Chapter 21

141 10 0
                                    

Maaga akong ginising ni Nanay kinabukasan. Hinanda ko ang mga gamit ko sa bag na dadalhin ko sa mansion.

"Huwag kang magulo sa library at baka mapagalitan ka" - pa-alala ni Nanay bago pumasok sa maids quarter.

"Magandang umaga po Aleng Soledad" - bati ko ng pumasok sa kusina, naghuhugas ng plato.

"Stancia ikaw pala, andiyan na ba nanay mo?" - nilagay niya ang tapos na hinugasan sa gilid ng lababo.

"Opo nasa maids quarter po" - sagot ko

"Bat may dala kang bag?" - tanong ni Aleng Soledad

"Gagawa sana ako ng research sa library, alam po ni Laz" - pa-alam ko kay Aleng Soledad.

"Ganoon ba? Pumunta ka na lang doon"

"Andiyan po ba sila Ma'am Relanie?"

"Wala, noong isang linggo pa sila sa Manila, bakit Stancia?" - umiling ako.

"Baka po andiyan, magpapa-alam lang po ako"

"Okay lang naman, kilala ka naman dito sa mansion, ano kaba! Alam naman ni Sir Laz, Simulan muna yang project mo" - bumalik siya sa paghuhugas, nagpasalamat lang ako at umakyat na.

Bumangad sa akin ang dalawang matatas na book shelves sa magkabilang gilid, minsan na rin ako nakapasok dito, pag pinapalinis ni Aleng Soledad, lagi akong namamangha sa dami ng libro nila, abot hanggang ceiling ang shelves nila, may study table sa gitna at may pc sa tabi ng bintana, dumaretso ako doon.

Sinimulan ko agad, nagsearch ako ng reliable sources, mga article at research paper sa internet.

Nag-unat ako matapos kong icompile ang nasearch ko, chineck ko pa isa isa at gumawa ng summary. Biglang bumukas ang pinto,  hindi ko pinansin at pinagpatuloy ang pag encode ko, baka si Nanay lang chinicheck ako. Rinig ko ang yabag ng sapatos na papalapit, lumingon ako sa likod, nagulat ako halik ni Laz sa labi ko.

"Ano ba!" - ngumiti lang siya at hinalikan ang noo ko.

"You didn't told me you're already here" - tumayo ako sa computer chair.

"Baka kasi tulog ka pa"- naka formal attire siya.

"I was up very early" - umupo siya sa computer chair at kinabig ako pa upo sa harap niya.

"Baka may pumasok!" - ngumiti lang siya, yung playboy na ngiti.

"I locked the door" - pilyong sabi niya, hinampas ko ang dibdib niya.

"Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko"

"Finished it, I will just stay here"

"Wala ka bang lakad ngayon? Meeting?" - umiling siya.

"Im done already for today" - hinalikan niya ang tungki ng ilong ko, alas diyes pa lang.

"Kakauwi mo lang?" - akala ko ay paalis pa siya ng mansion

"Yes, now finish what your doing"

"Paano ko tataposin kung ganito ayos natin?"

"Stand baby" - tumayo ako mula sa pagkakaupo sa hita niya.

Hinawakan niya ang bewang ko at pinatalikod at inupo ulit sa hita niya.

"There" - bulong niya, kaharap ko na ang computer niya.

"Hindi ako makakapagfocus nito" - nilingon ko siya, pero ngumiti lang siya.

"I will not do anything, I promise" - pinatong niya ang ulo sa balikat ko, wala akong tiwala sa sinabi niya. Nasa tiyan ko na ang kamay niya.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant