=19=

4 0 0
                                    

"Vacation?" Naguguluhang tanong ko.

"Yes. I want you to join Caine. Kailangan kong masiguradong safe sya." Chairman gave me a stern look.

Tumango ako. Lumabas na rin ako pagkatapos noon.

The day after that, tinawagan ako ng lolo ni Caine at sinabing pupunta sya sa Batanes.

He booked me a separate flight para hindi magsuspetsa si Caine. He also book a reservation at the same hotel that she'll be staying at.

Pagkarating doon ay naglibot kaagad ako. I saw her story earlier. She looks genuinely happy.

Madilim na ng dumating ako kaya mahirap na syang hanapin.

"Argh! Let me go, Simon!!"

Shit.

Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko sila sa isang madilim na bahagi ng resort.

"You dickhead!" Sinuntok ko ang lalaki sa pisngi.

Caine silently sat there. Hindi sya umiiyak. Nagulat ako ng bigla syang magkatulog.

"Sino ka ba?!" Galit na sabi nung lalaki.

"Her boyfriend." Sinuntok ko sya sa tiyan kaya napaupo sya.

Binuhat ko kaagad si Caine. Why was she only wearing this bra or something? Ang iksi pa talaga ng shorts nya.

Inihiga ko sya sa kama ko. Ni hindi pa ako nagdi-dinner. Napahilamos ako sa mukha ko.

Nagpa-room service nalang ako para mabantayan ko sya. Mahirap na, baka makatakas pa ito.

Sa sofa ako natulog at maagang gumising para bumili ng makakain. Bumili ako ng pandesal, pancit at.. yakult.

Binuksan ko ang pintuan at sinara ng mahina. Baka magising ko sya.

"L-Lucas?!" Napatigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko sya at nakaawang ang bibig nya. Pinikit ko ng mariin ang mata ko to stop myself from laughing. May bakas ng laway sa pisngi nya.

Tumalikod ako at nilapag ang pagkain sa mesa.

"Why am I here?"

"The guy tried to.. uh.. take advantage of you. Buti nalang at nakita kita." I shrugged.

Nang lumingon ako ay sinasabunutan nya ang sarili nya.

"I bought us breakfast." I gave her the food.

"Thanks." She took it and sat on the chair in front of me.

"Kailan ka dumating? And why are you here?" Tanong nya.

I cleared my throat. Nailang ako bigla. Should I tell her? Well, wala namang masama in telling the truth.

"Chairman wanted me to follow you. It was supposed to be a surprise. So.. surprise?"

She stared at me for a second before laughing.

"Corny mo! Kain ka na!" Sabi nya at tinuro ang pancit ko.

I chuckled before eating. Umalis din sya pagkatapos kumain para magbihis. Pupunta daw kami sa doon sa town proper para mag-bike.

Naligo at nagbihis ng casual clothes, para komportable. Naglagay ako ng pabango at nilagay ang shades ko sa mata ko.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Caine na kalalabas lang din. Naka-denim shorts sya at beige lace top na sleveless. Medyo kita yung white tube sa ilalim. Naka-curl ang buhok nya at meron din syang sun glasses na nasa top nya. Suot na nya yung malaking hat. Dala-dala nya ang isang bag na bilog, mukha syang made out of wood or smthg. I honestly don't know much about clothes.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon