Prologue

942 109 23
                                    

Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and even incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronics or mechanical methods, without the permission of the author.

***
Hello, my story is lame and clichè, lots of typos and grammatical errors, kung hindi pasok sa panlasa mo, mag next story ka nalang 😉

-fruity🍍
___________________________________________

Prologue:

"Nak, ibigay mo muna ang tanghalian ng tatay mo" - sigaw ni Inay galing sa kusina, nasa sala ako at nag-aaral. Binaba ko ang libro at pumunta ng kusina.

"Opo Nay" - mahinang sigaw ko.
Lumabas si Inay na may dalang bayong, nasa loob ang pagkain.

"Sabihan mo ang tatay mo na, magpalit ng damit at baka ubuhin na naman siya" - sabi ni Inay at inilahad ang bayong.

"Opo Nay" - kinuha ko ang bayong sa kaniya, may dalawang tupper ware sa loob, sa ulam at kanin, may isang medyo kalaking mineral water rin.

Lumabas agad ako sa bahay namin. Maliit lang ang bahay, pagpasok sa bahay, ang maliit na sala ang bubungad sa iya, may kawayan na malapad na upuan, may maliit na tv, at may dalawang maliit na kwarto, ang kusina ay katabi ng banyo. Kawayan rin ang dingding at nipa ang bubong, tipikal na mga bahay sa bukid na ito.

"Tay, ito na po" - sigaw ko kay tatay na nasa tubuhan, nilagay ko ang dala sa parang katre sa ilalim ng mangga. Marami ang nagtatabas ng tubo, hacienda ito ng mga San Gabriel, ang pinakamayamang angkan sa Negros. Sila rin ang may pinakamalaking tubuhan dito at may iba ring pananim.

"Tay, sabi ni Nanay magpalit ka raw ng damit" - sabi ko ng dumating sa ilalim ng mangga si Tatay, matanda na si Tatay at madali ng magkasakit, madali siyang nagkakaubo dahil sa natuyong pawis.

Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang bayong
" Salamat sa paghatid nito Stancia, bumalik ka na sa bahay"

"Hihintayin ko po ang bayong tay" - tinatanaw ang lapad ng lupain ng tubuhan, sa likod nito ay kitang kita ang mga bundok, sobrang ganda.

Pumunta ang ibang nagtatabas ng tubo sa puwesto namin, oras na ng tanghalian. May mga matanda at may mga kaedaran ko rin, dito na lumaki at ito rin ang kinabubuhay ng mga tao dito.

"Oh, ambait talaga ni Stancia, hinahatid ang pagkain ni Tyong Karo" - sabi ng kasamahan ni Tatay, may katandaan na rin ito, kitang kita sa balat niya ang epekto ng pagtatrabaho sa tubuhan. Iitim talaga sa ilalim ng araw at may mga rashes rin dahil sa tubuhan.

"Mabait na ang ganda pa" - dagdag ni Kentoy, kaedaran ko, dito na nagtrabaho matapos ang Senior High.

"Bawal yang ligawan hahaha" - sagot ni Tatay, ngumiti na lang ako sa kanila.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa tubuhan at sa may-ari nitong hacienda.

"Darating daw ang mga San Gabriel, mukhang dito magbabakasyon ang mga anak nila" - sabi ng matandang babae.

Tahimik akong nakikinig. Sikat sa lugar nito ang pamilyang San Gabriel, bukod sa sila ang may ari ng pinakamalaking hacienda dito, aktibo rin sila sa politika. Mayor dito ang, pinakamatandang San Gabriel.

Minsan ko lang makita ang mga San Gabriel pag may okasyon sa mansyon nila, minsan rin akong tumulong para magkapera. Ang anak ni Don Lazaro San Gabriel ay isang tanyag na doctor sa Manila, si Lizardo San Gabriel, at ang namamahala na sa hacienda ang isa niya pang anak na si Lazaro San Gabriel Jr.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now