Chapter 12

191 41 2
                                    

"Nagmamadali nga sabi" - mas lalo siyang lumapit sa akin.

"Really? Why are you ignore all my messages?" - umatras ako hanggang sa tumama ang likod ng tuhod ko sa kawayang mesa.

"Busy kasi ako sa enrollment, sa mga requirements" - tinulak ko siya ng mas lumapit siya sa akin, tinukod niya ang magkabilang braso sa mesa, sa likod ko, kinukulong ako.

"Even one message?" - mahinang sabi niya, amoy ko ang bango niya, uminit ang pisngi ko sa puwesto namin.

"Oo nga!" - inis kong sabi, umangat ang gilid ng labi niya.

"I dont think so, so tell me why?" - mukhang nasisiyahan pa siya sa ginagawa niya.

"Alam kung busy ka rin, kaya hindi na kita iniistorbo" - busy sa girlfriend niya.

"Even if Im busy, I will find time for you" - seryosong sabi niya.

"Huwag kang ganiyan, ang girlfriend mo na lang yan ang bigyan mo ng oras at atensyon mo, magkaibigan lang tayo" - sinusubukan kong maging mahinahon, ang mga inis at galit ko nitong nakaraang lingo ay hindi para sa kaniya, para sa sarili ko, kasi alam ko, hindi na tama itong nararamdaman ko.

"Girlfriend? I don't have girlfriend" - kumunot ang noo niya, bakit pa ba siya magsisinungaling sa akin

"Yung babaeng sinasabi mo na gusto mo, diba girlfriend mo na yun?" - ayokong titigan ang mata niya, ayokong basahin ang mata niya, baka magkamali ako at umasa.

"You mean, you?" - mahinang sabi niya, gulat ko siyang tiningnan, nabibingi na aba ako

"Ha? yung babae sa video na nakahalikan mo" - baka sa dami ng girlfriend niya hindi niya na alam, puwede naman maraming magustuhan ang tao.

"What video?" - lalong kumunot ang noo niya, hindi niya ba nakita ang nakatag sa facebook niya?

"Nakatag sayo sa facebook" - umayos si Laz ng tayo, nakawala ako sa mga braso niya, nakahinga ako ng maluwag.

"I didn't open facebook these days" - dinukot niya ang mamahalin niyang cellphone, may kagat ng mansanas na logo.

"Nasa bar kayo" - umupo ako sa kawayang bangko namin, hinayaan ko siyang nakatayo at mukhang hinahanap ang sinasabi kong video.

"She's not my girlfriend, she's drunk when she kissed me" - sabi niya matapos tingnan ang video, tumabi siya sa akin ng upo.

"Hindi siya ang tinutukoy mong babae?" - parang nawala ang nakadagan na bato sa dibdib ko nitong mga nakaraang linggo.

"No, she's not her, the girl on the video is my university friend, she's drunk when thay happened" - hindi ko naman hinihingi ang explanation niya, pero gumaan ang pakiramdam ko sa narinig.

"Akala ko girlfriend mo eh" - sinubukan kong tumawa, ang lakas talaga ng appeal niya sa mga babae, hinahabol siya, ang gaganda at galing sa mayamang pamilya ang nakikita kong umaaligid sa kaniyang mga babae.

"No she's not, Im sorry" - seryosong sabi niya, ngumiti ako.

"Im very busy these past few days in Manila and that night on video is the only night I went out"

"Hindi mo naman dapat magexplain sa akin"

"I want to" - tumango ako, hindi naman talaga dapat, siguro ganoon siya kabait sa kaibigan niya nageexplain siya.

"So that's why you're acting like that to me earlier?" - halata sa boses niya na natutuwa siya, ano ba ang nakakatuwa sa inasta ko kanina, wala naman.

"Hindi nga" - sagot ko, tinitigan muna niya ako ng mariin at ngumiti.

"Okay, if you say so" - playful na sabi niya, hindi ko na siya pinansin at binuksan ko ang tv.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now