Chapter 14

199 35 2
                                    

Nagising ako ng wala na si Laz sa kuwarto ko. Kita sa bintana na madalim na sa labas, medyo gumaan na ang pakiramdam ko, hindi na ako nahihilo, bumangon ako at lumabas.

Si Nanay at Tatay sa sala na nonood ng tv, lumipat agad ang atensyon nila sa akin ng lumabas ako, tumayo si Nanay at nilapitan ako.

"Bat ka bumangon, ikaw talagang bata ka!" - sinalat niya ang Noo ko, sinilip ko ang kusina wala rin si Laz.

"Buti at bumaba na ang lagnat mo, sige magpaulan ka pa" - sermon sa akin ni Nanay.

"Kumain ka na para makainom ng gamot" - pinaghanda niya ako ng mainit na sabaw ng isda at kanin.

Umupo ako sa mesa.

"Nay si Laz po?" - hindi ko mapigilang itanong, siya nag-alaga sa akin kanina eh, oh panaginip ko lang yun?

"Pinauwi ko na, nakakahiya na sa tao, masyado na nating inabala" - nilapag niya sa harap ko ang tinolang isda.

"Sana tinext o tinawagan mo si Manda para nakauwi agad ako, mabuti na lang at pumunta dito si ser Lazaro kung hindi, hindi ko pa malaman na nilalagnat ka" - sermon niya sa akin.

"Nawala po sa isip ko, masyado kasing masakit ang ulo ko" - sagot ko, nagsimula ng kumain.

"Naku, sige kumain ka na para makapagpahinga ka na"

"Anong oras po umuwi si Laz nay?"

"Mga alas sais siguro, ayaw nga sana noon umuwi" - nakita ko pa kanina ang mga prutas na dala niya, nakaslice na ang apple at orange.

Nagpahinga ulit ako matapos kumain, tinext ko si Laz, marami nga siyang text mula kaninang umaga, huli niyang text ay kanina mga alas sais.

Laz:
Text me if you're awake, Im worried.

Ako:
Salamat sa pag-alaga sa akin kanina. Babawi ako, libre kita soimai.

Mabilis siyang nagreply, wala ba siyang ginagawa?

Laz:
How are you feeling? Does your temperature goes down?

Laz:
Have you taken your med?

Laz:
Did you already eat?

Andami naman niyang tanong, hindi ko pa siya narereplyan ng nagring ang cellphone ko, tumawag na talaga siya.

"How are you? Kumain ka na? Uminom ka ng-"

"Hep, isa isa lang ang dami mong tanong" - paos pa rin ang boses ko.

"Im worried, Answer me" - demanding sabi niya.

"Medyo okay na ang pakiramdam ko, salamat sa pag-alaga" - rinig ko ang buntong hininga niya.

"Im glad you're okay, rest well, I will now hang it up, I will see you tomorrow" - binaba niya na ang tawag, natulog lang ako ulit.

Late pa rin ako nagising kinaumagahan. Ginising ako kanina ni Nanay at sinabihan na uminom ng gamot at magpahinga, huwag maglakwatsa, nakatulog ulit ako ng umalis sila.

Kinain ko ang nakahandang almusal sa mesa, may ugong ng sasakyan sa labas ng bahay.

Binuksan ko ang kumakatok, si Laz.

"How are you feeling?" - sinalat niya ang aking noo.

"Okay na ang pakiramdam ko" - pumasok siya, dumaretso ako sa kusina, alam ko naman susunod siya sa akin.

Wala ba siyang ginagawa at ang aga niya andito. Umupo ako para bumalik sa pagkain. Umupo siya sa harap ko.

"Kumain ka na?" - tanong ko, baka hindi pa siya nag-aalmusal, tumango siya.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now