Chapter 8

228 60 4
                                    

"And your changing the topic!" - bumalik ulit siya sa pagyuko sa akin, napahawak ako sa dibdib sa gulat, aatakihin yata ako sa lalaking to.

"Ikaw kaya!"- bawi ko, bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Why did you give your number to that guy huh? You like him? You like small eyes?" - napatawa ako sa sinabi niya, small eyes?

"Chinito tawag dun" - tawa ko, umangat ang gilid ng labi niya.

"Your changing the topic again!" - inis na sabi niya, ganoon pa rin ang puwesto namin.

"Hindi ko binigay number ko okay?" - sabi ko, para tantanan niya na ako.

"Dont fool me my lady, I saw you typing on his fucking phone" - inis na sabi niya, tumawa ako, naalala ang ginawa ko.

"Hindi ko naman number nilagay ko doon, random number lang ang tinype ko doon" - sabi ko na tumatawa, umaliwalas naman ang mukha niya.

"Tss, youre unbelievable" - sabi niya.

"Oo nga" - tawa pa rin ako ng tawa. Nanatili siyang nakatanga sa mukha ko, umayos ako.

"Really?" - tumikhim ako at tumango.

"Tss. Im worried for nothing" - mahinang bulong niya pero rinig ko parin. Umayos siya ng tayo.

"Let's go somewhere else" - sabi niya. Umiling ako.

"Kailangan ko pang tumulong sa party, balik na tayo, hinahanap ka na doon panigurado" - sabi ko, tumitig lang siya akin, nakakailang ang titig niya.

"Its boring, lets just go somewhere else, for sure they didnt notice that were gone" - kibit balikat niya. Boring daw pero diba nga yun ang buhay niya sa Manila, ang party.

"Imposible hindi ka hanapin, baka nga hinahanap ka na ni Maam Stella" - dikit na dikit pa naman yun sa kaniya.

"Let her be, Im tired of her drama" - sabi niya.

"Tara na, kanina pa siguro ako hinahanap doon" - baka galit na sila ate doon, iniwan ko sila.

"Tss" - una akong bumaba sa mansion.

"Ser Laz, kanina ka pa hinahanap ni Maam Stella, galit na nga eh" - salubong sa amin ni Aleng Soledad pagbaba, tumingin sa akin si Aleng Soledad, nagtataka siguro bat kami magkasama.

"Pupuntahan ko lang siya" - tumingin muna siya sa akin at umalis.

"Tumulong ka na rin muna doon Stancia" - umalis rin agad si Aleng Soledad, busy.

"Pasensya na natagalan" - sabi ko sa katabi ko, patapos ng kumain ang ibang bisita. Mag alas nuwebe na ng gabi ng magsimula ang sayawan, pinangunahan ng Don at Maam Relanie.

Lumingalinga ako, nahinto ang tingin ko sa  dalawang mata na nakatingin rin sa akin, si Laz. Katabi niya si Maam Stella na kinakausap siya pero nasa iba ang tingin niya. May pagkain rin sa mesa nila, baka kinuhaan na siya kanina.

Binalik ko ang tingin sa dance floor, marami na ang nagsasayawan, nilabas na rin ang mga wine.

"Stancia, paki tulungan naman sa wine" - nilahad ni Ate Manda ang tray na may mga baso ng wine. Kinuha ko.

"Ilibot mo lang, bigay mo sa bisita, balik ka dito pag ubos na ha, kunin mo rin ang mga flute pag wala ng laman" - umalis agad siya, sumunod ako papunta sa mga mesa.

"Hey, Can I have the wine?" - bingyan ko ng isa ang lalaki. Ngumiti siya.

"Thank you, you can pass to be a model. Morena beauty, sikat ngayon ang mga morena." - hindi pala lalaki, binabae pala. Naglahad siya sa akin ng maliit na card.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon