Chapter 16

187 33 0
                                    

Nagising ako ng tawagin ako ni Nanay, nakatulog pala ako sa pagbabasa, madilim na sa labas, lumabas ako.

"Bakit Nay?" - tanong ko, nginuso niya ang sala namin. Si Laz na seryosong nakatingin sa akin, anong ginagawa niya dito?

"Bakit daw po?" - tanong ko ulit kay Nanay, nagkibit balikat siya at pumasok sa kusina,  inayos ko ang magulong buhok at pasimpleng kinapa ang bibig ko baka may laway pa.

"Wala ka na bang trabaho?" - tanong ko, umupo ako malayo sa kaniya.

"Im already done for today" - seryosong sabi niya, nakasuot pa rin kasi siya ng polo at pants.

"Ahh" - wala akong ibang masabi, gusto ko siyang tanongin tungkol sa fiance niya pero baka wala ako sa lugar para manghimasok sa buhay niya at tanungin siya ng mga pribadong bagay.

Wala rin nakuwento si Nanay na may ganoong balita sa mansion, hindi ko alam kung maniniwala ako kay Elyse, oh hindi pa lang inanunsyo ng San Gabrile ang engagement nila o gawing pribado, hindi ko alam. Ayokong isipin, marami pang bagay na dapat kong pagtuonan ng pansin at hindi ang buhay ni Laz.

"Did your class end early today?" - tumango.

"Oo, hindi pumasok ang prof sa last subject" - bakit andito pa siya kung may fiance na talaga siya, bakit pumupunta siya dito sa amin, sobrang concern at bait niya sa akin na minsan ay nabibigyan ko na ng kahulugan kahit na hindi dapat.

May mga nagtangkang nanligaw sa akin noong high school at kahit papano ay alam ko ang paraan ng diskarte nila, si Laz ay parang libro na hindi ko kayang maintindihan, minsan sa tingin ko higit pa sa pagkakaibigan ang pinapakita niya sa akin o assuming lang talaga ako at ganoon lang talaga siya mga kaibigan niya. Naguguluhan ako sa kaniya pati na sa sarili ko.

"I will leave tomorrow for business seminar, I will be gone for 4 days" - seryosong sabi niya.

"Ahh Okay" - maikling sabi ko.

"Why are you like that?" - taka ko siyang tiningnan, nakakunot ang noo niya.

"Like ano?" - tanong ko.

"Never mind, I will not stay long I have things to do" - seryosong sabi niya.

Nagpaalam lang siya kina Nanay at Tatay at umalis na. Yun lang ang pinunta niya dito? Puwede naman niyang itext na lang na aalis siya.

Tuloy pa rin ang stress sa school, nagsasabay ang mga reportings at quizes, nasa library kami ng kagroupo ko sa Child and Adolescent Development at nag brain storming sa reports namin.

"Ako na gagawa ng power point at isend niyo lang sa akin ang mga important outline ng topics niyo" - sabi ni Kresta, nagpresenta may laptop kasi sila

"Ang mga check up question ay subukan nating sagutin, baka yun ang itanong ni Miss Sandy" - sabi ko, lima kami sa groupo at nagbunutan kami sa sub topics.

"Sige, kung may tanong pa "

"Excuse me" - naputol ang sasabihin ni Kresta ng lumapit si Elyse sa mesa namin, ano naman ang kailangan niya?

"Let's talk" - supladang sabi niya sa akin.

"In private" - diing sabi niya at tiningnan ang mga kagroupmates ko.

"Ang maldita naman niyan" - rinig kong bulong ni Abbygail, katabi ko.

"Okay lang Stancia, tapos na rin naman tayo" - sabi ni Kresta, niligpit ko ang gamit at tumayo.

"Kita na lang tayo sa room" - paalam ko, vacant lang namin ngayon, may klasi pa kami ng 1 pm.

Sumunod ako kay Elyse na lumabas ng library, maraming estudyante sa benches sa harap ng library, akala ko doon ang punta niya pero lumiko siya, huminto siya sa likod ng education building.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now