=06=

7 0 0
                                    

"Pare, may chicks dun sa kabilang section. Ang ganda nung babaeng pandak kaso ang sungit." Bulong ni Allen.

"Kala mo naman ang ganda ng kambal mo. De, joke lang, pare. Oy!!"

Binatukan ni Allen si Tom. Nagulat ako ng may babaeng huminto sa harap ko.

She was tall, her skin was white, she had a long black hair, her lips were pink and her eyelashes are long. She looks like a princess.

"Grabe, naglalaway na si Lucas, pre." Narinig ko ang tawanan nilang dalawa.

"I need to speak with your president." Kalmado lang sya.

Napalunok ako. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Woi, president daw." Tinulak ako ni Allen kaya nagtama ang katawan namin nung babae.

Napahawak sya sa braso ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Medyo nainis ako nang makitang kalmado pa rin sya at parang walang nangyari sa amin.

"I guess you're the president, then. Come with me." Nauna nang maglakad yung babae.

"Bilis! Follow your dreams!!" Sigaw ni Allen habang tinutulak ako.

Narinig ko ang tawanan nila pero hindi ko nalang pinansin. Ganyan yang dalawang yan parati.

Tumigil sya sa harap ng opisina nang Principal.

Oh, shit. Napamura ako sa isip ko.

Pagkapasok namin ay naabutan ko ang dalawang kaklase ko na puno ng pasa ang mukha. Dumudugo pa yung labi ng isa.

"Good afternoon, ma'am." Bati ko sa principal.

Tumanggo sya at pinagsabihan ang dalawang kaklase ko. Warning palang ang binigay dahil first time nila mag-cutting. Nabugbog pa, mga tanga talaga.

"There will be a seminar next week. All class presidents and vice presidents should attend."

In-excuse na kami ng principal. Magkahiwalay ang classroom ng boys at girl sa mga junior high. Paekek ng nanay nila Allen.

Oo, sila Allen ang may-ari ng school na 'to. Buti nalang at good boy 'tong si Allen. Medyo makulit nga lang.

Pinisil ko ang pisngi ni Caine. Ang cute nya eh.

"A-aray!" Masama nya akong tinignan.

"Bala ka nga dyan." Tatayo na sana si Caine pero hinatak ko aya pabalik at niyakap.

"Bibilhan kita ng ice cream." Agad na lumiwanag ang mata ni Caine.

"Pero...."

Napasapo sya na noo nya. Alam na ang susunod na sasabihin ko.

"Ibibigay ko sayo LAHAT ng gusto mo. Lahat ng ice cream, C2, bubble gum. Kahit manaba ka pa, ikaw pa rin ang mamahalin ko. Ibibigay ko sayo ang buong puso ko. Kung papayagan mo akong maging---"

"Oo na. Tayo na."

Kinurap ko ang mata ko. Tama ba ang narinig ko?

"Tayo na. Tumayo ka na dyan. Gusto kong bilhan ako ng boyfriend ko ng ice cream. Dali!!" Natatawang sabi nya.

Niyakap ko at hinalikan. Nagulat sya dahil first kiss nya yon. Pero, agad din nakarecover at hinalikan ako pabalik.

"That's my first kiss, you know?" Taas kilay nyang tanong.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now