Chapter 28

166 11 1
                                    

Napatingin sila sa akin ng bumalik ako sa table.

"Okay ka lang?" - agad na tanong ni Jessel, tumango ako, kumuha ako ng tubig at uminom, pinakalma ko ang sarili ko.

"Oo, okay lang" - sagot ko, tinitigan muna nila ako bago nagsibalik sa kuwentuhan nila.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Laz, wala ba talagang kasalan na naganap? Ang anak niya, magulo ang isip ko.

Seryoso siyang umupo sa harap ko, tinitigan niya ako, bumaba ang tingin ko sa kamay niya, walang singsing, pero hindi ibig sabihin na hindi siya kasal, puwedeng tinanggal lang niya.

"You don't know?" - seryosong tanong niya sa akin, napahinto ang pag-uusap nila Gino at Kentoy sa gilid niya at tiningnan si Laz na nagtataka.

"Ang alin?" - takang tanong ni Jessel, pero nasa akin pa rin ang mata ni Laz, gusto niya bang guluhin itong mini reunion namin?

"Im asking you Stancia" - napatingin silang lahat sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko, ayokong masira itong araw na to dahil sa issue naming dalawa.

"Ano bang nangyayari?" - tanong ni Jessel, pero walang sumagot sa kaniya, ina-antay nila ang sagot ko kay Laz.

"Answer me Stancia!" - nagpabaling baling ang tingin nila sa amin ni Laz.

"Hindi na importante yun! Huwag mong sirain ang araw nato" - sagot ko, hinawakan ni Maria ang kamay ko, pinapakalma ako.

"It's important and I need to know" - huminahon ang boses niya.

"Ano ba ang nangyayari Stancia?" - mahinang tanong ni Maria sa akin, hindi ko siya nilingon, nakipagtitigan ako kay Laz.

"It's all in the past, it doesn't even matter to me" - sagot ko sa kaniya.

Ayaw ko sanang sa harap nila kami magkasagutan pero ayokong kaming dalawa lang ang mag-usap, kini-corrupt niya ang utak ko. Mabuti ng sa harap nilang lahat para malaman ko kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo.

"I didn't marry Ellen Mendoza and Im not the father of her child" - kita ko sa mata niya na sinusubukan niyang magtimpi.

"Even if it's yours or not, even you marry her or not, I don't care!" - inis na sigaw ko, tumayo ako at umalis.

Hinawakan ni Jessel ang braso ko at hinila papasok sa bahay nila, tahimik na sumunod si Maria sa amin.

Tahimik nila akong hinila papunta sa second floor ng bahay, pumasok kami sa kuwarto. Rinig kong nilock ni Jessel ang pinto, pinaypayan ko ang sarili ko.

"Sorry Stancia, sana hindi na lang ako pumayag na imbitahan ni Gino si Laz" - tumabi sila ng upo sa akin sa kama nila.

"Okay lang, hindi mo naman kasalanan" - sagot ko.

"Ano ba ang nangyari?" - takang tanong ni Maria

"Bigla na lang siya nagpakita sa akin sa Manila at sabihin na gusto niya kaming magbalikan" - kinalma ko ang sarili ko.

Tahimik silang nakatingin sa akin. Naghihintay ng kuwento ko.

"Matagal na akong nakamove-on sa kaniya, alam kong kasal na siya at may anak, wala akong plano na maging kabit!" - inis na sabi ko, na-alala ko ang encounter namin.

"Bakit? Hindi na ba siya kontento sa asawa niya? Tulad ng ginawa niya noong kami pa!" - hinawakan ni Jessel ang kamay ko.

"Totoo ang sinabi ni Laz,  Stancia" - umiiling ako, bago ako umalis ay balita na ang kasalan nila.

"Hindi totoo yan, alam mo yan Jessel, ikaw ang nabalita sa akin noon, alam niyo yan!" - inis na sabi ko.

"Noong umalis ka ay hindi natuloy ang kasal, balita sa bayan ang pagtanggi ni Laz" - wala akong alam, sabagay wala akong balita

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now