=09=

6 0 0
                                    

I woke up to the sound of my alarm clock. Kinusot ko ang mata ko at bumangon. It's already 5:30 am.

Nagstretching muna ako bago tuluyang tumayo. Humihikab pa ako pagbaba.

"Mama!!" Sigaw ko ng may yumakap sa likod ko.

"Good morning to you too, sunshine." Peter's husky voice whispered.

Agad na naginit ang mukha ko. Naalala ko ang ginawa namin kagabi.

Agad akong lumayo at pumunta sa kusina. Nakita kong nakapag-luto na sya. Binaba ko ang tingin ko sa suot ko at nakitang suot ko na ang polo nya. Shit.

Umupo ako sa dining area at nagsimulang kumain. Si Peter naman ay sumunod sa'kin at natawa ng makita ako.

"Alam mo? Kasing pula mo 'tong kamatis na 'to." Tinuro nya ang kamatis sa plato ko.

Mas lalong naginit ang mukha ko sa kahihiyan. Parang aatakihin na ako.

"Girl! I have big news..." Humina ang boses ni Lia ng makita ako at si Peter.

"Oh my gosh! Y-you guys did it, didn't you?!" Nanlaki ang mata nya.

Bakit ba kasi bigla-bigla nalang 'tong pumapasok sa condo ko? Tss. Si Allen nanaman ang naka-alam ng code ko.

"Ang alin?" Kunot-noong tanong ni Peter.

"Duh?! The 's' word." Napasapo sa noo nya si Lia.

"Hindi, ah. Nag-inuman lang kami ni Caine. Kaso.. pfft!" Pinigilan ni Peter ang tawa nya.

"Bigla akong sumuka. Like, parang kong dinilig ng suka yung buong sala." Ako na ang tumapos ng sentence para kay Peter.

"Ahh.. dapat gumawa ka na ng move, slow mo naman, eh. Yummy pa naman yang kaibigan ko." Tinaas-baba ni Lia ang kilay nya.

"Pero, mas yummy ako." Kumindat si Lia at umalis.

Napailing ako at natawa si Peter. Hindi ko kayang tingnan si Peter sa mata dahil sa hiya. Nalagyan ko ng suka yunh pantalon nya kaya naka-ano lang sya. Alam nyo na 'yun.

"Tinitingnan mo dyan?" Nang-aasar na tanong ni Peter.

"W-wala! Maliligo na ako!" Agad akong tumayo at mabilis na naglakad papunta sa cr.

Narinig ko ang malakas nyang tawa. Buset!

Buti nalang at may naiwan ditong pantalon si Allen. Kung saan saan 'yun natutulog. Kala mo naman ay walang sariling unit.

"Kay Allen 'yan." Inabot ko sakanya iyon ng makalabas ako.

"Thanks." Kinuha nya 'yon at pumunta sa guest room.

May cr naman doon at binigyan ko na rin sya ng damit. Damit din ni Allen. Hayst. Dapat talaga hindi ko na pinapatuloy 'yun dito.

Bumalik ako sa kuwarto ko upang mag-ayos. Bagsak lang ang buhok ko at naglagay ako ng lip balm. Pagkatapos ay tiningnan ko ang selpon ko para i-check kung may nag-text.

Liana the maganda: Girl! So eto na nga 'yung chika ko na hindi natuloy. Alam mo bang pinagseselosan nung gf or fling, whateves, ni Allen si Alenna? Grabe, laugh trip kagabi. Mukhang bad trip yung girl kagabi dahil naguusap yung kambal. Kaloka!

Natawa ako at umiling. Sa tingin ko ay yung babaeng 'yun ang pinakamahabang naka-fling ni Allen. Playboy si Allen habang serious type naman si Tom. Hindi ko na nga mabilang sa kamay ko kung ilan na ang pumatol kay Allen.

Nag-reply ako sakanya ng 'lol'. Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa guest room. Lumingon ako at nakita si Peter na busy sa pagbo-butones ng polo.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now