Chapter 13

216 39 2
                                    

Simula ng kumilimlim ang langit, nagbabadya ng umulan, patapos na ang summer at tig-ulan na naman. g

"Uwi na tayo, uulan na oh" - tinuro ko kay Laz ang langit, nasa ilalim kami ng puno.

Niligpit ko ang mga tupperware, nagpicnic kami, sabi niya gusto niyang tumambay dito, at samahan ko siya, mukhang stress na talaga siya sa trabaho niya.

"mamaya na tayo umuwi" - tinuko niya ang braso sa ulo at tumingin sa akin, nakahiga siya sa dala niyang tela.

"Bahala ka, kung uulan iiwan talaga kita dito" - hindi ito ang una naming picnic sa ilalim ng puno, tuwing weekends ay inaaya niya ako dito, pampalipas oras at pampawala niya daw ng stress sa trabaho niya.

"Hindi ko hahayaang iwan mo ako dito" - seryosong sabi niya, umirap ako at umayos ng upo ng matapos ko na ipasok sa basket ang mga tupperware.

"Mag aalas kuwatro na oh" - tiningnan ko ang cellphone ko, wala namang text, si Laz at sila Jessel at ate Tanya lang naman ang nagtetext sa akin.

"Let's stay for a while " - tumihaya siya at tinanaw ang langit, ang ganda niya pagmasdan sa puwesto niya ngayon, ang aliwalas ng mukha niya, ang tangos ng ilong , kapal ng kilay, maninipis na labi, mukha siyang modelo na nagpipictorial.

"Take a picture, it will last long" - uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, masyado na siguro akong nakatitig sa kaniya.

"Mukha kang model sa ayos mo" - ngumiti siya at tiningnan ako.

"Really?" - tumango ako.

"Hindi ka ba nagmomodelo sa Manila?" - sa tindig at porma ay puwedeng puwede siya sa larangang yun.

"No, not my type" - humiga rin ako sa picnic mat.

"If you're on Manila, the agencies will flock to hire you" - kita ko ang mga dahon ng puno at mga ibon nakapahinga sa mga sanga nito.

"Ano naman ang role ko? Ako yung germs sa safeguard at lamok sa baygon?" - tumawa ako, na-alala ko noong party ng Don na bingyan ako ng card, nasa akin pa rin ang card, nakatago.

"You even pass to be international model, runaway model" - ni wala ako sa kalingkingan ng mga modelo sa Manila, may pumapansin ba sa morena at kulot?

"Nambola pa, ikaw nga tong puwede eh, hindi mo talaga nasubukan kahit minsan?" - tanong ko, tinukod ko ang braso patagilid para makita siya, nasa gitna namin ang basket.

"No, Its not my thing" - sabagay party ang buhay niya sa Manila, hindi ba siya nangarap na sumikat?

"Hindi ka ba nirecruit sa bahay ni kuya?" - baka marami ang lumapit sa kaniya pero ayaw niya talaga, for sure naman ay maraming gustong kumuha sa kaniya.

"Bahay ni Kuya? What's that?" - kumunot ang noo niya, tumawa ako, hindi niya alam, ang sikat noon.

"Sikat kaya yun, nanood ka ba ng tv?" - tumawa ako, siguro ng andon pa siya Manila ay tulog siya sa umaga at gising sa gabi.

"It's familiar but I don't know"

"So hindi ka nirecruit?" - umiling siya.

"Anong kompanya ang sinubukan kang irecruit?" - curious talaga ako.

"I forget already, its been years" - nagkibit balikat siya, wala talaga siyang paki sa fame and popularity. Ganoon siguro ang ibang mayayaman, mas gusto ang private na buhay.

Biglang may pumatak sa pisngi ko, tubig ulan. Tumayo ako.

"Hala, uulan na, tara na!" - tamad siyang tumayo. Tinupi ko ang picnic mat at pinasok sa basket, mas lalong lumakas ang ulan.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя