Chapter 26

161 11 1
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko ng nakasakay ng taxi, wala na akong gana magparty ngayon, uuwi na lang ako at matutulog.

Tinext ko lang si Brandon nakauwi na ako, nakalimutan ko ang tungkol sa kaniya.

Funny, this was his life before and now it's mine, party and booze. Bars makes me my mind busy and booze help me sane from my past. This is my way of coping up to life, to feel alive again, to enjoy life again.

"Okay ka lang?" - tanong ni Jessel, nakavideo call kami, pinapakita niya sa akin ang mga flowers na pagpipilian niya.

"Of course" - ngumiti ako

"anyway, ano ba talagang maganda ito oh ito?" - inangat niya ang calla lilies and tulips.

"Ano ba gusto mo diyan?" - balik na tanong ko.

"Parehong maganda ang hirap mamili" - sagot niya, tumawa ako.

"Flowers pa lang pinagpipilian mo, stress ka na? Huwag mo na lang kayang ituloy ang kasal" - sabi ko, inirapan niya ako.

"Wala kang kuwentang maid of honor" - sabi niya.

"Joke lang, yung may magandang meaning ang piliin mo" - pambawi ko

"Minsan wa kang kuwenta kausap, alam mo yun" - tumawa ako.

Nitong mga nakaraang araw ay busy na siya sa nalalapit na kasal niya, mukhang nagmamadali sila, ayaw na siguro siyang pakawalan ni Gino.

Ang aso't pusa noon ay ikakasal na ngayon, ang indenial queen ay umamin na rin.

"Umuwi ka na kasi dito" - sabi niya, pinipilit niya akong umuwi nitong mga nakaraang araw para sa preparation ng wedding niya.

"May trabaho pa ako, yung leave ko sa araw ng kasal lang inapprove, alam mo naman gusto kitang tulungan" - sagot ko, nagpout lang siya, alam naman niya na hindi inapprove ang leave ko sana para matulungan siya, 3 days leave lang ang na approve at sa kasal na.

"Pag ikaw hindi makakapunta sa wedding ko, susugurin talaga kita diyan!"

"Pupunta ako, okay?"

"Dapat lang!"

Humaba pa ang pag-uusap namin tungkol sa kasal niya, excited na talaga siya. Masaya ako para sa kaniya, gusto kong ipakita ang suporta ko sa kaniya pero may trabaho pa ako.

Pumasok ako sa paborito kong café , tapat lang ng building namin. Dumaretso ako sa counter.

"One Tall Cinnamon Roll Frappuccino" - agad na order ko, I want to taste something new.

"Name po ma'am?"

"Stancia, thank you" - Mabilis na tumalima ang crew para sa order ko, umupo muna ako sa pinakamalapit na mesa.

As usuall madaming tao sa café, may kaniya kaniyang mundo habang umiinom ng kanilang kape, coffee makes everything all right.

Kinuha ko ang cellphone para abalahin ang sarili ko habang hinihintay ang order ko. Inopen ko ang instagram ko, pinicturan ko ang counter at pinost sa story.

"Constancia?" - tiningnan ko ang tumawag sa akin.

"Elyse Mendoza?" - formal na tanong ko, linapitan niya ako, kita ang umbok na tiyan niya.

"Can I sit?" - tumango ako, umupo siya sa harap ko.

"How are you, you're here pala in Manila?" - tanong niya, ngumiti ako.

"Im fine, for almost 5 years" - ngumiti rin siya, kita ko ang pagbabago sa kaniya, hindi na siya ang maarte at maldita noon.

"Congratulations" - sabi ko, ngumiti siya at hinaplos ang tiyan.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu