=11=

5 0 0
                                    

"Knock knock!"

Tinuktok ni John ang ulo ko. Tinaboy ko ang kamay nya at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Suplado!" Tumayo si John at kinulit naman si Hannah.

"Nananahimik ako dito, tigilan mo ako." Tinakpan ni Hannah ang tenga nya.

"Nasa'n na ba si donya?" Bored na umupo si John.

"May shift pa sya." Sagot ni Hannah.

Nanonood si Hannah ng pelikula kaya naki-join na si John. Ako naman ay busy sa pagbabasa ng mga libro.

"Yaks!" Tinakpan ni John ang mata ni Hannah dahil nasa kissing scene ang parte na yun.

"Tangina, Johnny! Umayos ka nga! Halik lang, eh!!" Gigil na sigaw ni Hannah.

"Shh! Tumahimik ka nga! Baka i-kick out tayo dito ni Lucas!" Bulong ni John.

Tumahimik naman agad si Hannah at nagpatuloy lang sila sa panonood.

Hindi na kami nagimikan pa.










Kakakain ko lang ng lunch. Nakisabay ako kina Caine. Mukhang ayaw nya sa presensya ko.

Napabuntong hininga ako at sinagot ang tawag. Kanina pa nagri-ring ang cp ko.

"Hello?"

"Pre, hanggang anong oras ang shift mo? Inom tayo!" Aya sa'kin ni John.

"Hanggang ala-una pa. Sige, sasama ako. What time?" Tanong ko.

"Mga six pa naman. Nagpapasama nga pala si Kyla sayo. Magsa-shopping daw sya." Dagdag pa nya.

"Sige. I'll go to her condo. Bye." Binaba ko ang tawag.

Mabilis lang na lumipas ang isang oras. Ala-una na kaya nagpalit na ako ng damit. Naka-plain white shirt ako na v-neck. Pinatungan ko lang ito ng denim jacket at nag-jeans lang ako.

Inayos ko na rin ang buhok ko. Para naman hindi ako mapagtrip-an ni Kyla na ayusan ng buhok. Baka i-curl pa nun ang buhok ko.

Pagkalabas ko ay ang nakuha ko ang atensyon ng mga tao. Lalo na ng mga babae, tsk.

"Ang gwafu!"

"Ang hot nemen ni doc!"

Napailing ako at hindi na sila pinansin.

Nakita ko sila Caine at Peter na nakabihis na rin. Naka-blue polo shirt si Peter habang naka-baby pink na dress naman si Caine.

May date.

I shook off that idea. It's not the right time to think about that.

Dire-diretso lang akong naglakad at nilagpasan sila. Parang hindi namin nakita ang isa't-isa.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa condo ni Kyla. Pumunta ako sa 20th floor dahil nandoon sya nakatira.

Pinindot ko ang door bell at agad nya naman iyong binuksan.

"Babe!" Hinalikan nya ang pisngi ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit tinatawag nya akong 'babe'. Hinahayaan ko nalang sya dahil trip naman nya yun.

Pumasok ako at umupo sa sofa nya.

"Wait lang, magbibihis lang ako." Nakangiting sabi nya.

Tumanggo ako at binuksan ang tv nya. Nanood ako ng basketball dahil nabo-bored na ako.

Bumaba din sya pagkatapos ng ilang minuto. Naka-denim skirt sya at white shirt na may naka-print na 'sassy' sa may dibdib.

Kumandong sya sa'kin kaya napunta sa kanya ang attention ko.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt