Chapter 15

188 30 0
                                    

" I have something to say" - seryosong sabi niya.

"Ano yun?" - tanong ko, umiwas siya ng tingin.

"Never mind, I will tell you next time" - kumuha siya ng pizza at kumain.

"Ewan ko sayo, kung may sasabihin ka, sabihin mo, hindi yung magsasabi ka ng may sasabihin ako pero hindi mo naman itutuloy, nag-anticipate ako eh" - mahabang linta ko sa kaniya, seryoso lang siyang tumingin sa akin, ang tingin niya ay parang naninimbang.

"I will tell you next time" - sagot niya.

"Ikaw bahala" - kumuha ako ng french fries. Nitong mga nakaraang araw na tambay namin dito ay iba't-ibang pagkain ang dala niya, nariyan na nagdala siya ng buong cake, akala ko may birthday eh.

Kasabay ng pagbago ng panahon ay ang pagbago rin ng takbo ng buhay ko, hindi madali ang maging college student, kailangan ng adjustments at time management, lalo na isang biyahe mahigit papuntang Mount Carmel, kailangang bumangon ng maaga.

Naninibago sa bagong environment sa college, bagong mukha at sorrounding, mabuti na lang ay nandito ang mga kaibigan ko at may nakakasama ako sa lunch.

"Ang terror, mukhang magkakaroon ako ng heart attack pagbubunot na ng index card si Prof. Dela Cruz" - nasa cafeteria kaming tatlo ni Maria at Jessel, lunch break lang namin nakakasama si Jessel, magkaiba ang schedule niya sa schedule namin ni Maria.

"Nagdadasal nga ako na sana hindi ako mabunot eh" - puno ang mga table ng mga estudyante sa iba't-ibang department.

Mag-iisang lingo na simula ng magsimula ang pasukan, nag commute kami palagi pauwi at papauntang campus. Mabuti na lang at hindi pa ay wala pang masyadong binibigay na lesson, pero laging may oral.

Alas tres ng hapon ang last subject namin ni Maria, alas singko naman kay Jessel, kaya lagi kaming nauunang umuwi kesa sa kaniya.

Nag-aabang kami sa gate ng masasakyan, may nagbebenta ng siomai , tempura at scramble sa gilid ng gate.

"Diba sasakyan ni Laz yun" - tinuro ni Maria.

"Wala naman siyang sinabi na pupunta siya dito" - simula ng pasukan ay minsan na lang kami nagkikita, parehong busy, pero nagtetext pa rin kami.

Pero wala siyang text na pupunta siya dito, lumabas siya ng sasakyan at tumawid ng kalsada.

"Ang sweet naman ng friend, sinusundo" - pang-aasar ni Maria, mahina niya akong siniko.

"Baka may dinaanan" - sabi ko, umayos kami ng makalapit si Laz sa amin, suot ang polo shirt at black pants, sinalubong niya kami ng ngiti.

"Bat ka andito?" - tanong ko, hindi ko naman sinabi sa kaniya ang schedule ko, ang ganda naman ng timing niya.

"To fetch you, I was on my way home so I stop by"- seryosong sabi niya, pekeng umubo si Maria sa gilid ko.

"Sige Stancia, una na ako sa inyu, Laz" - kumaway siya.

"Sumabay ka na sa amin pauwi" - hinawakan ko ang braso niya para hindi siya makalakad.

"Hindi na, may date ako eh" - kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya, pinanliitan ko siya ng mata, wala naman siyang sinabi kanina ha.

"Wala ka namang sinabi kanina ha, sama ka na lang sa am-"

"Nagtext ang ka M.U ko, kanina lang, sige na bye" - pinara niya ang dumaang tricycle , wala akong nagawa kundi ang kumaway sa kaniya.

"Parang biglaan naman yata ang date niya" - bulong ko habang tanaw siyang sumakay ng tricycle.

"Come on" - sumunod ako sa kaniya sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot agad para makasakay siya.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now