Chapter 29

171 13 1
                                    

"I will make you mine again" - seryosong sabi niya

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa pagkain. Nakapalumbaba siya sa harapan ko.

"Titigan mo lang ba ako hanggang maghapon?" - asik ko sa kaniya, wala ba siyang ibang gagawin?

"I will make sure you won't slip away again" - so ganoon, babantayan niya ako kahit saan man ako magpunta?

"Kumakain ako, umalis ka na hindi ako aalis dito!" - inis na sabi ko, mukhang hindi ko madigest ang kinakain ko dahil sa kaniya.

"I will stay wherever you are" - seryosong sabi niya.

"Kung ayaw mong umalis, di huwag!" - tumayo ako at niligpit ang pinagkainan ko, konti pa lang ang nakain ko, uuwi na lang ako at kakain ng marami sa bahay na walang asungot.

Pumunta ako sa lababo para hugasan ang plato ko. Nakakainis, hindi ba siya nakakintindi?

"Ayy palaka!" - siniko ko ang kamay na humawak sa bewang ko.

"Ano ba!" - hinarap ko siya, bat ang clingy niya?

"Hmm?" - mas hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko.

"I missed you" - malambing na sabi niya.

"Bitawan mo nga ako!" - inis na sabi ko, may bumalatay na pamilyar na pakiramdam sa sistema ko dahil sa hawak niya, at ayoko sa pakiramdam na yun!

"No!" - inapakan ko ang paa niya, napa atras siya sa gulat.

"Hindi mo ba alam ang personal space!?" - inis na sigaw ko sa kaniya, lumabas ako sa kusina, wala na akong pakiealam sa plato ko sa lababo.

Nadatnan ko sila Tiya Salve at Jessel
sa Sala, kausap ang wedding organizer nila.

Lumapit ako kay Jessel sa sofa. About sa pictorial before magpunta si Jessel sa simbahan ang pinag-uusapan nila, bukas na ang big day.

Wala siyang bridal shower, gusto niya lang na kaming tatlo ang magkasama, catching up.

Tahimik akong nakikinig para gagawin bukas, ako ang maid of honor,  ako ang mag-assist sa bride bukas. Mahaba ang magiging araw namin bukas, engrande ang kasal, sa bakuran nila ang reception, lilipad agad sila kinabukasan para sa honeymoon.

Tumabi si Laz sa sofa na iniupu-an ko, hinayaan ko siya.

"Dapat ay mag beauty rest ka mamaya para fresh at blooming ang look mo bukas" - sabi ng make-up artist ni Jessel, kasama nito ang nagtatahi ng wedding gown niya.

Siniko ko si Laz ng umakbay siya sa akin.

"Damn! My baby is an amazon" - bulong niya, hindi niya tinanggal ang kamay niya.

"Tumahimik ka nga!" - mahinang saway ko sa kaniya,  napatingin ang wedding organizer sa amin, inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Mukhang may susunod na ikakasal ha, kontakin niyo ulit ako!" - masayang sabi niya, umiiling ako sa kaniya, tiningnan nila kaming lahat, tinaasan ako ng kilay ni Jessel nagtatanong.

"Nagkakamali kayo-"

"We'll contact you soon" - umakbay ulit siya sa akin, siniko ko ulit siya.

"Ano ba pinagsasabi mo?" - inis na sabi ko sa kaniya.

"Ayy gusto ko yan! Soon na ba?" - masayang sabi ng bakla.

"Hindi, huwag kayong maniwala sa kaniya, nabubuang na yan" - tumawa ako, nagtatanong na tingin ang pinukol sa akin ni Jessel.

"Boyfriend mo pala itong si Laz, Stancia? Akala ko taga Manila ang boyfriend mo" - mukhang naguguluhan din si tiya Salve.

"Hindi po tiya"

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now