=24=

6 0 0
                                    

"We made sure to give you the highest grade possible pero.. most of them ay bumagsak pa rin." Nakatingin sa'kin ang adviser namin.

Nakatungo lang ako. Nanginginig ang mga kamay ko. I need to pull my grades up or else I'm a hopeless case.

"Sorry, ma'am. I'll do better." Nag-bow ako at umalis na sa teacher's lounge.

Napabuntong hininga ako. Biglang tumunog ang cp ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

Athena :P

"Why?" Tanong ko.

"May pa-party si Allen sa bahay nila! Wala ang mga magulang nila kaya pumunta ka na dito." Bungad ni Athena.

Medyo maingay na nga ang bahay nila. Sinabi kong susunod na ako.

"Kuya, sa bahay po nila Allen." Sabi ko sa driver ko.

Tumango lang s'ya at nagmaneho na.

Pagkarating ko sa bahay nila Allen ay medyo madilim na. Napamasahe ako sa sintido ko. Nahihilo na ako.

Naglakad ako papasok. Hindi ko mahanap ang mga kaibigan ko. Umupo nalang ako sa sala at tinext si Athena kung nasaan na sila.

Nakita ko si Lia at Allen na magkasama sa garden. Hinayaan ko nalang sila, hindi naman din matitinong kausap.

"Caine, andito ka pala!" Nagulat ako sa tumawag sa'kin.

"Peter, ba't ka nandito?"

Umupo s'ya sa tabi ko. Amoy alak na s'ya. Napailing ako, high school palang ay marunong nang uminom, ibang klase.

"In-invite ako ni Allen." Sagot n'ya.

Tumango lang ako at kumuha ng juice sa kusina. Bumalik din ako sa sala.

Tinakpan ko ang mukha ko, naluluha na ako. Sobrang dami ko nang problema. Nag-aaway sila mama at papa, na-ospital si lola, tapos bumagsak pa ang mga grado ko.

"Oy, ayos ka lang?!" Nataranta si Peter.

"Gusto ko nang sumuko. Sobrang sakit. Away kami nang away ni Lucas tapos ito pa ang nangyari. I'm losing my mind! I keep on failing simple tests. Hindi na yata ako makakagraduate."

Humikbi ako. Sunod-sunod nang tumulo ang nga luha ko.

"Gusto ko na syang pakawalan. Everyone thinks it's right. And now, I feel guilty because I'm thinking of the same thing."

"Shh. Okay lang 'yun.." Pinapatahan ako ni Peter.

"Pero.. hindi ko kaya. Kailangan ko si Lucas dahil sa kanya nalang ako humuhugot ng lakas ng loob." I smiled, inaalala ang mga masasayang ala-ala namin.

>>>

I saw Lucas kissing another girl.

Nanlulumo ang buong katawan ko. Sobrang pagod na ako. Katatapos ko lang gumawa ng home works ko. Nagkasagutan nanaman kami ni Lucas ngayon. Alam kong hindi na tama, pero hindi ko sya kayang pakawalan.

Bigla akong tinawagan ni Mom kaya sinagot ko ito.

"Mom?" Sagot ko.

"C-caine.. your lola.. she's g-gone."
Parang tumigil ang mundo. Hindi ko maprocess ang narinig ko. Hindi pwede.

"What? But, mom.. it's her b-birthday today. Papunta pa nga lang ako sa bahay nila ni lolo, eh. You're joking, right?" Pinilit kong tumawa.

"Anak, ipapasundo kita kay Peter. Your dad needs you here."

Mas lalo akong nanghina.

Binaba ko na ang tawag. Pinunasan ko ang luha ko at nagbihis.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may kumatok na sa pinto ko.

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now