=04=

8 0 0
                                    

"Sir, we've arrived at your house." Tawag sa'kin ng driver namin.

Tinangguan ko s'ya at lumabas na ng sasakyan. Nothing changed.

"Lucas, dear, welcome home." My mom greeted me.

I hugged her and she pinched my cheeks. Natawa si mom sa ginawa nya at sinamahan ako papasok sa bahay namin.

"Your dad is at work, he won't be able to join our dinner." Sabi ni mom.

Ngumiti lang ako at pumunta sa kuwarto ko. Iniba nila yung posisyon ng kama ko pero the rest is still the same.

Hindi rin naman ako dito magse-stay masyado dahil may sarili akong condo.

"Lucas? Let's have dinner." Tawag sa'kin ni mom.

Binaba ko ang bags ko at bumaba na. Naabutan ko si mom na hinahanda ang pagkain.

"Mom, you should let the helpers do that." Sabi ko.

Umiling si mom at sinabing kaya nya naman daw. I just let her be.

Kumain kami at pinagkuwento nya ako tungkol sa pagaaral ko sa New Zealand. Ilang taon akong hindi umuwi. Minsan ko lang din sila makausap because they were busy and so am I with my studies.

"I heard that you'll be working at Caine's family's hospital?" Nagtatakang tanong ni mom.

"Yes. It's the best hospital here." Sagot ko.

"Is your dad okay about it?" Tanong ulit ni mom.

"Yes." Sagot ko ulit.

"Is Caine okay about it?"

Muntik ko nang madura ang nginunguya kong pagkain. Iniwas ko ang tingin ko.

"I don't know." Maikling sagot ko.

Napataas agad ang kilay ni mom.

"Alam mo naman ang pinagdaanan nya diba? I don't think it's right for you to work--"

"Mom. I didn't come back here to hurt anyone. I came here to work." Seryoso kong tiningnan si mom.

Napabuntong hininga sya.

"Sana lang ay hindi ka nga makasakit. Lalo na si Caine. Naaawa pa rin ako sa batang yun. Hayy." Malungkot na tumingin si mom sa pagkain nya.

Napailing ako. Mom always adored her.

Naglalakad ako ngayon sa loob ng hospital nila Caine. Nakita ko ang mukha nya sa isang tarpulin. She donated 3 million dollars sa tatlong orphanages.

She looks different from the Caine I used to know.

Masyadong malalim ang iniisip ko kaya hindi ko napansin ng may makabangga sa akin.

"Shit!" Mura nito.

Napatingin ako sa mukha nya at nagulat ng panandalian. Agad din akong nakarecover.

"Tch. Watch where you're going." Sabi ko at tinanggala ng tingin sa kanya.

"Sorry naman, ah?" Sarkastikong sagot nito.

Agad din siyang umalis. Ni hindi man lang nya ako tinignan.

Nagtanong ako kung nasaan ang opisina ng lolo ni Caine. May nagturo sa akin at pumasok ako doon ng makitang nakabukas na ang pinto nito.

"Oh, he's here. Good Morning, Dr. Pangilinan." Bati sa akin ng lolo ni Caine.

Nakatalikod sa akin si Caine. Her hair was tied into a ponytail. Hindi rin nakatali ang shoe laces nya.

Iniabot ng lolo nya ang kamay nito at tinanggap ko naman iyon.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now