=12=

4 0 0
                                    

Tumunog bigla ang selpon ko kaya binuksan ko iyon.

Johnny the great messaged you.

Binuksan ko ang messenger ko at nakitang kanina pa nya ako china-chat.

Napakakulit.

Lucas Dave: What?

Johnny the great: Babe! Ba't ngayon mo lang sinagot?! >:(

Pinatay ko agad ang selpon ko. Napakawalang kwentang kausap. Naiistorbo ako sa trabaho ko.

Sunod-sunod ang tunog ng selpon ko pagkapatay ko noon kaya napilitan akong buksan ulit.

Hindi ko naman pwedeng i-power off dahil baka may tumawag bigla tapos importante pa.

Johnny the great: Joke lang naman, pre. May masamang balita kasi akong sasabihin.

Lucas Dave: Wag na.

Johnny the great: MAY NANGLILIGAW SA EX MOOOEEE!

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Iniisip ko palang ay parang nanlulumo na ang tuhod ko. Fuck, kung umasta ako ay para akong babae. Tsk.

Hindi ko dapat nararamdaman 'to.

Lucas Dave: K.

Johnny the great: Nakow, sinasabi ko na nga ba. Wag mong bubugbugin yung lalaki, ah.

Napailing ako. Kahit ayaw ko kay Peter ay hindi ko naman sya gagalawin dahil lang sa nililigawan nya si Caine.

Lucas Dave: Sige na, may trabaho pa ako.

Johnny the great: Ingat, lalo na yang puso mo. Ehehehe.

Pasalamat sya at hindi kami magkikita ngayon, kung hindi lagot sa'kin yun.

"Doc, here's the x-ray." Abot sa'kin ng nurse.

"Thanks." Sabi ko.

Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Dr. Pangilinan."

Lumingon ako at nakita si Caine na may hawak na folder. Inabot nya sa'kin iyon. Nasa folder lang ang tingin nya.

"Chairman Guzman wanted me to give you this."

Kinuha ko iyon at binuklat. Tumanggo lang ako at umalis na sya.

Napabuntong-hininga ako. Parang nawawalan ako ng hininga kapag nasa harap ko sya.

"Okay ka lang, doc?" Tanong ng isang nurse.

"U-uh, yeah." Tumikhim ako bago bumalik sa trabaho.

"So, I got us tickets para sa isang bagong movie. I'm sure you'll like it. Then, pwede tayong mag-shopping ng matching outfits!" Masayang ini-imagine ni Kyla ang mga gagawin namin mamaya.

Pumunta sya dito para samahan akong mag-lunch. Ayaw nya kumain dun sa pinagtra-trabahuhan nila dahil hindi nya naman daw ka-close ang mga yun.

Pumasok sa canteen si Caine at Peter, may kasama pa silang isa pang lalaki. Mukhang bumisita lang din.

"Who are you looking at?" Tanong ni Kyla.

Sinubukan nyang hanapin kung sino pero masyadong maraming taong nakaharang kina Caine kaya hindi sila kita.

"Wala. Let's just eat." Sabi ko at binalik ang tingin kay Kyla.

She nodded slowly before eating.
"Hanggang anong oras ka pa? My shift is up until 2pm." She looked at her watch.

"One pm." Sagot ko.

"Okay, let's meet nalang sa mall." Pagpapasya nya.

Pagkatapos kumain ay hinatid ko sya sa parking lot.

"See you later, babe!" Hinalikan nya ang pisngi ko bago pumasok sa kotse.

Pinanood ko syang magmaneho paalis bago nagdesisyong pumasok na ulit.

Nagulat ako ng makita ko si Caine na nakatingin sa'kin. Kasama nya yung lalaking bumisita.

"Kita-kits nalang, ah. Bisita ka sa restaurant ko next time." Sabi ng lalaki.

"Don't worry, Mark. I will." Nakangiting sagot nito.

She never smiled to me like that.

Pinisil ng lalaki ang pisngi ni Caine bago umalis. Tss.

Blanko nya akong tinignan bago tumalikod at umalis.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero hinabol ko sya. Hinawakan ko ang braso nya at hinarap sya sa'kin.

"Is someone courting you?" Dire-diretsong tanong ko.

Tinitigan ko ang mga mata nya. It is the only way to know if she's telling the truth.

Akala ko ay iiwas sya ng tingin, ngunit tinitigan nya rin ang mga mata ko. Para kaming nagse-staring contest.

"Oo." Binawi nya agad ang braso nya at nilagay ang mga kamay nya sa bulsa nya.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Sino? Si Peter? Yung lalaki kanina? O isa sa mga kaibigan nya?

Kung anu-anong mga tanong ang pumapasok sa isipan ko.

Wala sa sariling pumasok ako sa ospital. Kung sinu-sino na ang mga nababangga ko.

Pumasok ako sa isang cr at hinugasan ang mukha ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

I still can't get over her.

I smiled. I guess my plan worked. She moved on from me completely. Ako nalang talaga ang umaasa pa rin.

Umaasa pa rin na mahal pa rin nya ako hanggang ngayon. Umaasa na bibigyan nya ako ng second chance. Umaasa na babalikan nya pa ako, sa kabila ng mga ginawa ko.

Bumalik ako dito para i-tama ang lahat ng kasalanan ko. I guess.. coming back here was a mistake. Hindi naman talaga ito ang plano. I had the chance to choose to stay in New Zealand, to get a nice job, have my own family, and grow old there.

Pero pinili ko pa rin sa huli si Caine. She was like the last puzzle piece that could complete me. The longer I stayed in New Zealand, the more I realized that all I really needed was her.

I always felt so empty. Kahit makita lang ang anino nya, masaya na ako. Pero, sinasaktan ko lang ang sarili ko sa ginagawa ko.

"Hannah.."

I didn't know why I called her.

She said that the reason why she kissed me was because a guy turned her down. She was really drunk and couldn't control her actions.

I completely understand her. I kept on telling her that it wasn't her fault, but everytime she sees Caine, guilt eats her up.

Sya ang pinakamagaling magbigay ng advice sa aming apat.

"Lucas, okay ka lang ba?" Gulat na tanong nya.

"Honestly? Hindi. I-It just hurts. Sa tingin mo ba dapat nagstay nalang ako sa New Zealand?"

"Shh. Don't cry. There's still time, Lucas. Caine's not going anywhere. Kung mahal mo talaga sya, gagawin mo ang lahat para iparamdam sa kanya ang pagmamahal mo."

Something about her words gave me courage.

"Thanks." Nakangiting sabi ko.

True friends are truly like treasure. They're hard to find, but worth-it to keep.

"Sus. Wag ka nang magdrama. Naiiyak ako, eh. Kaya nga sumunod ako para makita ang comeback ninyo."

Natawa ako sa sinabi nya.

"Sige na, may trabaho pa ako." Binaba nya ang tawag.

Lumabas ako sa cr at aalis na sana ng may makita akong isang banner.

'Follow your heart'




♡♡♡

Heal My Heart (Dream Team Series#1)Where stories live. Discover now