Chapter 18

143 12 0
                                    

"Grapes" - kumuha ako ng grapes at sinubo sa kaniya, naka unan siya sa hita ko. Hinayaan ko siya dahil gusto niya daw na magpahinga, dalawang linggo na simula noong naging kami. Sa loob ng dalawang linggo na yun ay wala siyang mintis sa pagsundo sa akin at kapagweekends ay dito kami sa paborito naming tambayan.

Hindi alam ni Nanay at Tatay, ang paalam ko sa kanila ay gagawa ng report sa isang subject. Wala akong balak na magsinungaling sa kanila pero ayaw ko rin ipa-alam, alam ko ang kahahantungan pag sinabi ko.

May nakaukit na puso sa katawan ng akasya, inukit ni Laz noong nakaraang linggo may nakalagay na L ♥ S. Hindi ko na mabura, nasanay na ako sa lagi naming ginagawa dito, mag-uusap tungkol sa pag-aaral ko at sa trabaho niya.

Purely bliss at inner peace yan ang nafefeel ko pag magkasama kami, sobrang lambing niya sa akin pag kaming dalawa lang.

Inihatid niya ako sa bahay ng maghapon, hawak kamay kaming naglalakad sa malawak na lupain at sa mga talahiban, binitawan ko agad ang kamay niya ng malapit na kami sa mga kabahayan, hindi niya na pinilit ang gusto niya.

"See you tomorrow" -nasa tapat na kami ng bahay namin, tinulak ko siya ng mas lumapit siya sa akin.

"Can I get a goodbye kiss?" - mabuti na lang at malayo ang mga kapitbahay namin at walang tao sa labas.

"Baka may makakita sa akin, pasok na ako, ingat ka" - hindi ko na siya hinintay na magsalita, tumakbo na ako papasok sa bahay.

Nakasalubong ko si Carlos pagpasok ko sa classroom namin, 1st subject, palabas siya. Simula noong nangyari sa acquaintance party ay hindi na niya ako masyadong pinapansin, hindi rin naman siya nagtanong sino si Laz.

"Excuse me" - gumilid ako para makadaan siya.

Umupo ako sa tabi ni Maria na busy sa pagrereview, nagreview na ako kagabi para sa long test namin.

"Alam ko yun eh, nakalimutan ko lang ang term, sana nakapassing score ako" - sa bench kami nakaupo naghihintay ng next subject kasama ang iba naming classmate.

"Mabuti pa itong si Stancia, chill lang pero one mistake lang" - ngumiti lang ako kay Kresta, ako lang sa klase namin ang nakapassing score, mahirap talaga magbigay ng test si Prof Dela Cruz, nakakasunog ng kilay.

May isa talagang subject sa college na makakasira sa pangarap natin, may prof talaga na kung makapagbigay ng test ay parang nangbabagsak.

"Inspired yan eh" - asar sa akin ni Abbygail, tumawa ako. Mukha ni Laz ang pumasok sa isip ko, noon ang pamilya ko ang inspirasyon ko, ngayon nadagdagan na.

Gusto ko kung maging worth it kay Laz na kahit na malayo ang agwat namin sa buhay ay may ipagmamalaki niya na girlfriend niya ako soon.

"Binasted mo ba si Carlos, pansin ko hindi ka niya masyadong pinapansin ngayon" - mabait sa akin si Carlos, nagkukuwentuhan kami bago at matapos ang klasi, ngayon ay ilag na siya, naiintindihan ko naman.

"Oo nga" - segunda ni Janine, hindi ko sila sinagot. Baka isipin ni Carlos na pinagkakalat ko na binasted ko siya, mga gantong bagay ay dapat pribado lang.

Kinuwento ko kay Maria ang nangyari noong acquaintance party maliban sa nangyari sa amin ni Laz.

"Ang bait pa naman sana ni Carlos, nililibre niya tayo lagi ng siomai sa labas" - yun ang sinabi ni Maria noong kinuwento ko sa kaniya, mukhang mas naghihinayang pa siya sa libre kesa friendship namin ni Carlos.

"Siguro boyfriend mo yung palaging sumusundo sayo no? Nakita kita minsan na pumasok sa sasakyan, kaya mo binasted si Carlos" - pinagsabihan ko si Laz na pagsusunduin niya ako ay huwag na siyang lumabas ng sasakyan, baka may makakakita pa sa amin.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Where stories live. Discover now