Chapter 17

163 17 0
                                    

Hinila niya ako paalis sa gymnasium at palabas ng gate, nakasunod lang ako sa kaniya. Marami akong tanong sa kaniya, Bakit siya nandito, bakit galit na galit siya na niyakap ako ni Carlos, binuksan niya ang sasakyan at pinasakay ako.

Umiigting ang panga niyang nagmamaneho at diin ang hawak niya sa manobela, may nangyari ba at galit na galit siya?

"Saan tayo pupunta?" - hindi ko mapigilang itanong, hindi niya ako pinansin at seryoso lang siya nagdrive.

"Laz" - tawag ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako at binalik agad ang mata sa daan, hindi ko mabasa ang iniisip at galaw niya, ano bang nangyayari sa kaniya?

Pinark niya ang sasakyan sa gilid ng seawall, kinalas niya ang seatbelt niya.

"So that's why you're not replying to my text because you're busy with your boy?" - madiing tanong niya, kita sa mukha niya nagtitimpi lang siya.

"Nasa acquaintance party ako, hindi ko nababasa ang mga text mo" - sagot ko, tumaas ang gilid ng labi niya.

"You even wore that?" - may pag-uuyam sa paraan ng tingin niya sa damit ko, inayos ko ang slit.

"To impress that boy huh?" - galit na sabi niya.

"Ano bang nangyayari sayo? " - hindi ko na mapigilan, ngayon lang kami nagkita ulit tapos ito ang sasabihin niya sa akin.

"You even hugged that boy!" - tumawa siya ng pagak.

"Bakit noong nakita kitang may kahalikan nagalit ba ako? Ano ngayon ang ikinagagalit mo?"

"I don't insist those kisses, but you returned the fucking hug to that boy!" - ginulo niya ang buhok niya.

"Ano ba ang kinagagalit mo ha? Eh ano naman ngayon kung yakapin ko si Carlos, sa akin na yun, labas ka na don" - ang mga tinimpi kong nararamdaman sa kaniya ay sumabog na.

"I know it's none of my fucking business, but damn!" - hinampas niya ang manobela. 

"Ano ba nangyayari sayo?" - mahinang tanong ko, ayokong mas magalit pa siya, kita ko ang ugat sa kamay niyang nakahawak sa manobela.

"Fuck! Im jealous, Im fucking jealous, you know that? " - galit na galit ang tingin niya sa akin, nagseselos siya? bakit siya magseselos? ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"I don't like other male flirting with you and worst if they go physical at you"

"Bakit ka nagseselos?"- mahinang tanong ko sa kaniya pati sa sarili ko. Matalino ba talaga ako tulad ng sabi ng iba? Bakit hindi ko alam na ganiyan pala siya. Bakit hindi ko siya mabasa at magets.

"Because Im falling to you, No because I love you" - seryosong sabi niya. Ang lakas ng pintig ng puso ko, tama ba ang narinig ko?

"Ano?" - baka mali lang ako, sabi niya may nililigawan siyang babae, paano rin ang fiance niya.

"I love you" - mahinahon at mahina niyang sabi, tinitigan niya ako, humupa na ang galit sa mga mata niya.

"I said I love you" - gulat ko lang siyang tiningnan.

"Damn! I know you're shock but please say something" - kinuha niya ang kamay ko.

"May nililigawan at fiance ka" - ngumiti siya sa akin.

"The girl I've been talking to you? It's you" - hinalikan niya ang likod ng kamay ko.

"Nanliligaw ka?" - yung mga pagpunta niya sa bahay at pag-aya sa akin magpicnic, ang mga pasalubong niyang pagkain at itong bracelet ay nanliligaw na siya? Bakit hindi ko nabasa noon? Kasi nakatatak na sa isip ko na may nililigawan siya, ako yun.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat