunot ang noo ko. Parang may nakita rin akong similar na necklace. I tried remembering, pero hindi ko talaga maalala.

I shrugged it off. Nagpaalam na rin ako dahil ang sabi ko ay saglit lang akong lalabas.

"Take care." Sabi ni Hannah sa'kin.

"You too." Kumaway pa ako bago tumalikod sa kanya.

Pumunta ako sa nurse station upang magtanong. Pagkatapos noon ay hinanap ko ang katrabaho ko dahil may ipapakita daw syang x-ray.

Pinaliwanag ko 'yon sa kanya at tumango s'ya, "Thanks, doc."

Ang sarap pa rin pakinggan kapag tinatawag akong doktora o doc. Sobrang laking accomplishment na 'yun para sa'kin.

"Ngiting ngiti tayo, ah." Biro ni Abby.

"Tss. Ewan ko sayo." Ngumisi ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Fresh na fresh, doktora! Hahaha! Dahil ba 'yan sa bakasyon o dahil inspired ka na?" Umupo sa tabi ko si Paulo, cardiologist din.

"Gusto mo masesante?" Ngumiti ako ng matamis kay Paulo.

"Joke lang, doc! Ito naman, eh." Minasahe ni Paulo ang balikat ko.

Natawa ako at sinabing kumain nalang sila. Nagulat ako ng biglang may maglagay ng tray sa tabi ko.

"Doc. Pangilinan!" Gulat na bati ni Paulo.

Nanlaki rin ang mata ni Abby at nilipat lipat ang tingin sa'min ni Lucas.

Lumipat si Paulo sa tabi ni Abby. Parang kinakabahan pa sa presensya ni Lucas.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now