=22=

5 0 0
                                    

"Ready na s'yang lumandi, oh!" Natutuwang sabi ni Lia.

Umirap ako. Pinaglalaruan na yata nito ang mukha ko. Pati damit ko ay s'ya na rin ang pumili.

"Aylabet! Sexy!!" Sumipol pa ang loka loka.

"Sira."

Tumayo ako at pumunta sa harap ng malaki n'yang salamin. Fitted ang dress at kita ang hati ng dibdib ko. Naka-smokey eye ako at mapulang lip stick. Fierce, amp.

Tiningnan ko si Lia. Naka-red dress s'ya at light make up lang. Tss. Halatang binebenta ako nitong babaeng 'to.

Maganda pa rin s'ya, kahit saang angulo mo tingnan. Dapat ay nagmodelo nalang s'ya. Nakakapagtaka nga na wala pa ring nangliligaw d'yan.

"Sure ka wala kang natitipuhan?" Tanong ko.

Napakunot ang noo n'ya na parang may naaalala s'ya. Umiling lang s'ya at ngumiti ng tipid.

"Reto kita sa pinsan ko." I smirked.

"Wag na, playboy lahat ng mga pinsan mo, nako." Napailing s'ya.

Natawa ako at sumang-ayon. Dinate s'ya nung pinsan ko na doktor, pero pinagpalit s'ya sa isang model. Naging ex n'ya si Drew, yung detective kong pinsan, kaso matanda na daw at playboy din.

Pagkarating sa club ay dire-diretso kami sa table nila Athena. VIP pa ang porkchop.

"Andito na sila!" Sigaw ni Athena.

Nakita kong wala nanaman si Allen. Nasaan na kaya ang mokong na 'yun? Wala man lang pasabi kung nasaan s'ya.

"Wala dito si ex mo." Nakangising bulong ni Athena.

"Boba, si Allen ang hinahanap ko." Umirap ako.

Natawa s'ya at nagkibit balikat. Hindi rin pala nila alam. Weird.

"Inuman na!" Binaba ni Tom ang nga bote ng alak sa mesa namin.

Nagsimula na silang maginom. Paunti-onti lang ang inom ko. Ayaw ko ng sobrang lalang hang-over. Si Lia ay hindi pa ganoon kalasing kahit nakakaisang bote na s'ya. Sila Athena at Tom ay naglalandian na sa dance floor. Si Alenna naman ay nagse-selpon lang, hindi man lang umiinom.

Noong medyo tipsy na si Lia ay hinatak n'ya ako sa dance floor. Nagsayaw lang kami doon. Naririnig ko ang mga sigawan ng tao dahil may nagda-dance battle na sa gitna. Nakisali naman itong si Athena. Mukha s'yang tanga kaya vinedeohan namin ni Lia.

May pangblack-mail na kami, hahaha! Nakangisi kaming bumalik sa table namin.

"Lia, ako na ang maghahatid kina Tom at Athena. Ikaw na bahala kay Caine." Sabi ni Alenna.

Tumango lang si Lia at uminom ulit.

"Caine! Caine, gising! Tara na."

Binuhat ako patayo ni Lia. May naririnig pa akong ibang boses pero hindi ko alam kung sino.

"Hey.. wake up."

Parang may kung anong meron sa boses na iyon. Agad kong dinilat ang mga mata ko. Napa-awang ang bibig ko ng makita ko si Lucas.

"L-Lucas?" Kinusot ko ang mga mata ko.

Nahilo ako kaagad kaya humiga ulit ako sa couch. Nagulat ako ng biglang may magbuhat sa'kin.

Narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan. Narinig ko pa ang mga boses nila bago ako nakatulog ng tuluyan.



































"Yes, chairman. She's safe with me. Thank you."

Unti-onti kong minulat ang mga mata ko. Nasa'n ako?

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now